"Sige na Ethan, umayos ka at tumindig." Matigas at mariin kong sabi sa kaniya.

"Itigil niyo na 'yan, tanghalian na. Masamang paghintayin ang grasya." Sabay kaming napalingon ni Ethan sa taong dumating, kay Miss Joy. Tumango ito sa akin ng makita ako.




"Oh, you save me mom." Nangingiting ani ni Ethan at tumayo, lumapit ito sa akin at inakbayan ako, siniko ko ito sa tiyan na mahina nitong ikinadaing.

Nagpaunang naglakad si Miss Joy kung kaya kami ang nasa likuran nito, ayaw humiwalay sa akin ni Ethan, dikit na dikit. Gusto ko itong sipain papalayo dahil hindi man lang nahihiya, kasama namin ang kaniyang Ina pero kung makadikit animong wala kaming kasama.

"Dumistansiya ka nga, susuntukin kita." Mahinang sita ko sa kaniya, dumistansiya ito ng kaunti para magpunas ng pawis. Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko ay matutuyuan ako nang laway kong mananatili pa akong nakatingin sa kaniya.

"We have a deal. May date tayo." Nakangiti nitong aniya habang pinupunasan ang pawis sa tiyan, napalunok ako ng mapatingin roon, bahagyang sumisilip ang mga pandesal.

Tumikhim ako dahil pakiramdam ko ay may bumabara na kung ano sa lalamunan ko. "Magtitinda ako ng isda sa palengke mamaya, pagkatapos ng tanghalian. Bukas na lang tayo lumabas."

"Iba rin 'yong bukas, may iba tayong pupuntahan bukas. May pasok ka rin ba mamayang gabi?" Tanong niya.

Napabuntong hininga ako. "Hindi ako papasok mamayang gabi sa lugawan pero magtitinda ako ng isda sa palengke, sayang ang kikitain ko roon." Mahinahong paliwanag ko.

"Hmm, samahan na lang kitang magtinda at pagkatapos nating magtinda ay tsaka na tayo mag-date. Okay ba 'yon?" Mabilis akong napalingon sa kaniya at napahinto sa paglalakad.

"Sigurado ka? Sasama ka sa palengke? Sasamahan mo akong magtinda ng isda sa palengke?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Agad siyang tumango, hindi nag-aalinlangan sa sagot. "Yeah, I'm sure. Gusto kong magkaroon tayo nang time sa isa't-isa."


"Maraming tao 'ron sa palengke, maingay at maraming amoy isda. Sigurado ka ba talagang sasama ka?" Paninigurado ko sa kaniya.

"I'm one hundred percent sure, babe. Siguradong sigurado ako. Hindi problema sa akin ang maingay at amoy isda, gusto kitang makasama at tulungan. Pagkatapos nating magtinda tsaka tayo kumain sa labas." Nakangiti nitong sabi, napatingin ako sa mga mata niya, nandoon ang sinseridad sa mga sinasabi.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng saya dahil sa sinabi niya, pakiramdam ko ay napaka-swerte ko dahil mayroon akong siya. Napangiti ako at walang pasabing niyakap siya. "Salamat, Ethan."

"No problem, Shero. Boyfriend mo ako at nandito lang ako para tulungan at samahan kita sa mga bagay na gusto mo." Niyakap rin ako nito pabalik, mahigpit ngunit naroon ang pag-iingat.

Walang pasok ngayon kung kaya kinuha ko 'yon bilang pagkakataon para magtinda sa palengke. Ngunit dahil nga maaga akong sinundo ni Ethan, ay pagkatapos na lang nang tanghalian ako pupunta ng palengke kasama si Ethan.


Sabay sabay kaming kumain, katabi ko si Ethan habang katapat ko naman ang kakambal nitong si Evan, magkatabi naman ang mag-asawang si Miss Joy at si Sir Elias.

Habang kasama sila ay mas nakikilala ko ang mga pamilya ni Ethan, at mas nakikilala ko rin siya at kung ano ang totoong pagkatao niya.

Ngayon naman ay hinihintay ko siya rito sa sala dahil nasa itaas pa siya sa sariling kwarto para maligo at magpalit. Mabuti na lang at may dala akong extrang damit pangpalit.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon