Chapter 1

123 4 2
                                    

Medyo sinasabaw pa utak ko ngayon. Pero ito, tina-try ko na din haha. Sana po magustuhan niyoo at patuloy niyong basahin 'tong first story ko. :) Enjoy :-)

×

Satine's POV

"Tita! Good morning po! :*" bati ko sa tita ko sabay halik ko sa pisngi niya.

"Buti naman at bumaba ka na. Nako ikaw, wag na wag ka nang magpapahuli huli ng kain. Kaya sumasakit ang tiyan mo, e." sabi sa 'kin ng tita ko habang nag-lalapag ng mga plato at kutsara sa hapag kainan.

"Eee, opo na po tita. Sorry na hehe"

"Os'ya sige, kain. Magpataba ka naman at magkaroon ka man lang ng laman laman. Ang lakas lakas mong kumain e, hindi ka naman nataba." tita

"Ee wala naman akong magagawa don 'ta, e. -3-"" sabi ko naman.

"Os'ya kain na nga" tita

"Sige po :-)"

Umupo na 'ko sa upuan at sinimulan ko nang kumain.

"Nga pala, mag-eenroll ka na mamaya ha." sabi ni tita sa 'kin

"Po? Akala ko po ba sa isang araw pa?" tanong ko naman habang nanguya.

"E hindi ba sa isang araw e may bibilhin kang mga gamit sabi mo? Tsaka mabuti nang ngayon ka mag-enroll para hindi ka na mag-eenroll sa isang araw pa."

Shiz! Oo nga pala bibili pa 'ko ng mga notebooks at ballpens :D At mga plain shirts! Dahil magpapa-print ulit ako ng mga tshirts e mehehehe :>

"Ay! Opoo tita nakooo, mabuti po at pinaalala ninyo sa akin yooooonn" tuwang tuwa kong sagot hahahaa e kasi naman :-) haha

"O bakit, anu-ano ba ang mga bibilhin mong gamit?" Tanong sakin ni tita habang sarap na sarap sa pag-nguya ng mga niluto niya hahaha

"Hmm, mga notebooks at ballpens lang naman po tita, tsaka po nga pala mga plain shirts :-)" sagot ko kay tita sabay inom ng tubig.

"Sus, para san na naman yang mga tshirts na yan, aber??" Tanong sakin ni tita habang feel na feel pa rin ang pag nguya, hahahaha.

"Ee para po kasi magpprint po ako ng tshirts ng Queen! As usual hehehehe" sagot ko naman kay tita =))

"Sabi ko na nga ba e, nako. Ewan ko ba kung bakit napakahilig mo sa mga kanta nang mga yan e hindi ka pa naman nabubuhay noong mga panahon namin. Hindi ko talaga maintindihan." sabi ni tita habang nailing iling pa, hays.

Tumayo ako sa inuupuan ko 'saka pumunta sa may sink.

"Ee bakit tita? Nagustuhan mo rin naman po yung mga kanta nun, a? Tsaka magaganda naman po, dba? Kaya bakit po kayo nagtataka?" Tanong ko naman kay tita habang naghuhugas ng mga pinag-kainan ko. :)

"E nakakapagtaka nga lang kasi nga iba na ang henerasyon at gusto ng mga kabataan ngayon.. Parang hindi ka naman aware, iha." Sagot naman ni tita.

"Ee, bakit po ba? Sila nga po ang hindi ko maintindihan haha. Pero basta ako. Idol na idol ko talaga ang Queen. Sila ang inspirasyon ko :-)"

"Sus.." Sagot na lang ni tita :)

"Maganda naman mga kanta nila dba, 'ta? ♪I want to break free~! ♪ I want to break freeee~! I want to --"

"♪ Break free from your lives you're so, self-satisfied, I don't need youu~♪ I've got to break free~" sabay sabat naman sa 'kin ni tita sa pagkanta. Haha! Kita niyo na :-))

Tumayo na rin si tita sa inuupuan niya at 'saka sinabayan ako sa kasunod na lyrics ng kanta <3

"♪GOD KNOWS! GOD KNOWS I WANT TO BREAK FREE~!♪" feel na feel naming dalawa ni tita hahaha.

Nagkatinginan kami ni tita sabay napahagalpak na lang kami ng tawa =))

"Kita mo na po, 'ta! Gusto niyo rin po, e! :-)" sabi ko kay tita hahaha :)

"E alam mo namang nakakadala yang kantang yan bata ka e hahaha, os'ya sge na at kumilos ka na. Mag-eenroll ka pa." Sagot naman ni tita :) haha

"Yep!" Sabi ko sabay halik ulit sa pisngi ni tita :)) ito ang masaya kapag kasama si tita e haha :-)

Kaya ayun na nga, dumeretso na 'ko sa kwarto ko at ito nag-aayos na 'ko ng susuotin ko. :-) Mag-eenroll na 'ko mamayaaaaa! Yippiee! Haha :--))

×

Hello po ulit sa inyo! :-) Sana po nagustuhan ninyo itong short update ko. Pasensya na po at maikli pa lang. :-) Masusundan pa po yan :-) Subaybayan niyo po sana! :)

VOTE AND COMMENT po kayo kung nagustuhan niyo po at kung ano pong reaksyon niyo :-)

Maraming salamat po, ingat po sa lahat! :-))

RealWhere stories live. Discover now