Muli akong naglabas ng buntong-hininga. "Sorry, Hugh. Pero, kailangan ko munang mag-isip. Sa susunod nalang muna tayo mag-usap. I-I need to oraganize my thoughts," saad ko.

Tumango lamang ito at binigyan pa ako ng maliit na ngiti. Kahit na nakangiti ito sa akin ay hindi ko pa rin mapigilan ang pagkirot ng aking puso.

"Take your time, Jade. I'll wait for you when you're ready to talk again..." bulong niya.

I left the park all alone. Kahit na gusto pa akong ihatid ni Hugh ay mas pinilit kong bumalik na lamang ng mag-isa.

Nang makapasok ako sa aking condo ay agad kong napansin ang gulo ng aking condo. I let out a tired sigh and went back to work.

Ilang oras nalang din ang tinagal ko at natapos ko na rin ang aking ginagawa. Balak ko pa sanang matulog nang sandali bago muling pumasok sa trabaho, pero hindi ko na 'yon nagawa pa.

Buong madaling-araw ay puno lamang ng kung ano-ano ang aking isipan. Pumasok ako ng trabaho ng walang tulog.

Kung noong Lunes ay kinakabahan akong makipag-usap sa aming team leader, ngayon ay parang wala na lamang iyon sa akin. May mas malala pa akong isipin kaysa sa masungit naming team leader.

Buti na lamang at nagustuhan na rin niya ang pinasa namin. Lumipas ang buong araw ng puro iyon lamang ang aking iniisip.

Noong gabi ay inaya ko ang dalawa kong kaibigan na pumunta sa aking condo. Sumaglit kami sa convenience store at bumili muna ng beer.

Pumwesto kami sa sala at nilatag doon lahat ng pagkaing nabili namin. Kanina ko pa nararamdaman ang mga titig sa akin ni Nica at Maia. Takang-taka kung bakit mukha akong problemado.

Inunahan ko na silang magbukas ng isang lata ng beer habang naghahanap ng papanuorin si Nica. Binigyan naman ako ng masamang tingin ni Maia nang makitang dumiretso agad ako sa beer.

"I thought that it'll just be a chill night, Jade?" mahina ang tawang tanong ni Maia sa akin.

Kita ko ang pagtingin ni Nica sa aming gawi at saka pumwesto sa aming tabi. Binalik niya ang remote sa lamesita at binuksan ang ibang pagkain.

"Naniwala naman kayo. Mukha ba akong chill buong araw?" tanong ko sa dalawa. Tahimik na umiling ang dalawa kong kaibigan.

"Why? What happened?" nag-aalalang tanong ni Nica.

Napabuntong-hininga na lamang ako at saka hinilamos ang aking kamay sa mukha. "Si Hugh kasi..."

"What's with him? Did he hurt you? I'll talk to him if he did," agad-agad na sagot ni Maia.

"Jade, just tell us if he hurt you," singit naman ni Nica.

Kumunot ang aking noo at sunod-sunod na umiling. "Gagi, hindi! Hindi siya ang dapat niyong awayin! Ako! Ako ang may problema sa aming dalawa!" sigaw ko.

Natahimik ang dalawa sa biglaang pagtaas ng aking boses. Hindi kasi ako madalas ma-badtrip.

Sinabi ko sa kanila kahapon na saka ko na lamang sasabihin kung anong nangyari sa amin ni Hugh kapag hindi ko na talaga alam ang aking gagawin. Hindi pa nakakalipas ang isang buong araw, nakaharap na agad ako sa kanila, nanghihingi ng kanilang opinyon.

"Jade, I told you! I thought we cleared this up already? Don't play with a nice person's feelings!" masungit na sabat sa akin ni Maia.

Napapitik na lamang ako ng dila at saka napakamot sa aking buhok. Hindi pa naman kasi buo yung kwento kung ano-ano na agad ang pumapasok sa isip!

"He wants to be used, Maia! Gusto niyang maging rebound ko siya!" sagot ko pabalik. Napatigil ito at unti-unting nawala ang kunot ng kanyang noo.

Problemado kong ibinaba ang nakalahati nang lata ng beer sa sahig at hinarap nang ayos ang dalawa.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now