Tumango-tango nalang ako at humalik na ako sa pisngi ni Tita bago ako tuluyang pumasok ng bahay.

"Hi, 'mmy." hinalikan ko si mommy sa pisngi.

"Tumawag ang daddy mo kanina but I told him na nakila-Isaac ka pa kaya bukas nalang daw sya tatawag ng umaga." ani mommy.

"Sige po. Tulog na po ako." paalam ko't agad ng umakyat sa kwarto ko.

Nasa Canada kasi si daddy. Dun sya nagt-trabaho kaya once a year lang syang nakakauwi at si mommy nama'y professor sya sa UP Mindanao. Minsa'y si daddy ang uuwi twing summer pero madalas ay kami ang bumibisita ni mommy sa Canada para bakasyon ko na rin.

Bago ako matulog ay kinuha ko muna ang iPad ko't sinearch ang lullaby song na sinabi ni Tita't pinakinggan ko lang paulit-ulit hanggang sa makatulog na ako.

"Bye, daddy. I love you." at nagpatunog pa ako ng isang halik bago ibalik kay mommy ang cellphone at muli silang nag-usap ni daddy.

Pupunta na ako kila Isaac dahil tuturuan ko pa sya. Nag-chat sya kanina sa facebook na okay na raw sya't turuan ko na sya dahil exam na namin bukas.

"Goodmorning!" bati ko sa kanya na handang-handa na ang kanyang mga libro at ni-check ko ang kanyang temperature.

"Okay na ko, El. You dont have to worry." aniya't kinuha ang kamay kong nakahawak sa kanyang noo.

"Tss." at binawi ko ang kanyang kamay. "Grabe hindi ko akalain na lalagnatin ka dahil lang sa Math. Natatawa tuloy ako." at humagalpak na ako.

Nag-inisan pa kami ng nag-inisan bago kami nagsimula ng seryosong pag-aaral.

"Yes! Tapos na ang exam week." masayang sabi nya nang nasa kotse na kami pauwi.

Umirap nalang ako't hindi na nagsalita nang magsalita si Tita na nagd-drive. Sya kasi ang laging sumusundo sa amin twing sumasabay ako pauwi dahil busy si mommy.

"Saan nyo gustong kumain?" biglang tanong ni Tita sa amin ni Isaac. "Alam kong kailangan ng mamahinga ng mga utak nyo kaya kakain tayo kung saan nyo gusto."

Bigla namang dumungaw si Isaac sa harapan. "Snow Joe, 'mmy!" agad na sagot ni Isaac. "El wants some ice cream or an ice cream cake. Natapon ko po kasi yung ice cream nya kaya bad trip sya." paliwanag nya kay Tita.

"Oh, did you say sorry na ba to El?" tanong ni Tita sabay sulyap sa akin kaya nginitian ko si Tita.

"Yes, 'mmy but she's still in a bad mood kaya po Snow Joe na po tayo." pilit ni Isaac.

"Okay. Then off to SM we go." nakangiting sabi ni Tita at agad niliko ang kotse papuntang SM dahil dun merong Snow Joe.

"Sorry na kasi. Ito na ice cream cake oh. Say ah.." nakangiting sabi ni Isaac at natatawa na si Tita habang pinapanood kami.

"Mukhang hindi pa ata marunong magsuyo ng babae ang anak ko ah." komento ni Tita't alam kong uminit ang pisngi ko.

"Mommy, I can do this." ani Isaac at tumingin sa akin saka ngumiti. "I'm sorry na, El. Hindi ko naman talaga sinasadyang masagi yung ice cream mo eh. Ito na nga oh. Favorite mo. Please?"

Marahan naman akong napatawa ng magbeautiful eyes pa sya.

"Oo na. Akin na nga." sabi ko nalang sabay abot ng kustara sa kanya't ako na ang nagsubo sa sarili ko ng ice cream cake.

"Yay! Bati na kami." masaya nyang sabi at pinisil ang pisngi ko saka kumain ng kanya.

