Part 7

880 55 5
                                    

"YOU MEAN, break na kayo ni Jeffrey?" gulat na napalingon siya sa kapatid. Nasa kusina siya at nag-eeksperimento ng isang recipe nang puntahan siya ni Cheska at kausapin.

Tumango ito. "Hindi niya alam kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay. Ang gulo niya."

Umarko lang ang kilay niya. "Bagay nga kayo, pareho kayong magulo ang isip."

"Iba pa rin si Jake. Palaging nariyan. Maaasahan at may sense of commitment."

Nahinto siya sa ginagawa. "So, what do you mean by that?"

Ngumiti si Cheska. "Well, I've decided na sa susunod na mag-ayang muli ng kasal si Jake ay hindi na ako magpapabitin-bitin pa. Papayag na ako."

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa narinig. Tila nanlalamig siya pero mainit naman ang pakiramdam niya sa loob.

"Bawiin ko na kaya ang usapan natin?" tanong nito na mas kausap ang sarili kaysa sa kanya. Sa susunod na suweldo, may five thousand ka na. Diyan ka na, tatawga pa ako kay Jake."

Nakamata lang siyang sinundan ito ng tingin. Kahit kailan ay napakabilis magpalit ng isipan ni Cheska. Noon ay kulang na lang na makipagkalas ito kay Jake ngayon naman ay papayag na daw na magpakasal.

Hindi niya kayang iplaiwanag ang lungkot na nadama niya. Gaano man ang pag-ibig niya kay Jake ay dapat na niyang suoilin pa. Kung hindi ay lalo lamang siyang masasaktan kapag ikinasal na ito at si Cheska.

DALAWANG linggo nang hindi nakikita ni Avery si Jake. Nabanggit ng ate niya minsan na marami itong inaasikaso. Hindi na lamang siyang nag-usisa sapagkat natatakot siyang mahalata ni Cheska ang tunay na damdamin niya para kay Jake.

Dahil pasukan na ay pilit niyang ibinaling ang buong atensyon sa pag-aaral. Idinikta niya sa sariling mabuti na ring hindi niya nakikita si Jake para maging panatag ang pag-aaral niya.

Katatapos lang niyang gumawa ng term paper at nagpasyang lumabas ng silid para maghanda ng meryenda. Sinundo ang mommy niya ng isnag kumare nito at busy naman sa paglalaba ang katulong nila kaya alam niyang siya ang nakatoka sa kusina.

Nagulat pa siya nang matanawan si Jake na bumubungad sa sala. Ang katulong na nagbukas dito ay bumalik na sa likod-bahay.

"Nandiyan ka pala," kaswal na bati niya. "Wala pa ang ate, nasa opisina pa. Pero padating na rin iyon."

"Ikaw ang talagang sadya ko," seryosong sabi nito.

"A-ako?" Hindi niya naiwasang makadama ng pagkailang. "Eh, magpe-prepare muna ako ng meryenda natin. Gutom na rin ako. Sandali lang."

Sa kusina ay pilit niyang kinakalma ang sarili. Hindi naman niya maintindihan kung baklit tensyon na tensyon siya gayong dati naman pumupunta si Jake na sa kanya makikipagkuwentuhan.

Nang mapuna niyang lubha na siyang matagal gayong sandwich at juice lang naman ang inihahanda niya ay nagpasya na siyang balikan ito. Bago lisanin ang kusina ay humugot pa siya nang malalim na paghinga.

Places and Souvenirs - BORACAY 1 - Perfect ChanceWhere stories live. Discover now