Chapter 22

142 8 2
                                    

Nadine's POV

Next week na ang Intramurals. Tatlong araw nalang ang natitira at naging sobrang busy na si James. Minsan inaantay ko si James na matapos ang practice nila, kadalasan sa library lang ako tumatambay at nagbabasa ng libro, pero ngayon, naisipan kong panooring siya maglaro kaya heto ako sa bleacher nanonood. Magaling siya magsoccer, hindi ko alam ang larong to pero nakikita kong magaling siya magdala ng bola. Nakita kong nakashoot siya, kaya pumalakpak ako.

''GO JAMES! OMG ANG GALING MO TALAGA!''- Girl na nakaupo sa kabilang bleacher.

''HOOO!''- Mga babae

Napalingon ako sa sumigaw. Ang dami na pala niyang fans. Nakita kong tumingin si James sa banda ng mga babae at ngumiti.

''OMG!!!!!! AKO BA NGINITIAN NIYA????? OMG!!!!!!!''- Girl 2

''Hindi, ako! Bandang dito kaya siya tumingin. Go James!''- Girl 3

''James! Ako nalang pakasalan mo! Please!''- Tili ng mga babae

''Ang flirt naman ng mga babaeng to. At ang bwesit, ngumiti pa.''- Nadine .Bulong ko sa sarili.

Nakashoot ulit si James at naghiyawan ulit ang mga babae.

''Panalo sila!''- Girl 1

Imbis na matuwa ako, naiinis ako at nanalo sila. Hindi ko alam.

''Grabe. Mukhang maaagaw na ng soccer players ang atensyon ng mga babae.''- Boy 1

''Oo nga. Panigurado, mas maraming manonood ng soccer kaysa sa basketball ngayong intrams.''- Boy 2

''Pano ba naman kasi, simula nang dumating ang foreigner na yan, wala nang ibang bukambibig ang mga babae dito.''- Boy 1

Narinig ko ang pag-uusap ng mga lalaki sa likuran ko.

''Ang alam ko, ikakasal na yan diba?''- Boy 2

''Eh mukhang ikinasal na nga eh. Kilala mo yung Nadine Lustre?''- Boy 1

Narinig ko ang pangalan ko, dali-dali kong tinabunan ng buhok ang mukha ko at yumuko para hindi nila ako makilala kung sakali man.

''Shh. Hinaan mo boses mo, baka may makarinig sayo. Oo naman kilala ko, sinong di makakakilala sa natatanging anak ng mga Lustre.''- Boy 2

Biglang nagring ang bell. Ibig sabihin alas 5 na. Nagsiuwian na ang lahat. Napaisip ako sa narinig ko, bakit parang madami nang nakakaalam na kasal na ako.

''Sino namang hindi makakakilala eh ang sikat ng napangasawa mo, James Reid, ang dami na niyang fans. At nagpalit ka pa ng apelyido, malamang alam na ng lahat.''- Nadine

''Nababaliw na yata ako, simula nung nakilala ko ang lalaking to kinakausap ko na ang sarili ko mag-isa.''

Tumayo na ako para puntahan si James pero mukhang sobra niyang busy ....sa pag-eentertain nung mga flirt na babae kanina. Ang laki ng ngiti ng bwesit, hindi naman ganyan kalaki ang ngiti niya pagmagkasama kami ah. Inakbayan niya pa yung babaeng sumigaw ng 'James, ako nalang pakasalan mo' tapos nagpapicture. I rolled my eyes at them saka umalis, bahala siya sa buhay niya, nagpasya nalang akong sa kotse nalang mag-antay.

James' POV

We were busy taking pictures with these fangirls, that's what my teammates called them, simula daw nang nag-aral ako dito madami nang naging interesado sa larong soccer and it's a good thing  daw for the school. Abala ako sa pag-eentertain nang mahagilap ng mga mata ko si Nadine paalis ng bleachers. Kinuha ko ang gamit ko tsaka tumakbo at umakyat ng bleachers tsaka tumabi sa kanya.

''Hey.''- James

Nakita kong nagulat siya, huminto siya sa paglalakad, kumunot ang noo niya tsaka tumingin siya sa direksyon ng mga teammates ko at ng mga fangirls. Napatingin na rin ako.

''Ano tinitingnan mo?''- James

''Bakit mo sila iniwan. ''- Nadine

Naglakad kami ulit.

''Nakita kita so pumunta ako dito.''- James

''Bakit ka pa pumunta dito? Ang saya-saya niyo na sana, ayan tuloy naistorbo ko pa kayo.''- Nadine

Huminto ulit siya sa paglalakad saka humarap sa akin, tumingin ulit sa direksyon ng mga teammates ko kaya napatingin na rin ako, nakita kong kumaway sa akin ang isa sa mga fangirls kaya kumaway na rin ako.

''Bakit kaya di nalang yang babaeng yan ang pinakasalan mo?Alam mo bang anak yan ng mayor dito, mayaman din yan at sa pagkakaalam ko..''- Nadine

''Nads.''- James

Putol ko sa kanya. Tumingin sa akin.

''Bakit hindi ka ngumingiti pag ako kasama mo? Ganun ba ako kaboring? Halos umabot na sa tenga ang ngiti mo kanina ah, nakashoot ka nga lang, tapos kung makapagpicture kailangan may akbay? Ngayon naman pag-aalis kakaway?!''- Nadine

Nagsimula sa mahinahon hanggang sa para na siyang sumisigaw. Naiiyak na siya. She definitely never fails to amuse me. If I only knew, she's jealous. I smiled at the thought.

''Woah. Chill. Okay I promise, the next time we take photos, aakbayan din kita, parang ganito.''- James.

Inakbayan ko siya at naglakad ulit kami patungong parking lot.

''And I'll be smiling around like this.''-James

Ngumiti ako.

''Para kang idiot.''- Nadine

''At kakawayan kita sa t'wing magbaba-bye na ako sayo.''- James

''Huwag na.''- Nadine

Nakarating na kami sa parking lot, nauna siyang sumakay, sumunod na ako.

''You know it really feels good to know you're jealous.''- James

''A-ano? Ang kapal naman ng mukha mo. Nagkaroon ka lang ng fangirls. Hindi ako makapaniwala, hindi lang pala ngiti mo ang lumaki, pati ulo, grabi ganito ka laki...''- Nadine

Nagdrive lang ako habang nakikinig sa talak niya.

''Kung makapagpasikat ka naman akala mo ang galing mo, oo na, sikat ka na, andami mo ng fans, bakit kailangan ba madami ang fans, 'di ba pwedeng isa lang? Tapos kung makipagflirt ka naman..''- Nadine

Hanggang sa nakarating kami sa bahay, hininto ko na ang sasakyan. Saka lang din siya huminto, hinihingal.

''Ang cute mo pala magselos. Ipagpatuloy mo lang yan, who knows someone is already falling.''- James

Lumaki ang mata niya at saka sumigaw.

''Hindi ako nahuhulog sayo!''- Nadine

Tsaka lumabas sa kotse at pumasok sa bahay.

''That girl.''- James

Napangiti nalang ako.

That Girl, That GuyWhere stories live. Discover now