"Don't touch him."

17 4 1
                                    

Won



Oo, summer ngayon kaya ang init-init! Iitim na ako nito, pero hindi 'yan 'yung problema ko baka mapagalitan na naman ako ni Mama pagpawis na pawis ako.


"Tama na. Ayoko na."


"You're so weak, Won. Pero pag sa school activities ang galing-galing, hinakot mo pa nga 'yung medals!"


"Siyempre, dagdag grades 'yun, 'no?" Inirapan ko siya at sumuko na. Uminom ako ng tubig at tinignan siya ulit. "Bahala ka diyan, sayo na 'yan! Pawis na ako, baka pagalitan na naman ako nito ni Mama!" Malditong saad ko at naglakad paalis pero may nabunggo ako. Sorry po, hehe.


"Gago, tumingin ka dinadaanan mo!" Sigaw nung matangkad na lalaki, medyo mas matangkad siya kay CJ. 


"Sorry po, nagmamadali kase ako eh. Pasensiya na." Hindi ko na hinintay 'yung sasabihin niya at aaalis na sana pero hinawakan niya ako sa pulsuhan ko. Ang diin ng pagkakahawak niya!


"Aray ko ha! Bitiwan mo ako kung hindi papatulan talaga kita." Seryosong saad ko pero tinawanan niya lang, mas malakas siya sa'kin pero pag ako napuno lagot ka talaga sa'kin. Pilit kung binabawi 'yung kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi ko magawa, ang sakit, sobra.


"Madapa ka sana mamaya." Sabi ko sakaniya kaya napikon ito. Sasampalin na niya sana ako nang may dumating bigla. Wow, superhero moments.


"Don't touch him." Mariin na saad ni CJ, nakita ko naman kung paano natakot 'tung lalaki at tumakbo paalis? Takot siya kay CJ? 

Cruel Summer (Lover Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن