Chapter 3 - The right to hate

Magsimula sa umpisa
                                    

It was easy for her to say. Hindi siya ang pinagsamantalahan. Hindi siya ang binababoy at hindi siya ang ninakawan ng kinabukasan.

"Mas pinili kong kamuhian siya." Sinagot ko siya ng kasing tigas at kasing lamig ng yelo.

...
"Bakit tayo nandito?" Tumigil siya sa mall na palagay ko ay pangmayayaman lang dahil walang tao. Kagagaling lang namin sa doktor at alam ko na kung anong kasarian ng bata. Lalake siya. Nakatingin ang doktor sa akin noon at masayang inanunsyo niya ito pero tiningnan ko lang siyang blanko. Wala akong pakialam kung babae o lalake ang nasa sinapupunan ko. Iiwan ko rin ito. Tumingin ako sa lalake at ngiting-ngiti siya. Siya lang ang nakipag-usap sa doktor at tahimik lang ako. Ayoko ng gumawa ng scene gaya ng dati.

"Dito na tayo kumain. Late na rin kasi." Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Nauna na siyang lumabas ng kotse at tiningnan ko lang siya. Pumunta ito sa pintuan ko at pinagbuksan pa ako. Tiningnan ko lang siyang walang reaksyon bago ako lumabas.

Una siyang naglalakad sa akin at malayo ang distansiya ko sa kanya. Ngayon na lang ulit ako nakapagmall at pinalinga-linga ko ang mga mata ko sa loob. Ang daming magagandang damit na sa palagay ko ay hindi na kakasya sa laki ng tiyan ko. Marami rin kainan.

Natigilan naman ako ng may maamoy ako na gustung-gusto ng ilong ko. Tumigil ako sa kinatatayuan ko at hinanap kung nasaan galing ang amoy. Napansin ko na lang na nakatayo ako sa may italian restaurant at sa harap ko ay may couple na kumakain ng spaghetti. Iyon ang naamoy ko. Lalo ko naman narinig ang tiyan ko.

"Gusto mong kumain rito?" Napatingin naman ako sa kanya. Katabi ko na pala ito at nakatingin sa akin. Hindi ako tumango o anuman. Tiningnan ko lang siya. "Halika, pasok tayo. Dito na tayo kumain." Sinundan ko lang siya. Nakipag-usap siya sa reception at sinundan lang namin ito paloob ng restaurant. Pinaupo niya kami sa may couch at comfortable ito para sa akin. Sumasakit na rin kasi ang likod ko sa bigat ng bata. "Anong gusto mo?"

Tiningnan ko ang menu at hindi ko mahanap ang kinakain ng dalawang tao doon sa may bukana ng restaurant. Tiningnan ko sila sumandali para makita ang itsura ng kinakain nila. Pula ang sauce nito at spaghetti ang pasta. Pero ng makita ko ang menu ay napakaraming sauces at pasta at hindi ko na alam kung alin iyon.

"Anong inorder noon dalawa?" Tanong ng lalake na iyon sa receptionist.

"Beef Bolognese po sir. " Ngumiti naman rito ang waitress. Umiling ako. Halata ko ang pagkagusto nito sa kanya. Bakit kaya hindi na lang ang kagaya niya ang pinagsamantalahan nito? Tutal hindi ito aangal at maaring maging masaya pa siya kapag ginawa iyon ng demonyo sa kanya.

"Bigyan mo kami noon. Dalawa." Ngiting-ngiti pa talaga ang waitress at naiirita ako. Umorder pa ito ng iba at hindi ko na rin ito inintindi. Minasid-masid ko na lang ang paningin ko sa paligid dahil hindi ko masikmura na may lumalandi pala sa mga hayop na kagaya niya.

Kumain kaming tahimik lang. Masarap ang spaghetti na kinain ko at mabilis kong naubos iyon kahit na kaharap ko pa siya. Naunahan ko pa ang lalake na kaharap ko na para bang napakabagal niyang kumain. Nahuhuli ko pang tinitingnan niya ako habang kumakain at nag-aalis siya ng tingin kapag nahuli ko ito. Wala na akong pakialam kung paano ko kinain ang spaghetti. Wala rin akong pakialam kung nakakahiya.

"Gusto mo pa?" Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Sinisimot ko kasi ang sauce sa gilid ng plato. Gutom pa rin ako pero hindi ako sumagot. Uminom lang ako ng juice ko. Sumenyas ito sa waitress at umorder ulit ng spaghetti. Hindi ako kumibo. Gutom pa rin kasi ako at ayoko ng ibang pagkain inorder niya kundi iyon spaghetti lang. Uminom na lang muna ulit ako ng malamig na juice.

"Ah!" Napapitlag ako ng gumalaw ang nasa loob ko. Ang galaw nito.

"Gumagalaw siya?" Uminom na lang ulit ako ng juice at lalo siyang gumalaw. Tumigil ako sa pag-inom. "Baby, huwag kang malikot. Nasasaktan si...si...ano."Tiningnan niya lang ako at natigilan siya sa sasabihin niya. Hinawakan ko at hinimas-himas ang tiyan ko.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon