[15]

135 7 2
                                    

Nang matapos namin yun pag aayus ng stage ay naalala ko na nasa akin pa rin yung susi kaya binalik ko kay Brent yun nung naalala ko. At alam na din nila gaano kapalpak yung pag punta ko sa UP. Sumama ako kay Alliana papunta sa condo niya kasi nandun yung susuotin ko sa Paskuhan, dun din ako mag overnight. Medyo malayo kasi yung condo ko, sa UST baka lalo ako ma traffic if dun ako umuwi ngayon. 

Naka busangot lang mukha ko kanina pa, inaasar na nga nila ako dahil hindi naging successful yung kung ano man naging plano ko. "Ayaw ko na pumunta sa Paskuhan, kayo na lang wala naman ako jowa. Officially na siya nakipag break sa akin kanina." Malungkot kong sabi habang nakatingin sa salamin. "GAGA, nakabihis ka na ngayon mo lang sasabihin na hindi ka pupunta?"

Wala na ako nagawa kasi hinatak na niya ako papunta sa sasakyan niya at nag drive papunta ng UST. Nakakainis ano sense ng paskuhan kung di ko siya kasama, badtrip aayain ko siya sana kanina kaso nilayasan ako. 

Nakarating kami at nakita ko si Brent na naka casual attire lang tas si Alliana nilapitan si CJ na may binulong sa kaniya.  Lumapit silang lahat sa akin para i-cheer up ako, "okay lang yan bestfriend." Sabay na sabi ni Alliana at Brent na inilingan ko lang. "Alam niyo ba bakit hindi ako nag drive?" Lahat sila umiling tas yumuko ako para sagutin sarili kong tanong "kasi nakipag break ako sakaniya noon ako nag drive tas bigla na lang ako natakot ayun. Ngayon ko lang talaga narealize."

"Na ano?" Sabi nung isa sa may gilid ko na sinagot ko "na mahal ko ang isang Ricci Rivero." Pagsabi ko nun ay nagsalita ulit yung nasa gilid ko na "Sabihin mo nga ulit." doon na napa angat yung ulo ko at nakita si Ricci na naka casual attire but still handsome on whatever he is wearing. Niyakap ko siya ng mahigpit at inulit yung sinabi ko minuto lang ang lumipas. "I Love you, Ricci Rivero my MVP!"

Pag sabi ko nun sa kaniya ay binigyan ko ulit siya ng mahigpit na yakap. Tapos narinig ko silang lahat na nagtatawanan at nag AYIEE sa likod ko. Binitawan ko ang pagkayakap ko sa kaniya na meron abot tengang ngiti. "What I told you about, being a mistake please forget that. And I am thankful na meron isang Ricci Rivero na tinanggap ako."

Umiling lamang siya na nakangiti at hinawakan ang pisngi ko, "nag explain na si CJ. And I know na you really love me even Alliana told me about it." Tinignan ko ng masama si Alliana I feel betrayed, nung akmang mag sasalita na ako tinapik ni Ricci yung balikat ko para tignan ko siya. "Moment natin to, wag mo sila pansinin." Pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ako sa harap ng mga kaibigan ko at sa harap ng ilang estudyante na nandito na.

Tinulak ko siya para pakalmahin ang paghalik sa mga labi ko kasi hindi na ako makahinga. "Maraming tao rito, enjoy the moment na lang muna tayo." Pagka sabi ko nun ay sumigaw naman si Brent ng "Pota, pre too much PDA. Maawa ka naman sa mga single dito." Na ikinatawa namin ni Aliiana, CJ at Ricci. 

Nung umalis na sila para pumunta sa bandang harap ng stage ay tumingkayad ako para may ibulong kay Ricci. "Thank you sa lahat. And again I Love you, babe." Pagkabulong ko ay hinalikan ko siya sa pisngi at nag "I love you too" rin siya pabalik.

AT DOON PO NAG TATAPOS ANG ONE MISTAKE LED TO A THOUSAND LIES.
SANA PO AY NAGUSTUHAN NIYO.
MARAMING SALAMAT PO SA SUPPORT AT VOTES NIYO.

ONE MISTAKE LED TO A THOUSAND LIESWhere stories live. Discover now