...

Nang sumapit ang tanghalian ay mag-isa akong kumain, walang Ethan ang dumating, walang Ethan na sumabay sa aking kumain. Wala siya.

Malalim akong bumuntong hininga bago inayos ang gamit na pinagkainan, itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag-aaral.

Hanggang sa pagtratrabaho ko ay hindi nawala sa isip ko ang nangyari kanina, ang naging pag-uusap namin at ang sinabi ko. Kasalanan ko naman kasi.

Hanggang sa umuwi na ako, walang sasakyan ni Ethan ang nag-aabanh, walang Ethan ang nag-aabang at naghihintay sa pag-uwi at pagdating ko. Walang Ethan.

Pagak akong natawa, ano ba itong ikinikilos ko? Hindi ba't iyon naman talaga ang gusto ko? Ang umalis at dumistansiya siya? Pero bakit heto ako ngayon at hinahanap ang presensiya niya.

"Oh? Bakit hindi maipinta 'yang mukha mo? Para bang pinagsakluban ka nang langit at lupa diyan sa itsura mo?" Natatawang sita ni Marla, hindi ko siya pinansin. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad habang siya ay nakasunod lang sa akin.

"Hay, broken ka no? Hindi pa nga kayo, broken ka na." Natatawa ulit nitong sabi, hindi pa rin ako nagsasalita. "Ganyan talaga May, kapag nagmamahal nasasaktan, lalo na kung ikaw lang ang nagmamahal sa inyong dalawa, bakit hindi mo siya subuking tanungin? Teka nga, nasabi mo na bang mahal mo siya?"

Doon lang ako tumigil at tumingin sa kaniya, "hindi pa."

Napapitik ito sa ere, "'yon naman pala e, bakit naman hindi mo sabihin? Gusto mo siya, mahal mo siya. Bakit hindi na aminin? Ano bang nangyari at ganito ka ngayon?"

"Pinalayo ko, itinaboy ko." Walang buhay na bose kong wika sa kaniya.

Natawa ito, "anong sabi mo? Bakit mo 'yon ginawa? Ano siya masamang espiritu at ayon itinaboy mo? May, alam kong sira ulo ka minsan pero huwag mo namang icareer."

"Ayaw ko sa kaniya, pero gusto ko siya. Sinong hindi maguguluhan roon Marla? Mahal ko siya, pero ayaw kong aminin dahil ayaw ko sa kagaya niya? Anong gagawin ko? Aminin 'yon at magaya sa mga sinaktan niyang mga babae?" Doon ko inilabas ang inis na kanina ko pang nararamdaman.

Natahimik ito at hindi nakapagsalita, mukhang walang ring sagot sa katanungang gumugulo sa akin. Malalim at marahas akong napabuntong hininga.

...

Pagod akong umuwi sa bahay at humiga sa hindi gaanong kalambutang kama. Kusang pumikit ang mga mata ko dala nang pagod, ngunit bago ako tuluyang lamunin nang antok ay sumagi na naman siya sa isip ko, lumitaw na naman ang nakangiti niyang mukha ngunit malungkot na mga mata.

Kinaumagahan mabigat ang pakiramdam na nagising ako, hindi rin maganda ang pakiramdam ko at dama ko ang init na lumalabas sa katawan ko. Hindi ako pweding hindi pumasok ngayon, malapit na ang exam at hindi ako pweding umabsent.

Pinilit ko ang sariling bumangon at kumilos para magluto, kumain at maligo. Kaunti galaw-galaw lang ay mawawala rin ito.

Nagmamadali akong lumabas sa kwarto nang saktong mapadaan si mama sa tapat nang kwarto ko. Nang mapansin ako nito ay agad na napakunot ang kaniyang noo.

"Bakit namumutla ka?" Pagalit na tanong nito, hindi ako nakasagot. Hindi ako nakagalaw nang iangat ni mama ang kaniyang kamay para sipatin ang noo at leeg ko.

"Huwag kang pumasok, bumalik ka sa kwarto mo at matulog ka." Magkasalubong ang pareho nitong mga kilay.

