CHAPTER SEVEN

185 20 2
                                    

CHAPTER SEVEN 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


CHAPTER SEVEN
 


 
 
 

 
AMANDA
 
 
 
 
 
 
BUTI NALANG at may napagtanongan ako. Tambayan daw ito ngayong ng mga katulong dahil wala naman daw nagpupunta dito. Nakatingin ako ngayon sa labas habang pinagmamasdan ang dating Greenhouse ng yumaong ina ni Amanda.

Sabi sa’kin na napagtanongan ko ay alaga daw ito ng nanay ko pero ng mamatay ang ina ay pinag-utos daw ni ama alisin ang nagpapaalala sa kanyang yumaong asawa at kasama na nga ito pero lihim na inalagaan daw ito ng ibang katulong kasama na ang pinagtanongan ko maliban sa pond na nasa dulo daw nito dahil talagang nasisinagan ng husto ng buwan ang pond hindi n daw ito kailangan linisin kasi malinis naman daw talaga ang tubig.
 

Pumasok ako sa loob. At pinagmasdan ito ang ganda ng pagkagawa at ang ganda ng mga bulaklak. Dadagdagan ko nalang ng ibang bulaklak at kunting furniture lang magiging tambayan ko ito. Malayo-layo rin ito sa mansion. Pumunta ako sa dulo kung nasaan ang pond.
 

Pwede na ito. May harang na nakapaligid sa pond kaya… okay na rin ito walang mangbubuso.
 

LINGGO ngayon kaya tahimik ang buong mansion. Wala kasi sila dito dahil ngayon araw rin kasi ang pag-aalay. Inihanda ko na ang alay ko sa mahal na diyosa ng buwan.
 

 
“Adele” tawag ko sa personal maid ko. Siya na kasi ang nag-aasikaso sa’kin at siya na rin ang naglalakas-loob na magsalita sa’kin na hindi na nauutal sa’kin. “Wag mo na akong hintayin sa akin silid mamayang gabi. Magpahinga kana pagkatapos nito. Bukas mo nalang ako puntahan sa green house” utos ko sa kanya.
 

“Masusunod, Lady Amanda” saad niya tsaka yumuko.
 

Iniisa ko lahat ang gagamitin ko sa aking pag-aalay. Maggagabi na tiningnan ko ang mga paparating na karwahe mula sa bintana ng kwarto ko.
 

 
Unang lumabas ang mga kapatid ko na sina Adam at Alfred. Sumunod naman si Ama at inilahad nito ang kanyang kamay kay auntie at pati narin kay Helena.
 
 

Nakakaramdam ako ng inggit sa nakikita ko kahit kailan hindi ko naranasan ang ganyan sa totoo kong pamilya. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa aking binabasa. At napatingin naman ako ulit sa labas ng bintana at tiningnan ang maliwanag na buwan.
 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Rebirth Of The Villainess: Amanda Rosella, The Runaway VillainessWhere stories live. Discover now