" Katulad lang din kung paano namin labanan at desiplinahin ang mga sarili namin na hindi pumatay at manakit kapag nararamdaman namin ang takot tuwing nandon ang uri na mga lalaking katulad nyo. " at agad kong siniko ang manhood nya sa pinaka malakas na kaya ko, agad naman syang napaluhod habang hawak ito at napasigaw sa sakit.
Kinuha ko agad ang cellphone ko at tumakbo ng sobrang bilis papuntang kwarto ko.
" Tangina! Tangina! Hayop ka Rozaaae! Papatayin kitang puta ka! " rinig kong sigaw nya habang nakakarinig ako ng mga yapak na sumunod.
Isasarado ko na ang pintuan ng matulak nya ito bago ko malock. Punong puno ng galit ang mata nya habang malalalim na humihinga sa bibig nya at nakakuyom ang kamao. Nagpanic ako habang sinuri ang kwarto, nakita ko ang baseball bat sa gilid ng dingding katabi ng CR. Tinakbo ko ito at agad na pumasok sa loob ng CR.
Takot na mamatay ang pakiramdam ko ngayon, pero handang mamatay wag lang nya matuloy ang gagawin sakin. Swallow all your dignity and spit the fear of being hurt and killed. Nangnginginig kong hinawakan ang cellphone ko pero nabitawan kolang agad ito dahil sa malalakas na pagsipa ng pintuan.
Takot kong pinulot ang cellphone at nangnginginig na nilagay sa scanner ang thumb ko. Sobrang nangnginginig ito hindi mascan, napatalon ako ulit sa sobrang takot napatingin sa pintuan, kala ko nasira na nya.
" Humanda ka talaga sakin. Diba gusto fun at exciting? Tangina mong, yawa ka! Ipapakita ko talaga sayo. Putangina ina mo! " sigaw nya sa kabilang pintuan at nagsimulang sipain ulit ang pintuan.
Nakahinga ako ng kunti ng mascan na at nabuksan na ang phone ko. Pumunta ako agad sa dial at tinawagan ang number na 117, nag ring ito agad. Nyerbos akong napalakad at napatalon talon sa takot.
" Hello, this is-" bati ng kabilang linya pero pinitol ko ito agad.
" Puta! Meron pong gustong manakit sakin at balak pa ata akong irape-" mabilis kong pagakakasabi pero sumapaw ang dispatcher.
" Ano pong nang-"
" Paki trace po agad ang location ko at magpadala ng pulis. PAKIUSAAPP! " halos humahagulgol na ako sa takot. Tumutulo nadin ang mga luha ko ng walang preno, yung kaganina na pinipigilan ko, lumabas ngayon. Hinihiling na sana may kumatok na agad ngayon sa pintuan ko, kahit sino, gusto ko lang na maligtas ngayon.
Nilalabanan ko na wag bumigay ang binte ko, patagal ng patagal alam kong masisira na ang pintuan.
" Teka po, kailangan muna po namin malaman ang situwa-"
" PUTAAA! Nakikinig ka ba! Rinig mo yung pinto masisira na tapos sasagutin ko yan? Kaya makinig ka. AAAHH! TANGINA! TANGINA! TANGINAA! " punong punong ng takot at inis ang buong sistema ko parang sasabog na ako. Hindi na ako makapag isip ng maayos, napamsampal ako sa mukha para bumalik sa katinuan.
" PASENSYA NA! TAKOT! TAKOT ANG NARARAMDAMAN KO NGAYON KAYA MAINTINDIHAN NYOO!AAARGHH! BWESIT! " nanggigil kong sigaw, napayuko at napaupo sa toilet bowl. Iyak, na iiyak ako sa sitwasyon ko, lalong lalo na kasalanan ko din lahat to kung bakit nangyayari sakin ito.
" Pakiusap po paki trace agad ng location ko, nagmamakaawa po ako! Bakit naman po ang mag paprank at magbibiro ng mga gantong bagay? Babae ako! Babae ako! Walang babae gusto gantong pakiramdam. Walang babaeng gusto mangyari sa kanila 'to. " hopeless kung pagkakasabi habang humahagolgol na, mga mata ko nararamdaman ko ng namamaga, may puting sipon nadin na lumalabas sa ilong ko. Pinunas ko lahat ng luha ko, at huminga ng malalim.
" Kumilos kayo agad! Dahil halos lahat ng babae sa Pilipinas kapag nangyayari ito hindi makahingi ng tulong sa inyo! Hinahayaan lang nila! Itatak nyo yan! Tang ina--" napatigil ako sa pagsasalita ng bumaksak na ang pintuan at nagliliyab na mga mata ni Chaise ang sumalubong agad sakin.
YOU ARE READING
Lesson Learn
RomanceChristian Xade Llirac is a victim of a traumatic incident. A survivor who see all the bloods and corpses of the innocent students, teachers and his friends scattered right on his eyes. Buildings where collapsed on the ground. His mouth shut after t...
Chapter Five
Start from the beginning
