Left

13 4 0
                                    

Won



Ilang araw kaming hindi nagkikita ni CJ simula noong binigay ko sakaniya ang soccer ball ko. As in hindi ko talaga siya nakikita doon sa sari-sari store, sa play ground at sa tambayan namin. Kaya naisip ko na pupunta nalang ako sa bahay nila. Bahala na, best friend naman kami eh. Best. Friend.


Habang naglalakad ako madaming nakatingin sa'kin, medyo hindi ako sanay kase hindi naman sila ganiyan. Pero hindi ko nalang 'yon pinansin.


Nang makarating na ako sa gate ng bahay nila CJ, sumigaw ako.


"CJ! Halika nga dito may sasabihin ako sayo!" Oo, sasabihin ko sakaniya na gusto ko siya, napa-isip ako nung nakaraang araw kung anong dahilan bakit umiiwas siya sa'kin, siguro dahil doon. Alam ko naman na may gusto sa'kin si CJ, halata naman siguro, diba? Hindi naman kase ako manhid.


Walang sumagot sa'kin kahit katulong nila, habang nagpatuloy lang ako sa kakasigaw may kumausap sa'kin.


"Wala na siya diyan, umalis noong nakaraang araw. Ang ingay mo." Sabi niya at umalis kaagad, teka lang? Siya 'yon yung nabunggo ko. Anong umalis? Nag-jojoke ba siya?


"Bakit walang sumasagot?" Dahil ang kapal ng mukha ko pumasok ako sa gate at pumunta kaagad sa malaking bahay nila. Pero pagpasok ko...


... wala ng mga gamit at tao. 


Hindi ako natinag at tumakbo ako papunta sa kwarto ni CJ. Pero wala na din akong naabutan, kahit isang gamit, isang letter o kahit anino niya lang. I didn't realize I was already crying.


"Bakit hindi mo sinabi na aalis ka? Ang unfair." Sabi ko habang tumutulo 'yung luha ko.


He's so unfair, he left me alone without telling me. He left... he left me, alone.

Cruel Summer (Lover Series #2)Where stories live. Discover now