02: Maling balita

19 2 0
                                    

Elora Amore

“ Ihahatid na lang muna kaya kita kila Adel, Amore? May makakasama ka do’n, lalo na at nando’n din naman si Klofie,” nandito kami ngayon sa kuwarto at nakaupo ako sa kama.  Pinapanood ko lang siya na mag-ayos ng sarili.

“ Ma, hindi na kailangan. Ayos lang ako rito. Isa pa, magre-review ako. Kung do’n ako, tiyak na walang review na mangyayari. Kilala mo naman si Klofie, ” bumuntong hininga na lumapit at tumabi sa akin. She gently caress my hair.

Sa kakulitan pa naman ni Klofie, tiyak na mauuwi lang kami sa kuwentuhan at daldalan. Isa sa pinaka-ayaw niyang gawin ang mag-review.

“ Pero hindi ako mapapanatag kung iiwan kitang mag-isa dito sa bahay, ” napangiti naman ako. Hindi ko siya masisisi sa pag-aalala. Sino ba naman ang hindi mag-aalala kung iiwan mo ang anak mo sa bahay ng mag-isa tapos gabi na.

“ Huwag ka ng mag-alala pa, ma. Kaya ko na sarili ko. Malaki na ako. ” Niyakap at nilambing ko siya para mabawasan ang pag-aalala niya. Second time, she sigh.

“ Hanggang madaling araw ang trabaho ko. Sigurado ka bang ayos ka lang dito?” Kumalas ako sa yakap at mabilis na tumango. May binigay kasing raket ‘yong kaibigan niya kanina.

Hinalikan niya ko sa noo. “Kung talagang ayaw mo do’n wala na akong magagawa pa. ” Hinatid ko siya hanggang sa hindi maayos na gate namin. “ Lock the doors. Mag-iingat ka rito. Aalis na ako. ” Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at kumaway.

Sinundo siya ng hindi ko kilalang kaibigan niya. Siya rin ang magiging kasama ni mama sa raket nila. Siguro....? Pumasok na ako sa loob at ni-lock ng mabuti ang pinto kagaya ng kaniyang bilin. Ilang oras lang nag-review saglit bago natulog.

Naalimpungatan ako ng maramdamang may humahaplos sa buhok ko. Nakangiting mukha ni mama ang bumungad sa akin. Mukhang kararating niya lang dahil hindi pa siya nakakapagpalit ng damit.

“ Nagising pa yata kita. ” Bumangon at umayos ng upo. Niyakap siya sa bewang.

“ Kumusta ang raket mo, ma. Magaan lang ba? Hindi ba masiyadong nakakapagod?” Minsan kasi, kahit hindi niya sabihin, nahahalata ko kung mahirap o nakakapagod ba ang trabaho niya. Mahahalata na iyon sa kilos at pananalita niya na pilit tinatago.

“ Sobrang gaan lang at hindi nakakapagod. Magse-serve lang naman kami ng drinks sa customers. Ang sabi pa nga ng manager, pumasok ako ulit bukas, ” napangiti naman ako sa narinig. Kaya bilib ako sa kaniya, kahit ilang beses natatanggal sa trabaho mabilis din namang nakakahanap. Isa pa, hindi agad sumusuko.

Mukha rin siyang nagsasabi ng totoo. Ibang-iba ang ngiti niya ngayon. Ngiting hindi pilit at sobrang pagod talaga.

“ Hindi naman kayo binabastos do’n, di’ba?” Sa bahay aliwan kasi ang raket niya. Waitress siya do’n at ang kaibigan niya pero hindi ko rin naman maiwasang maisip ang scenario na ‘yon.

Tuwing nalalasing pa naman ang isang tao, minsan nagiging bastos ng hindi sinasadya. Madalas gano’n ang sinasabi ng iba at nakikita ko minsan sa mga palabas.

Napatingala ako sa kaniya nang walang makuhang sagot. Tipid na ngumiti lang siya. “ Wala naman. Bawal ang bastos do’n, ” hindi na lang ako nagsalita pa. Ramdam ko naman na medyo nagsisinungaling siya. Imposibleng walang bastos sa lugar na iyon, lalo na kung sobrang lasing.

“ May balak ka namang maghanap ng ibang trabaho, hindi ba ma? ” Kahit nagdadalawang-isip ay tinanong ko pa rin siya. Nananatiling sa dingding ang tingin ko.  Ramdam ko naman ang tingin niya sa akin.

“ I mean, kahit waitress pa rin naman pero hindi na sa bahay aliwan,” dagdag ko pa. Ayoko lang talaga na napapahiya si mama dahil sa pinagtatrabahuan niya. Hindi naman sa nakakahiya ang mga taong nagtatrabaho sa gano’ng negosyo. Legal din naman ang ginagawa nila kaya walang problema.

Victory Of Love (completed)Where stories live. Discover now