Napangiti nalang ako't napansin kong pinipicture-an kami ni Tita kaya medyo nailang ako.

Ano ba yan, Lorraine! Ang bata-bata mo pa. Mag-aral ka muna please. Grade two ka palang. Seven years old ka palang. Maghunos-dili ka nga.

"Bagay pala kayong dalawa." natatawang sabi ni Tita.

Hindi nalang ako nagsalita habang si Isaac ay umakbay pa sa akin. "Of course! We're bestfriends, 'mmy." aniya at hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko.

"Then you two should always take care of each other." ani Tita at lumingon kay Isaac. "Lalo ka na, Isaac. Ikaw ang lalaki kaya lagi mong aalagaan si Lorraine." ngiti nya.

"I will, 'mmy. You dont have to tell me that." sabi nalang ni Isaac at tinanggal na ang naka-akbay na braso nya sa akin.

Pagkauwi namin ay agad naman syang nagchat sa akin ng kung anu-ano kaya hanggang sa makatulog ako ay sya ang huling kausap ko.

"Yes! Ang taas ng grades ko." sobrang tuwang sabi ni Isaac habang tinitignan ang second quarterly card nya.

Kanina pa nya tinitignan yan dahil ipapakita nya daw kay Tita pagkadating nito samantalang ako'y nilagay ko na ang card ko sa bag ko dahil wala namang nagbabago't paulit-ulit lang ang marka'ng nakukuha ko.

Nang laki naman ang aking mga mata ng bigla nya akong yakapin. "Thank you, El." sabi nito. "If you didnt helped me studying, hindi ko 'to makukuha. Thank you."

Yumakap na rin ako sa kanya't akmang magsasalita na ng biglang may bumusina sa aming harapan.

"Mommy--"

Napatigil si Isaac ng lumabas dito si Tito na umiiyak.

"Daddy, what happened? Why are you crying?" nag-aalalang tanong ni Isaac nang makasakay na kami sa kotse ngunit hindi sumasagot si Tito't patuloy lang sya sa pag-iyak.

Halos man lambot ang tuhod ko habang patungo kami sa operating room dito sa ospital.

"Daddy.." inaalog na ni Isaac ang braso ni Tito't umiiyak na rin sya.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko sya kayang makitang nagkakaganyan.

Ilang sandali pa'y tumunog na ang pinto ng operating room at lumabas na ang doctor doon saka tinanggal ang kanyang surgical mask.

"Relative of Mrs. Horan?" tanong ng doctor.

"I-I'm her husband, doc." nauutal at nagpapanic na sabi ni Tito.

Suminghap naman ang doctor at umiling. "I'm sorry to say this but she didnt make it." he stated at agad nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig. "There are too many blood loss at pumutok din ang ugat nya sa utak nang dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga. We did everything we can but.. we're really sorry." at tinapik nito ang balikat ni Tito saka nagpatuloy sa paglalakad.

"No! No!" sigaw ni Tito't pinagsusuntok ang pader habang si Isaac naman ay napaupo sa sahig.

"Isaac!" sigaw ko't agad syang dinaluhan.

"No.." iyak nya saka lumingon sa akin. "She cant die.. No.. Mommy.." paulet-ulet nyang sabi.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko sa pag-iyak dahil napamahal na rin sa akin si Tita. She's like my second mother at ang mawala sya'y para na rin akong nawalan ng ina.

"Lorraine.." niyakap ako ni Isaac at for the first time after many years ay tinawag nya akong muli sa aking buong pangalan. "Wala na si mommy.." iyak nya.

Yumakap nalang din ako sa kanya't hindi na nagsalita.

I'm here for him. Nandito lang ako para sa kanya. I'll take care of him. Hinding-hindi ko sya iiwan. I'll fill-up the hole in his heart. I'll do anything just to make him happy. Even if it takes everything that I have.

I'll be right here. Just beside him. Always.

Among The StarsWhere stories live. Discover now