Chapter 7: The Haunt is on

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sama ka samin!" Muling giit ng kapatid na humahangos kaya si Ponzi na lamang mismo ang pumunas sa luha nito.

"Kikoy naman, hindi nga pwede diba?" Napabuntong-hininga na lamang si Ponzi saka pabirong ginulo ang buhok ng kapatid, "Pramis ni kuya sayo, sa susunod na pagkikita natin, kasama ko na si Ate Sisa mo tapos sabay nating lalaitin ang buhok niya. Okay ba yon?" Nakangiti nitong sambit bagay na siyang nagpatigil sa pag-iyak ng musmos.

"Talaga? Pramis?" Humahangos na sambit ng batang pulang-pula na ang mukha kakaiyak.

"Oo naman, kelan ba ako nabigo sa pramis ko sayo?" Biro na lamang ni Ponzi dahilan para ngumiti ng tuluyan si Kikoy.

****

Matulin ang pagpapatakbo ni Ponzi sa kanyang motoriklo. Panay ang pagtilapon ng mga patay na dahon na nakakalat sa napakatahimik na daang tila ba walang hanggan. Naglalakihan ang mga matatandang puno sa kapaligiran at kahit alas-tres pa lamang ay napakaulap na ng kalangitan.

Napansin ni Ponzi ang pagtunog ng kanyang cellphone kaya agad niyang hininto ang motorsiklo sa gitna ng ubod ng tahimik na daan saka tinanggal ang headphones na kanina niya pa suot habang nagmamaneho.

"Chief?" Tanong ni Ponzi nang sagutin ang tawag saka pasimpleng nilibot ang paningin sa kinaroroonan.

"Nakausap ko ang mga magulang niya. Nag-iwan si Sisa ng sulat sa kanila bago naglayas bilang pamamaalam. Hijo, sigurado ka ba talaga sa ideya mong 'wag munang sabihan ang mga magulang niya na nawawala siya?" Tanong pa ng pulis kaya napabuntong-hininga na lamang si Ponzi saka nasapo ang buhok.

"Lahat ng nawawala, pinalagay lamang silang naglayas o nawawala. Wala sa kanila ang pinag-isipan ng foul play. Kung totoo ang hinala natin noon na hindi nag-iisa ang Crimson Ripper at ito ang maaring bumiktima kay Julia, napakalaki ng posibilidad na mapahamak lalo si Sisa pag nalaman ng demonyong yon na alam natin ang tungkol sa mga pangingidnap niya. Sa loob ng napakaraming taon, napakalakas ng loob niya sa pangingidnap lalo na't akala ng lahat na nawawala lamang o naglalayas ang mga biktima niya. Oras na malaman niyang may ideya tayo sa kademonyohan niya, baka kung ano ang gawin niya sa kanila... Baka kung anong gawin niya kay Sisa." Walang emosyong paliwanag ni Ponzi habang nakatingala sa kalangitan at animo'y napakalalim ng iniisip.

"Hijo hindi natin pwedeng itago sa kanila ang katotohanan habangbuhay. Anak nila ang pinag-uusapan dito." Giit naman ng pulis.

"Alam ko, bigyan mo lang ako ng oras." Giit ni Ponzi saka ibinaba na lamang ang kanyang cellphone. Isusuot na sana niya ang kanyang helmet pero sa di malamang dahilan ay bigla siyang may naririnig na kakaiba... Animo'y may naririnig siya... Malabo... Parang isang sigaw... Parang isang boses na isinisigaw ang pangalan niya.

"Sisa?" Agad na napababa si Ponzi mula sa motorsiklo.

Nanlalaki ang mga mata at labis ang desperasyon, pinakiramdaman ni Ponzi ang tahimik na kapaligiran. Hindi na niya nauulinigan ang tila ba boses na kanina ay pumasok sa isipan niya, sa halip ang tanging naririnig na lamang niya ay ang kaluskos ng mga dahong gawa ng malakas na ihip ng hangin at ang sariling mabigat ang paghinga.

"Sisa?!" Hindi mapigilan ni Ponzi na mapasigaw habang paulit-ulit na nililibot ang paningin.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon