Chapter 3

110 3 3
                                    

Hello! Comment naman po kayo para malaman ko kung kamusta ang daloy ng story ko sa inyo, kung okay lang ba o ano man. :-) Thank you

×

Kevin's

"Bullshit!"

"Anak, wala tayong magagawa. Yan ang tadhana ninyong dalawa. Kung kayo, kayo talaga okay?"

"Pero, ma! Nagkulang ba ko? Hindi naman dba? Ano? Ano ba pagkukulang ko? Bakit hindi siya nagsabe? Bakit hindi man lang siya nagpaalam?" Naiiyak na ko sa galit. Ang bakla pero p*ta. Masaket.

Iniwan lang naman ako ng babaeng mahal na mahal ko. Ng walang pasabi. Sinong hindi masasaktan don? Hindi ako nahihiyang umiyak kahit sa harap ng mama ko, dahil mahal na mahal ko siya. Basta konektado sa kanya, hindi ako mahihiya sa kahit na sino.

"Anak.. Please? Stop crying. Una palang alam mo na, alam na nating hindi boto sa 'yo ang mga magulang ni Violet. Lalo na sa papa niya."

"So, ganon na lang yon ma? Hindi man lang niya ako pinaglaban? Hindi man lang siya sumama sakin para lumaban. Anong klase naman yon ma." Sobrang sakit talaga. Hindi ako yung tipo ng lalaki na babaero.

Pero bakit ganito? Nakngpucha.

"Anak, tanggapin mo na lang. Kung kayo, kayo talaga." Paliwanag pa din ni mama saken.

"No, ma. Hahanapin ko siya. Alam ko mahal na mahal niya rin ako at hindi niya kayang tiisin ng wala kami sa isa't-isa."

"Hays, anak naman.."

"I'm sorry, ma."

At tuluyan na 'kong lumabas ng kwarto nila mama.

Hindi talaga ako sanay ng nagdadrama. Pero pagdating sa kanya. Talagang bumibigay ako.

Kaya eto, katulad ng ibang taong nasasaktan. Sumakay ako sa sasakyan ko at dumeretso sa Smoothe East Bar.

Tinawagan ko yung tropa kong si Steve. Magpapatulong ako sa kanya. Desperado na kung desperado pero hindi talaga ako makakampante kapag wala akong natanggap na paliwanag sa girlfriend ko.

×

Satine's

So ito nandito na nga kami sa sasakyan ni Mikeeliling. Sayang at wala si Sheena. Edi sana nakapag bonding na rin kaming tatlo. Napakaharot naman kasi ng babaeng yon e. Hay.

Dahil bored na nga ako, binuksan ko yung radio sa kotse ni Mike.

I want to lay you down in a bed of roses

Nice, ayun. Magand ayung kanta :D Hindi 'to kanta ng Queen pero maganda rin naman itong kantang 'to. :)

♪For tonight I sleep in a bed of nails

"♪I want to be just as close as the Holy Ghost is --"

♪So, honey now
Take me into your loving arms

"Mike! Ba't nilipat mo!? Nakanta ako e. Tsaka ano bang kanta yan? Thinking Out Loud? Bayaaaan"

Pinindot ko pabalik ng kanta yung radio ni Mikee. Hah. Akala niya ha.

"Tin naman! Ano ba yan napakalumang tao mo talaga! Gosh!"

"Mas maganda naman yung Bed of Roses d'yan no!"

"Bayan napakaluma na niyan" sabay irap pa sakin ng Mikee na 'to -__-

Aba at. Talaga namang!

♪Baby, we found love
Right where we are

RealWhere stories live. Discover now