CHAPTER 3 (edited)

561 47 56
                                    

IMELDA


Gosh!

Nilock ko naman ang pinto kanina ah! Teka, sira ba 'yung door knob?!


Napatulala lang sya, natigilan at isinara ang pinto na wala man lang sinabi. Agad akong napayakap sa sarili ko na bra lang ang saplot na pang itaas.


Shit nakita nya... nakita ng hamster na 'yon!


Hamster ang ipinangalan ko sa man na iyon dahil mukha syang hamster!

Agad na naman bumilis ang heartbeat ko, hindi ko alam ng dahil ba to sa nakita ng hamster na 'yon ang aking katawan, o ng dahil sa kahihiyan o galit.


Dali-dali akong nagbihis sa extra white long sleeve ko at lumabas para harapin ang lalaking 'yon.



Manyak ba sya ha?! Dalidali akong lumabas para maaabutan ko pa sya


Paglabas ko ay nakita ko na tulala lang ito at umiwas ng tingin. Kitang kita ko pa ang pag lunok nya.


Ako'y naiinis na sa lalaking to eh!


"Hoy ikaw! You pervert! Sinisilipan mo ba ako ha?! Do you know i can demanda you?!" pasigaw na pagkonpronta ko sa kanya.



Kulang na lang ay susuntukin at sasabunutan ko na 'tong lalaking ito.


Napapikit sya at huminga ng malalim bago ako hinarap.


"Sorry miss, pero wala kang karapatan para sabihan ako ng ganyan. Okay... how should i explain it... i thought walang tao sa loob." seryosong paliwanag nya.


Nakakainis na talaga uyong lalaking 'to! Gumawa pa ng palusot?!



"Bakit hindi ka kumatok muna?! Gosh! Hindi ka ba marunong kumatok for permission?! wah!" galit na sabi ko. Mabuti na lang talaga at kaming dalawa lang ang narito sa hallway na nasa harapan ng office ko.


"Marunong ako and i also have the right na papasok each room of this school." inis na sabi nya.



Wah! Ang kapal ng mukha ng manyakis na 'to! Gusto ko syang sampalin!


Ang feeling nya naman kung makapagsabi ng ganon.

At bakit ba sya narito ha?

No way... is he stalking me???!



"I don't care! You pervert! sinisilipan mo ako! how could you! you hamster! Are you stalking and following me huh?!"

My DestinyWhere stories live. Discover now