Chapter 7: The Haunt is on

Start from the beginning
                                    

Hindi mapakali ang binata. Nangangatog ang mga paa at bakas ang takot at pag-aalala sa mukha, agad itong nagtatakbo na animo'y sinusuyod ang buong kapaligiran habang isinisigaw ang pangalan ng dalaga.

"Sisa?! Sisa asan ka?!" Paulit-ulit itong ginawa ni Ponzi pero sa huli ay wala siyang nahanap o napala man lang kaya nabato na lamang niya ang hawak na helmet dala ng labis na dismaya.

"Ano bang nangyayari sayo?!" Bulyaw ni Ponzi sa sarili dahil sa galit habang marahas ang hawak sa kanyang buhok. "Lintik! Ponzi umayos ka!" Paulit-ulit niyang bulyaw sa sarili nang mapagtantong marahil ay gawa lamang ng isipan ang boses na narinig.

Muling tumunog ang cellphone ni Ponzi kaya sinagot na lamang niya ito.

"Ano?!" Bulyaw niya dito bilang sagot.

"Ponzi may kilala ka bang Archie Romulo?" Nakunot ang noo ni Ponzi nang mapagtantong ang pulis na naman pala ang tumatawag sa kanya.

"Sino?" Kunot-noong sambit ni Ponzi na walang kaide-ideya sa pangalang ito.

"Andito siya sa estasyon ng pulis, inire-report ang pagkawala ni Sisa. Ayon sa kanya, unang nawala ang kasintahan niya ilang linggo na ang nakakaraan. Ngayon si Sisa na naman daw. Kilala niya daw sina Sisa at Julia mula pagkabata. Gaya mo, naniniwala rin siyang hindi sila nagwawala o naglayas." Paliwanag nito kaya dali-daling bumalik si Ponzi sa kanyang motorsiklo.

"'Wag mo siyang paaalisin, baka makatulong siya." Giit ni Ponzi saka muli itong binabaan.

Bago paandarin ang motorsiklo ay pinakiramdaman at pinakinggan muna ni Ponzi ang paligid sa huling pagkakataon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata sa pag-asang muli niyang maririnig ang boses na kanina ay nauulinigan at nang wala siyang marinig ay napabuntong-hininga na lamang siya.

"Sisa, kung ano-ano na ang naririnig ko dahil sayo. Nababaliw na ata ako." Bulong nito sa sarili.

*****

Matapos mai-lock ang pinto ng kanyang opisina ay pasimpleng sumilip ang pulis sa kanyang bintana. Nang masigurong walang ibang pulis o trabahador na malapit ay muli niyang ibinalik ang pansin sa dalawang binata.

"What the fuck is going on?! Nawawala ang girlfriend kong si Paris tapos ngayong nawawala narin si Serenity wala parin kayong gagawin?!" Inis na sambit ng binatang may matangkad na pangangatawan at suot-suot parin ang kulay green na jacket ng kanilang unibersidad.

"Paano mo nalamang nawawala si Sisa?" Kunot-noong sambit naman ni Ponzi.

"Look as I was looking for Paris, I found out about Julia's death and disappearance. Kakamustahin ko sana si Serenity lalo na't alam ko ang kapasidad niya pero hindi ko na siya nahanap pa ulit sa tinutuluyan niya. We've known each other since we were kids, Serri could be emotionally unstable pero nasisiguro kong hindi siya basta-bastang aalis sa lugar nato lalo na't hindi pa nahuhuli ang gumawa nito kay Julia. Serri gave up everything just to move here in Crimson Lake and look for Julia. When we were kids, I pranked Julia and I ended up with broken bones when Serri found out. Serri would never let Julia's murderer get away or even live for sure." Giit ng binatang si Archie kaya agad na nakunot ang noo ni Ponzi.

Never Cry MurderWhere stories live. Discover now