Mabilis naman akong bumaba papuntang kusina at agad kong nakita si Manang Perla na naghahanda ng dinner.

"Manang, painit daw po yung soup para kay Isaac. May lagnat po kasi sya eh." nakangiting sabi ko at agad namang nataranta si Manang Perla.

"Oh sige." aniya habang nagsisimula ng kumilos. "Iaakyat ko nalang." dagdag nya.

Tumango nalang ako at hinila ang upuan upang maabot at mabuksan ko ang kabinet kung saan nakalagay ang mga gamot.

Kinuha ko ang nakakahon pang paracetamol syrup saka mabilis na bumaba sa upuan at kumuha ng kutsara saka patakbong umakyat.

Pagkaakyat ko'y nakita kong nakahiga na si Isaac at nakabalot na ng comforter. Hindi na rin ganong kalamig ang kwarto katulad ng kanina.

"Tita, ito na po." sabay abot ko kay Tita.

Ngumiti naman si Tita sa akin. "Thank you, Lorraine." aniya. "Kumain ka muna don ng cake. Sayang. I know chocolate cake is your favorite. Sabi sakin ni Isaac na 'yan daw ang bilin ko dahil favorite mo."

Tumango naman ako. "Sige po, Tita." at mabilis akong naupo sa bean sa may center table dito sa kwarto ni Isaac upang kumain na.

Ilang sandali din ay umakyat na si Manang Perla at malapit ko na ring maubos ang cake.

Sayang naman itong cake ni Isaac. Kung ako nalang din kaya ang kumain nito.

"Thanks, Manang." nakangiting sabi ni Tita kay Manang Perla na agad rin namang lumabas ng kwarto.

May kinuha si Tita sa pinakaibabang drawer sa side cabinet ni Isaac. Binuksan nya ito at isang white na parang patch na blue ang likod kung saan nilagay nya sa noo ni Isaac.

Hindi ko na napigilang kainin ang cake ni Isaac habang pinapanood ko ang ginagawa ni Tita.

"Isaac, eat first. Kahit limang subo lang." malambing na sabi ni Tita at inalalayan paupo si Isaac na sumandal sa headboard.

Nagsimula ng kumain si Isaac at nagulat ako ng tumingin sya sa akin saka tipid na ngumiti.

Ngumiti rin ako at parang na-guilty ako sa pagkain ng cake nya kaya nilapag ko nalang ang tinidor at lumapit sa kama nya.

"Are you okay?"

Hindi ko alam kung tanga ba ko dahil alam kong may lagnat sya pero tinanong ko pa 'yon.

"Yes." mahinahon nyang sagot at saka nilingon si Tita. "Mom, can you accompany El pag-uwi nya mamaya? I cant po kasi eh."

Tumango naman si Tita saka pinainom ng gamot at tubig si Isaac. "Yes, I will." ani Tita. "Ako na bahala sa bestfriend mo."

El ang tawag sa akin ni Isaac dahil Lorraine ang pangalan ko. El as in letter "L". Tinatamad daw syang magsalita kaya El lang ang tawag nya sakin.

"Mommy, I cant sleep." nahihirapang sabi ni Isaac at pabaling-baling na sya sa kanyang kama na parang hindi nya alam kung papaanong pwesto ang kanyang gagawin. "Mommy.."

Huminga naman ng malalim si Tita't hinimas ng ang ulo ni Isaac. "Shh.. Close your eyes.." mahinahong sabi ni Tita na agad namang sinunod ni Isaac. "Lullaby.. And goodnight.. In the skies stars are bright.." biglang kanta ni Tita.

Tita continuously stroke Isaac's head habang patuloy lang sya sa pagkanta. Si Isaac naman ay alam ko'y nakatulog na.

Nang makatulog si Isaac ay hinatid na ako ni Tita sa bahay namin na katabi lang naman ng bahay nila.

"Tita, ano po yung kinanta nyo kanina para makatulog si Isaac?" tanong ko kay Tita nang malapit na kami.

"Jewel, Brahms Lullaby." simpleng sagot ni Tita.

Among The StarsWhere stories live. Discover now