Guilty

14 4 0
                                    

Won



Dalawang araw na akong iniiwasan ni CJ, kahit hindi niya sabihin alam ko na sinasadya niya akong iwasan. Hindi ko alam pero na-gi-guilty ako, ewan ko ba!


Kaya pumunta ako sa tambayan namin at dinala 'yung soccer ball. Baka gusto niya talaga 'to, ibibigay ko nalang. May nakita akong lalaki na papunta sa kinakaruunan ko at si CJ 'yon. Nang makita niya ako aalis na sana siya pero huli na ang lahat binato ko siya ng soccer ball, mahina lang naman.


"Iiwasan mo na naman ako! Oh, sayo na 'yan, para okay na tayo!" Sigaw ko sakaniya, lumingon naman ito sa'kin, bumungad kaagad sa'kin 'yung malungkot niyang mukha.


"Okay naman tayo, Won. We're okay, don't worry but I go bring this soccer ball with me." Ngumiti siya sa'kin mukhang napipilitan lang, naiinis ako kase hindi niya sinasabi sa'kin kung anong dahilan kung bakit siya ganito! Okay pa naman kami nung nakaraang araw, ha?

Cruel Summer (Lover Series #2)Where stories live. Discover now