Chapter Fifty (Part 1)

Start from the beginning
                                    

Lumingon si Johann sa hepe. "Chief, iimbestigahan niyo rin po ba si Neil Borja?"

Tumango ang hepe. "My men are on their way to Mr. Borja's house. Base sa sinabi niyong hindi niya pagsipot sa dapat ay pag-uusap niyo at sa na-receive namin na report na missing in action ang binata sa eskuwelahan ngayon, may kinalaman o nalalaman siguro siya."

Kinalabit ni Prince si Johann. "Dude, di'ba kay Neil din iyong baseball bat na sinasabi mong dala ni Cindy nang naghatid siya ng assignments sa faculty? Hindi kaya bago ka mahampas, nagkasalubong ang dalawa sa labas at naisauli ni Cindy ang bat kay Neil?"

Napapitik si Johann. "Oo nga, ano? Ang alam ko, pagkalabas ni Cindy, three or five minutes pa yata bago ko natapos ang pag-aayos ng mga gamit ko. Tapos nang paalis na 'ko at saka may nanghampas sa'kin."

"At maraming puwedeng mangyari sa ilang minuto na iyon. Puwedeng naisauli na nga ni Cindy ang baseball bat. Maybe Neil was angry because Cindy broke up with her. And he's jealous of Johann," sapantaha naman ni Ramses.

Napahawak si Johann sa baba nito at parang nag-isip. "Ngayon, kung unconcious ako at may balak palang masama si Neil kay Cindy, walang mahihingan si Cindy ng tulong kung sisigaw man siya."

Napatangu-tango sila sa puwedeng nangyari, logically speaking.

"Tapos na ring mag-uwian ang mga estudyante galing sa summer classes nila at wala nang makakakita sa kung anumang gawin ni Neil," dagdag pa ni Ramses.

"Neil is the culprit!" aniya. Rationally, Neil is the only one who can do the crime since both Johann and Cindy were the victim. "Mister, nagsisinungaling siguro sa'yo si Neil. Baka totoo iyong sinasabi ni Cindy, na sinisiraan siya ng ex niya sa mga kakilala niya."

"Bina-blackmail siguro ni Neil si Cindy. Na kapag hindi siya nakipagbalikan, itutuloy niya ang paninira. Good image naman kasi si Neil sa buong campus kaya mas paniniwalaan siya kaysa kay Cindy."

Pati ang hepe ng pulis ay napatangu-tango sa mga narinig. Lahat ng mga iniisip nila ay posible.

"Chief, ang alam ko rin po ay may kaso si Neil ng pangha-harass kay Cindy. Naka-document po iyon sa Anti-Sexual Harassment office ng campus. Baka po makatulong," sabi ni Johann sa hepe.

Tumango ang hepe at saka nagtawag ng ilang pulis na puwedeng mag-check ng mga sinabi ng asawa niya.

"Now, your brain is working," biro niya sa asawa.

"Oo nga, pare," segunda pa ni Prince. "Pero okay lang iyan. Understandable na naalog ang utak mo kahapon."

"Hindi lang naalog, nilindol!" anito bago humarap kay Ramses. "Ram, sa nangyari na ito ang posibleng motibo lang ni Neil, kung siya talaga ang may kasalan, ay...galit at pagseselos?"

"Maraming nakakagawa ng krimen dahil sa dalawang bagay na iyan. Hindi na nakakagulat," seryosong sagot ng pinsan nito. "Puwedeng may mas malalim pang pinaghuhugutan si Neil. Or maybe, he's on drugs."

Kumapit si Sapphire sa braso ng asawa at saka tinignan ang benda ng ulo at batok nito. May spot na ng dugo roon kaya kailangan nang palitan.

Bahala na ang mga pulis sa paglutas ng kaso, basta ang mahalaga ngayon, maayos ang naging takbo ng interrogation kay Johann at magtitiwala siya na wala nang ibang mangyayaring masama sa asawa niya...sa pamilya nila.

Nakakaramdam pa rin siya ng kaba, oo. Dahil habang hindi pa nakikita ng mga pulis si Neil, mananatiling suspect ang asawa niya. But what can go wrong? Everything will fall into their proper places, for sure.

Trust God.

Pagkalabas nila ng presinto ay nauna nang umalis si Ramses. Si Prince naman ay nagpasundo sa isang company driver ng mga ito pagkatapos niyang magpasalamat sa pagsama sa kanya nito papunta sa presinto. Bati na daw sila. Okay, fine.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now