10

37 6 0
                                    

THE UNTOLD CRIME: FIELD TRIP
written by: avylionhart & caolliflwr
--------------------------------------------------------

Three days have passed. The investigation on my motherʼs death is still ongoing. Pansamantalang itinigil ang pag-iimbestiga sa kaso kay Klead dahil wala pa ring lead na makakapagturo sa kanya as the suspect, aside sa mga fingerprints namin.

Aside from that, Mr. Tejares is the one who handled my motherʼs death case. Hindi ko siya ipinagkatiwala sa iba, tanging sa kanya lang.

Also, I didnʼt told them that I got my memories back. Saka ko na haharapin ang lahat kapag nalaman ko na kung sino ang pumatay kay Mama. I need to deal with it first.

“Are you still not going to visit Klead?” tanong saʼkin bigla ni Atty. Soriano kaya natigilan ako sa pag-aayos ng mga gamit, “Sa pagkakaalala ko, noʼng hinuli siya ang huling bisita mo. Kahit man lang sana makabisita ka kahit saglit. Kawawa naman si Klead, wala siyang ibang bisita doʼn maliban saʼyo.”

Napabuntong-hininga ako saka hinarap si Atty. Soriano.

“Iʼm sure he will understand if I canʼt visit him for now, Attorney. Kalilibing lang ni Mama. Isa pa, ang dami ko pang kailangan asikasuhin. Tutulong pa ako sa pag-iimbestiga.” sagot ko.

Tumango lang si Atty. Soriano. Hindi na lang rin ako kumibo at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

“I know that itʼs hard for you, Ella. Aside from your mother died, you canʼt remember anything. I know how good you are and Iʼm pretty sure that after all of this, God will give you the happiness you deserve.”

Natigilan ako sa sinabi ni Attorney at the same time, nalungkot. I feel bad for pretending that I canʼt still remember anything. I feel bad that after Klead became the prime suspect, they believed that I was innocent.

Iʼm really not good person as they think I am. Patong-patong na ang mga kasalanang ginawa ko kaya kahit buhay pa ako, alam kong didiretso ako sa impyerno. Ang mga nangyayaring 'to ang karma ko.

“O, Dash! Buti at nandito ka na!” napantig ang tenga ko ng marinig ko si Atty. Soriano.

Kaagad akong napatingin sa may pinto and there, I saw Dash whoʼs smiling from ear to ear. Mapang-insulto ang mga ngiti niyang 'yon.

“Iʼm sorry, Auntie. I am late. May inayos lang ako saglit.”

Napairap na lang ako.

I want to erase him in our lives but thatʼs impossible. Wala akong magagawa kung hindi ang tiisin na makasama siya dahil auntie niya si Atty. Soriano.

“So, since nandito na rin naman si Dash, I need to leave na.” sumulyap sa akin si Attorney, “Marami pa akong aasikasuhin. Bye!”

“Attorney!—” before I could stop her, nakalabas na siya.

Nakakainis! Makakasama ko na naman ang dem nyong 'to!

“So, whatʼs your plan for tonight? Letʼs have a date?” nakangiting tanong niya saka ako hinawakan sa kamay.

Tinabig ko naman 'yon. I glared at him but he just laughed at me.

“Hindi pa rin ba magbabago ang isip mo? Hindi ka pa rin sasama saʼkin?” he simply coughed before speaking again, “You know what, Ella? Even you try to avoid me, you canʼt. The fact that my auntie is the one whoʼs holding your case is a proof that weʼre meant to be.”

Mas lalong kumulo ang dugo ko sa kanya. Heʼs d mn obsessed and I donʼt know why heʼs acting like this. Malayong-malayo siya sa dating Dash.

“Anyway, I gotta go. Mukhang kahit anong pamimilit ko, hindi ka pa rin makikipag-date saʼkin.” muli niyang turan.

The Untold Crime: Field Trip Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon