Chapter 12

165 9 1
                                    

Hindi na ako lumabas ng kwarto. Nanatili lang ako sa loob nagmumokmok. Pakiramdam ko kasi pinagkakaisahan nila ako, hindi ko namalayan naidlip na pala ako.

Nagising nalang ako sa ingay na nagmumula sa ..mismong kwarto ko? Teka, anong nangyayari? Minulat ko ang mga mata ko para masiguradong hindi ako nananaginip. At viola! May macho dancer sa harap ko nagsasayaw, nakapantalon lang siya, topless, hindi ko makita ang mukha, nakamask kasi, at ang mga bruha kong kaibigan, wait, hindi ko naman talaga sila mga kaibigan kundi mga kaklase lang, nagsisisigaw, ano bang problema ng mga taong to, ngayon ko lang din napansin wala ako sa kwarto kundi sa mukhang isang bar o karaoke room, ano bang nangyayari. Tiningnan ko kung anong oras na at baka panaginip lang ang lahat.

Alas dose!!!!- Nadine

Napatingin sila lahat sa akin, nahinto din ang pagsasayaw ng macho dancer.

SURPRISE!!!!!!- Kaklase ko

Ano to?- Nadine

SURPRISE NGA!- Jean

Jean, kaklase ko. Kaklase ko lang talaga ang mga to. Nasabi ko na bang wala talaga akong mga kaibigan? yung mga matatawag na tunay na kaibigan.

Alas dose ng ano? umaga??? umagang-umaga! At pa'no ako napadpad dito. Sino tong lalaking to.- Nadine

Sabay turo sa macho dancer at hablot sa mask niya.

Gino?!- Nadine

Hi ate.- Gino

Anong...magbihis ka nga.- Nadine

Nads, ano ka ba. Huling araw mo na to at magiging misis ka na.- Mia

Oo nga. At hindi ka na nga pumapasok eh, akala tuloy namin buntis ka na.- Jean

Nagtinginan sila at nagtawanan.

Ano ba. Hindi ako buntis. At saka bakit naman ako mabubuntis.- Nadine

You mean hindi mo pa sinuko ang bataan?!- Jean at Mia

You're still a ...untouched?- Gino

Gulat talaga nilang tanong, at nakisali pa si Gino.

Teka nga.- Nadine

At bigla kong naisip, bakit ang daming alam ng mga to.

Bakit ang dami niyong alam?!- Nadine

Ha? Wala kaming alam.- Jean

Nagmaang-maangan pa talaga. Bakit pakiramdam ko alam na ng lahat ng tao sa mundo ang tungkol sa engagement. At naalala ko ang news, oo nga pala, hindi ko pa kilala si James agad nang pinaere nila dad ang balita.

Okay Nads. Here. Shot.- Jean

Para saan?- Nadine

Para sa huling araw ng pagiging single ng status mo.- Mia

Nalilito na talaga ako, kanina pa nila sinasabing 'huling araw' ah, mamamatay na ba ako?

Biglang bumukas ang pinto.

Sorry nalate kami, nasiraan kasi sasakyan ni Jake.- Chas

Bakit bigla akong nagkaroon ng maraming kaibigan.

Congrats Nads.- Jake

O siya, Nadya, shot.- Jean

Hindi ako umiinom at saka ano ba, ang aga pa.- Nadine

Walang maaga sa taong matatali na.- Jake

It's fine ate. I'm here.- Gino

Alam ba ito ng kuya mo?- Nadine

Aaah nope.- Gino

Gino- Nadine

Nagtaas lang siya ng kamay.

Shot. Shot. Shot.- Jean, Mia, Jake at Chas

Napabuntong-hininga nalang ako.

Sige na nga. Isa lang ha.- Nadine

At ang isa naging dalawa, tatlo, hanggang nakadalawampung shot ako at dahil hindi naman ako isang party kid kaya lasing na lasing ako. Ang sarap pala ng ganitong pakiramdam, ang pakiramdam na malaya at walang bawal. Ang ingay ng paligid, nagkakaraoke sila habang ako e, dalawa na ang paningin, first time ko tong malasing. Nakaramdam ako ng bara sa aking lalamunan, masusuka ba ako? Nakakatawa, parang ngayon lang ako susuka sa tanang buhay ko. Dali-dali akong pumunta ng cr at nagsuka.

That Girl, That GuyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora