Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya, I think he's already drunk namumula na rin ang mga pisngi niya. Medyo marami ang kanilang nainom, limang beses silang kumuha ng alak.

Hinawakan niya ang wrist ko kung saan hawak hawak ko ang baso, dahan dahan niya 'yong binaba at kinuha ang baso sa kamay ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nakatitig lang ako sa kaniya pero ang lakas ng tibok ng puso ko.

Kinakabahan ba ako? Bakit ako kinakabahan? Wala naman siyang gagawing masama diba?

I mean he look so nice, he look so kind. He's handsome, his brown eyes look so good on him. His hair look messy but it suits him.

Pagkakuha niya sa baso ay umayos siya ng tayo at ininom niya ang natirang tubig. Nakatingin lang ako sa kaniya habang umiinom siya.

Why is he so handsome by just drinking water, huh?!

Napalunok din ako when his adam's apple move when he swallowed. Napaiwas agad ako ng tingin nang tignan niya ako.

Natawa siya dahil doon kaya mas lalo akong nahiya. Nag-init ang pisngi ko. Binaba niya ang baso sa counter top na nasa likod ko.

"Hindi ka pa ba inaantok?" Tanong niya. Kanina ay medyo inaantok na ako pero dahil sa ginawa niya ay parang nawala.

"H-hindi pa po." Sagot ko.

"Really? Kanina pa kita nakikitang hikab ng hikab." He smirked.

Napansin niya pala 'yon? It's already midnight kaya nakakaantok, saka nasanay akong maaga matulog dahil kinabukasan ay maaga ang pasok ko.

"Matulog kana sa taas." Utos niya. "Matutulog na rin naman ang mga 'yon dahil mga lasing na." Tukoy niya sa mga pinsan niya.

Para siyang kuya ko.

"Sige po." Tumalikod ako sa kaniya at kinuha ang baso dinala ko ito sa lababo.

Lumapit uli ako sa kaniya "Akyat na po ako." Pagpapaaalam ko.

"Okay, goodnight." He smiled sweetly.

"Goodnight, kuya." I smiled, pero nakita kong unti unting nawala ang mga ngiti niya.

"Kuya?" Patanong niyang sabi.

"Bakit po? Diba po kaklase kayo ni ate Rein so same age lang po kayo ni ate." Diba? Mas matanda pa nga siya sa kuya ko kaya dapat talagang kuya ang tawag ko sa kaniya.

"Yeah, but,"

"Ayaw niyo po bang tinatawag kayong kuya?" Baka hindi siya sanay na tinatawag na kuya.

"H-hindi naman." He sighed. "Nevermind."

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising dahil nga puyat, paggising ko ay wala na si Jazen sa tabi ko naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko ay medyo maraming two sa living room, mga nagkakape sila. Mukhang mga bagong gising lang rin pero ang mga bata ay nagtatakbuhan na, umagang umaga sobrang hyper.

Nakita ko rin ang ibang pinsan nila kuya Nat mukhang may mga hang over pa sila.

"Ate!" Lumapit sa akin si Jazen at niyakap ako.

"Kumain kana?" Tanong ko, alas-dies na rin kasi malapit na mag lunch.

"Opo!" Sagot niya. "Pinakain ako ni tita-mommy!"

"Tita-mommy?" Sino 'yon?

"Si tita Jhin! Sabi niya po 'yon daw po itawag ko sa kaniya!" Sagot niya. Akala ko naman kung sino, pumunta kami sa kusina para kumuha ng pagkain dahil nagugutom na ako.

Nakita ko rin doon si tita Jhin kausap niya si kuya Jen. Narinig kong inutusan niya si kuya na paakyatin si tito sa kwarto. Napansin niya agad ako at nilapitan.

Niyaya niya akong kumain, siya pa nga ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko. Para talaga siya ang nanay ko.

"Kagabi hirap na hirap ako sa tito mo! Ayaw pa tumigil sa pagiinom!" Natatawa nalang ako kay tita, dinadaldal niya ako habang kumakain ako. Buti nga at nandito siya dahil nakakahiya sa mga kamag-anak nila.

"Saan siya natulog tita?" Tanong ko. Alam ko ay puno na ang mga kwarto dahil medyo maraming nagstay overnight at wala rin si tito sa kwarto paggising ko kanina.

"Nandoon sa tabi ng pool kung saan sila naginom! Ayaw niya umalis doon, magkakasama sila ng mga kumpare niya." Sagot ni tita. Sabay kaming napatingin nang pumasok sina kuya Nat kasama ang iba niyang pinsan.

Mukhang kakagising lang din nila dahil magugulo pa ang mga buhok.

"Anak! Kumain na kayo." Tumayo si tita at inasikaso sila. Lumabas din agad si tita para puntahan ang ibang bisita.

Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko ang mga pinagkainan sa lababo. Lumabas muna ako para hanapin si Jazen.

Lumabas kasi siya kanina habang kumakain ako. Nakita ko si tita sa harap ng gate nila na kinakausap ang mga aalis na.

Hindi ko alam kung nasaan na si Jazen, saan ba nagpunta ang batang 'yon?

Naglibot nalang muna ako sa bakuran nila tita, may mga nakakalat na bote ng alak. Mukhang marami silang biniling alak.

Bigla kong naalala si kuya, ano kayang emergency 'yon? Sobrang nagmamadali siya kahapon sobrang importante siguro non.

"Shay!" Nagulat ako ng biglang may umakbay sa akin. Paglingon ko ay si kuya Jen pala. Bunso ni tita Jhin.

"Hello po." Bati ko.

"Nakausap mo na ba ang kuya mo? Hindi ko kasi siya ma-contact. Hindi niya sinasagot tawag ko." Aniya.

"Baka busy." Sabi ko. Baka dumeretso na siya sa trabaho niya kanina.

"Siguro pero kung mag-usap kayo sabihin mo tawagan ako."

I nodded. "Sige kuya." He smiled and pat my head before leaving.

Pinagpatuloy ko nalang ang paghahanap kay Jazen at nakita ko nga siya sa tabi ng pool na may kasamang batang lalaki.

Parang mas bata sa kaniya pero parehas lang sila ng laki. Maliit lang kasi si Jazen, maliit siya compare sa mga ka-age niya.

"Jazen!" Tawag ko. Sabay silang napatingin ng batang lalaki.

Tumakbo siya papunta sa akin. "Ate pwede mag swimming doon?" Tinuro niya ang pool.

"Bawal, malalim d'yan." Napasimangot siya. "Sa cr ka nalang maligo, tara na." Pawis na pawis nanaman siya, siguro nagtatatakbo 'to.

Papasok na kami ng bahay nang makasalubong namin si kuya Jasiah.

"Hey." Aniya.

"Hello po! Good morning." Bati ko. Mukhang paalis na siya.

"Good morning. Did you eat already?" He asked.

"Ah opo kakatapos lang." Tumango tango siya at dumako ang tingin niya sa batang hawak ko.

"Ah si Jazen po, kapatid ko." Pakilala ko sa kaniya.

"Hello po!" Bati naman ni Jazen.

He smiled at him. "Hello!"

"Uuwi na po kayo?" Tanong ko.

"Yes." Sagot niya. Gusto ko pa sana siyang makausap dahil parang magkakasundo kami gaya kagabi parang close na kami.

Kaso medyo naiilang akong tawagin siyang kuya dahil mukhang hindi niya nagustuhan 'yon. Nakita ko kung paano naglaho ang mga ngiti niya kagabi.

Seeking Light in the DarknessWhere stories live. Discover now