"Papasok ho ako." Walang buhay na boses kong tugon, umiling ito at pinanlisikan ako nang mga mata.

"Anong papasok? Nilalagnat ka, mas mainit ka pa nga sa temperatura dito sa Pilipinas, subukan mong pumasok palalayasin kita." Mariing wika ni mama at itinuro pa ang loob nang kwarto ko.

"Pero hindi ho-" wala akong nagawa nang tignan ako nito sa nakakatakot na tingin na para bang kapag sinuway ko siya ay talagang tututuhanin niya ang kaniyang banta, wala akong nagawa kundi ang umatras.

"Sige ho, hindi ako papasok." Mahina ang boses kong sagot bago tuluyang bumalik sa loob.

Nagpalit ako na lang ako ulit nang pambahay at nanghihinang humiga sa kama. Sa unang pagkakataon ay nag-alala si mama sa akin, hindi man niya sabihin ngunit alam ko ang dahilan kung bakit ayaw niya akong papasukin, dahil iyon ay nag-aalala siya.

Hindi ako nakapasok ngayon, paano na lang kung hanapin niya ako? Paano kung hindi na siya nagtatampo at hinahanap na niya ako? Paano kung naghihintay siya sa labas nang bahay namin? Paano kung naroon siya?

Mabilis akong tumayo kahit na nananakit ang ulo ko, lumabas ako nang kwarto at nang makarating sa sala ay nilampasan ko sina mama at papa at lumabas nang bahay, tumakbo ako papalabas at tinignan kung saan niya ako madalas na hinihintay at hinahatid.

Ngunit nakaramdam ako nang panlulumo nang makitang walang sasakyan, wala siya roon. Walang Ramirez na naghihintay sa akin, walang Ethan na maagap na  naghihintay sa akin.

Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang galit na boses ni mama. "Ano ba May? Bakit ka tumakbo palabas? Hindi ba't sinabi kong magpahinga ka roon sa loob?"

Ngunit naging balewala ang mga salitang narinig ko kay mama, tulala ako habang naglalakad pabalik sa loob nang bahay. Naabutan ko si papa pagkapasok ko sa loob nang bahay, nakatingin ito sa akin bakas ang kakaibang emosyon sa mga mata nito na hindi ko maintindihan kung ano iyon.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad at pumasok nang kwarto, hinayaan ko si mama na pagalitan ako at pagsabihan, pinatigil ito ni papa kung kaya huminto rin.

Nanghihina akong napaupo sa kama, at hindi ko namalayan ang pagtulo at pag-agos nang luha ko sa pisngi. Mabilis ko iyong pinahid, bakit ako umiiyak kung gayong kasalanan ko kung bakit wala siya?

Bakit ako umiiyak kung pinalayo ko siya? Bakit ako nasasaktan kung gayong ayaw ko ang kagaya niya? Bakit ako nagkakaganito? Hindi, hindi ako ito, hindi ako ganito.

...

Nagising ako nang maramdaman kong may basang dumadampi sa balat ko, napamulat ang mga mata ko at dumako iyon kay mama na seryosong binabanyosan ako. Nang makitang gising na ako ay tumigil ito sa ginagawa.

"Mabuti naman at gising ka na, ito kainin mo itong lugaw at nang makainom ka nitong gamot." Anito at kinuha ang lugaw na nasa ibabaw nang mesa.

"Kaya ko na ho." Sabi ko nang akmang susubuan ako nito, saglit ako nitong tinignan bago ibinigay ang mangkok nang lugaw.

"Nandito ang tubig at gamot, inumin mo na lang pagkatapos mong kumain." Anito at itinuro ang tubig at gamot sa ibabaw nang mesa bago tumayo.

Tipid lang akong tumango hanggang sa maka-alis na ito. Wala akong ganang kumain kung kaya hindi ko naubos ang lugaw, gustuhin ko mang ubusin ngunit hindi ko kaya kung kaya ininom ko na lang ang gamot at tubig.

Kahit papaano ay bumaba na rin ang lagnat ko at hindi na gaanong sumasakit ang ulo ko.

You Are My Everything (COMPLETED)Where stories live. Discover now