Chapter Three

283 2 0
                                        

Normal matured content ahead

Nine days na sobrang hectic ang work ni mama. Halos sa isang araw tatlo o apat na event ang pinupuntahan namin. No wonder na kailangan niya ng katulong, every events na hinahawakan ni mama have its own unique design and really reach the expectation of the client. I feel proud para kay mama, she really became a strong woman.

Mabigat akong napahiga na sahig pagkapasok ko palang nang bahay, kakauwi lang namin sa isang events, sobrang daming ginawa. Halos magmamadaling araw na kami nakauwi.

Sinipa naman ako ni mama ng mahina at matawang sinabi na wag akong humiga sa sahig dahil masama. Kaya napilitan akong tumayo at humiga nalang sa sofa at binuksan ang t.v, wala nang show sa mga local channel kaya pumunta nalang ako sa HBO at sinwerte ako nang Villian ang palabas. Sobrang gwapo talaga ni Bill Skarsgård, I hope Lord bless me with a man that most exactly like him. Yung sana gusto din ako, baka makita ko lang sa daan tapos tinarayan naman ako. Guguho talaga ang mundo ko.

Si mama naman ay busy nag nagluluto sa kusina, may sinasabi siya pero mariin akong nakatutok sa pinapanood ko. Panay oo lang at mahinang tumatawa ang sagot ko. Tapos minsan sinasabi ko ' grabe ka ma oh! ' Nabigla naman ako nang biglang namatay ang t.v

" Hala! Bakit napatay? " panic na sabi ko at dahan dahan na narealise ang masasamang tingin ni mama sa repleksyon ni tv, hawak ng isang kamay ang remote at isa naman sa spatula. Napakamot ako sa likod ng ulo ko at alanganin ngumiti.

" Sorry ma, ang ganda kasi nang pinapanuod ko. Ano bang sinabi mo? "

" Maganda? Naghahalikan? " iritableng tanong ni mama at napailing iling at naglakad ulit sa kusina para tingnan ang niluluto.

" Bakit hindi ba maganda yun? " pang aasar ko at tumakbo para sundan siya sa kusina.

" Ewan ko sayo, mag take home ka nalang at bumalik ka na kila Mei. " parang nagtatampo pa ang tono ni mama, kaya mas lalo akong natawa. Niyakap ko naman siya mula sa likuran. Nilalasahan niya ngayun ang niluluto niyang menudo. Ang bango

" Ang matampuhin mo talaga ma. " sabi ko at binigyan nang mahigpit na yakap.

" Hindi ah! Kung nakikinig kalang kasi sa sinasabi ko, hindi yung para akong sira nagsasalita. Sagot mo lang OoO, opo. " natawa pa ako lalo dahil ginaya pa ni mama ang pagsasalita ko. Which is hindi talaga ako ganun magsalita, hindi ba?

" Matampuhin ka nga. Ano bayun ma? Sorry na, sige na. " panunuyo ko kay mama

" Yung estyudante mo nagwala daw kaganinang madaling araw. May tunog pa daw na parang may nabasag. Nag papanic na sila Mei, nagtatanong kung pwede kana bumalik muna. " napatulala ako saglit and let everything sink in. Ang puta ano daw?

" Alis muna te, magbihis kana para makapunta kana at matapos ko ito para makadala ka dun. " sabay tanggal ni mama sa braso kung nakayakap sa kanya. At pinalo ang pwet ko. Napabalik naman ako sa realidad, ang sakit.

Ano naman problema nang lalaking yun? Bago ako umalis okay naman kami, sarap na sarap pa nga siya.

Pagkapasok ko palang sa mansion ni tita, siya agad nakita kung naglalakad pabalik balik at parang nag aalala at stress. Si tito naman nakaupo na para may pinagtatalunan sila. Napatigil naman si tita nang mapansin niya ako naglalakad papasok ng bahay. Nakahinga siya ng malalim at sinalubong ako ng mahigpit na yakap at binalik ko naman ito, si tito naman napatayo at inayos ang eyeglasses nya habang nakatingin.

" Thank god your here. Simula nang umalis ka gabi gabi namin siyang naririnig na sumisigaw sa sakit, kala namin may nararamdaman siya kaya pinadalhan namin siya ng iba't ibang gamot na pwede niyang pagpilian. And early this morning may narinig kaming loud noise sa kwarto niya, parang may nasira o nabasag. " habang pagpapaliwanag ni tita sa mga nangyari at humarap sakin, nakalagay ang dalawa niyang palad sa gilid nang aking braso. Tiningnan ko siya " I'm not gonna lie since you came here he's not been crying every night. There's maybe something you tell nagpatigil sa nightmares siguro niya. " masayang banggit nya, punong puno ito ng pag asa. Pero wala talaga akong maintindihan

Lesson LearnWhere stories live. Discover now