CHAPTER 4(the payback)part 1

2.1K 97 1
                                    

CHAPTER FOUR
Vince's pov.
Hello sa lahat. I'm Vince Agustin.Gwapo, mayaman at ex~bf ni Catherine Quezon. Malaki ang pasasalamat ko kay Yuri kasi kung di dahil sa kanya di ako makakawala kay Catherine.Kasi naman desperada talaga si Catherine.Nakakairita syang kasama,parang linta kung makadikit.Buti pa si Yuri kahit playgirl,masarap kasama.

Kaya ko lang naman naging girlfriend si Catherine dahil sa kagustuhan ng mga magulang namin.
"Vince, I have to go."Sabi ni Yuri. Nasa labas pa kasi kami ng bar. Hinubad ko na ang jacket ko at isinuot sa kanya.Gabi na kasi eh.Tapos basa pa yung sa taas na part ng dress nya.
"Ihahatid na kita." alok ko sa kanya. Alangan namang hayaan ko syang magcommute diba? Baka mabastos eh.
Ngumiti lang sya.
"I would love too, but I have my car with me"sagot nya.Bobo ko talaga.

Malamang may sasakyan yan Vince. Makakapunta kaya yan dito sa elite bar kung di yan mayaman?
"Sure kang kaya mo magmaneho?" pag-alala kong sabi sa kanya. Baka kasi mabangga nakainom pa naman tong babaeng to.
Ngumiti sya ulit. Napapitlag na lang ako nang maramdaman ang kamay nyang dumampi sa pisngi ko.

"It's okay. Nakainom lang ako pero hindi ako lasing.Don't worry I'll take care of myself for you"sabi nya.Then suddenly i felt her lips next to mine. It's was a passionate kiss for me. I closed my eyes and was about to respond her kisses ng humiwalay sya.Pumasok na sya sa kotse nya at bago nya isinarado ay kumaway siya habang nakangiti.
Damn! That smile it makes my heart skip a bit.
Di kaya? No it can't be!

Hindi ako dapat mahulog sa isang playgirl. Pumasok na ako sa kotse ko.

"Remember what she said Vince.This relationship is just for fun." paalala ko sa sarili ko.At nagdrive palayo.

Dracia's pov.
Hahaha! Yung mukha ni Catherine kagabi. Priceless. I'm sure magwawala yun. Nandito pa ako sa kwarto ko ngayon.Nakahiga sa queen sized bed ko habang binabalikan ang mga nangyayari kagabi.
<phone rings>
Psh! Sino naman kayang natawag? Istorbo sa mataimtim kong pag-iisip. Inabot ko agad ang phone ko sa bedside table.
"Hello!" I answer coldly without looking at the screen.

<Wow Yuri! Ikaw pa may ganang mainis. May kasalanan ka pa sa akin. Bruha ka!> sigaw ng nasa kabilang linya. Ano na namang kailangan ng babaing to. At ano namang kasalanan ko?

"Ano naman kasalanan ko sayo. Aber?" sigaw ko sa kanya sabay flip ng hair.

<Yang bibig mo gusto mo tahiin ko yan? Kung makasigaw ka parang wala ng bukas. Kasalanan ba kamo? Huh! Hoy babae, kung nakalimutan mo. Iniwan mo ko kagabi. Sayang di mo nakita kung paano umiyak yung nambully sa akin.>~siya.

Pwede ng isali sa speech choir.Sa taas pa naman ng sinabi nya.Tingnan natin kung di sya manalo.
"Ah ganun ba?"~ako.

Sa taas ng sinabi nya yun lang ang sagot ko.Anong gusto niyong gawin ko,taasan ko ang speech ko? Wag na uy.Magsasayang lang ako ng laway.
<Oo, kaya para mabayaran mo ang UTANG mo. Magbihis ka na lang diyan at bumaba ka na dito dahil may papaiyakin pa ako>~sya.

Kaya pala dada ng dada kasi may kailangan sakin eh.

"Saan ba yan?"

<Mall.Pero tatlo tayong pupunta dun.>

"Hoy Cristelle! Sino naman nyang kasama natin?"

<Textmate.>
Napataas ang kilay ko sa sagot niya. So ganun? Chaperon na lang role ko pagnagkaganun?
"May kadate ka pala eh. Ba't kasama pa ako?" angal ko.

Nga naman may kasama pala sya eh ba't kailangang pati ako?
<Eh?Tsige na Yuri.> Sabi niya na iniipit pa ang boses kaya napairap ako. Kahit na hindi ko nakikita ang bruha na to,alam kong nakapout to ngayon.
"Wait ka muna diyan."~ako
<Yehey! Thank you, Yuri. Byeeers>
*call ended*
Tsk. Isip bata talaga tong si Cristelle kahit kalan. Pero mahal ko yan. Parang kapatid na ang turing ko diyan eh.
Ibinaba ko na ang cellphone ko sa bedside table at pumasok na sa banyo. After 1 hour, bumaba na ako ng hagdan. Oo ganun ako katagal magbihis. Bakit ba? Eh kailangan kong magpaganda eh. Para naman mabihag sa alindog ko ang mga target ko and of course para di ako makilala bilang Dracia.. Paglabas ko ng bahay. Inilock ko agad ang pinto.Bukas pa uuwi si mama eh. Kinuha ko na ang sasakyan ko sa garahe p.Pagkalabas ko ng gate agad namang bumukas ang bintana ng kotse ni Cristelle. For sure. Machine gun na naman to.

CassaNerd(2n1 personality) Major EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon