Sambit nya.Napatingin naman ako sa paligid.


O___O



Lahat sila nakatingin sa akin.So parang tanga na pala ako kanina.



"tsk.Tayo na nga."


Sabi ni gladge sabay hila sa akin.




Bigla naman akong napabitaw nang may maramdaman akong kuryente sa paglapat ng mga kamay namin.



"o?Bakit?"


Nag-aalalang tanong nya sa akin.


Wala na ba tong ibang ekspresyong ipapakita sa akin kundi pag-alala?



"bakit?"



Balik-tanong ko sa kanya.

Nakita ko namang napakunot ang noo nya?




"anong bakit?"



Nagtataka pa rin nyang tanong.



"bakit sobra sobra ang pag-aalala mo sa akin?"



Diretso kong tanong sa kanya.Gusto ko lang naman malaman ang dahilan kung bakit ginagawa nya ang lahat ng to.



Huminga muna sya ng malalim bago magsalita.


"bestfriend kita diba?Natural lang na gusto kitang protektahan."



Nakangiting sagot nya.Di ko malaman kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi nyang yun.


Gen's pov.


"gen,bakit mo hinayaang masolo si gladge ng nerd na yan?"



Nangangailiting  tanong ni yesha habang nakatingin kami kina gladge at ni nerd mula dito sa bench.


"hayaan mo na silang maging masaya."



Malungkot na sambit ko.



O___O-reaksyon ni yesha!



"anong hahayaang pinagsasabi mo gen?Di naman pwede yan na basta basta ka na lang susuko."



Naiinis na sambit nya.



"hindi naman ako susuko eh."


Ang kaninang lungkot ay napalitan na ng ngisi habang nakatingin pa rin sa dalawa.



"di sumusuko?Eh ano tong sinasabi mong hahayaan mo na sila?"



Nagtatakang tanong nya.



Napangisi naman ako ng malapad sa sinabi nya habang di ko parin inaalis ang tingin sa dalawa.


"hahayaan kong solohin nya si gladge ngayon.Dahil malapit ko nang bawiin ang mga bagay na kinuha nya na dapat para sa akin."



***********************************************************************


A/n:hello readers.UD here.


Thank you pala sa walang sawang pagbabasa sa story ko.


Vote and leave a comment



~mobztarjacas~

CassaNerd(2n1 personality) Major EditingWhere stories live. Discover now