CHAPTER 2 (edited)

Zacznij od początku
                                    

"Andy..." pagtawag ng Mama sa akin.


"Ma." bati ko kay Mama at hinalikan ito sa pisngi at pinagmanohan bago umupo.

They already ordered earlier so kumain na kami kaagad.

"Mabuti naman at pumunta ka talaga sa usapan natin attorney Marcos." sabi ni Paci at nag fe-feeling master mind pa habang kumakain.

"Gutom na ako e, i don't have a choice. Gusto ko rin makita at makasama si mama." sagot ko kaya kinikilig ngayon si mama sa gilid ko.



"Kamusta nga pala ang kaso kuya?" tanong ni Pacifico.


"Oo nga anak, napanalo nyo ba?" malumanay na tanong rin ni Mama.

Medyo matanda na si Mama pero maganda pa rin ito, ang kaso nga lang hindi sila nagkasama ni Papa sa pagtanda dahil namatay na sya 5 years ago.




"Nakakulong na si Gabriel." nakangiting sagot ko.


"I'm so proud of you Andy..."

"Hah! deserved. Ang galing mo talaga Attorney Marcos! Halos lahat ng kaso napanalo mo! Bilib na bilib talaga ako sayo brader!" pambobola nito sa akin.

Napahinga nalang ako ng malalim at tumigil na sa pagkain dahil tapos na ako.



"Stop that Pacific Ocean. Alam kong hihingi ka na naman ng pabor dahil pinapunta mo ako dito ngayon, dinala mo pa talaga si mama, at 'wag mo na rin ako bolahin, diretsohin mo na ako."

Inismiran lang ako sa onggoy na kapatid ko.


"Oo na, Ma, oh... ang sungit nya...e pumayag kana kasi."


"At malapit lang naman yung condo mo dun 'diba, di kana kailangan mag drive pa ng malayo. Sobrang cool ng sasakyan mo tapos ang ooa mo." dagdag na pangumbinsi nya.



"Oo nga anak, pinagkatiwalaan namin ng papa mo ang paaralan at law firm natin sayo, dahil sa kakayahan mo." mahinhin na sabi ng Mama.



"Okay Ma, papayag na ako."

Mas lalo namang napangiti si Pacifico at Mama.



I also want to make my mom happy, masaya akong makita syang nakangiti kahit alam kong miss nya araw-araw si Papa.



"Thank you Andy, pero...the girls in this place are always staring at you... wala ka pa rin bang girlfriend anak?"



"Ma, 'wag mo nang tanongin, dahil sure na wala naman talaga, ika-ilang dates or blind dates ko na sya pinapunta pero wala talaga." pang aasar ni Pacifico sa akin.


Magsasalita na sana ako pero natigilan at napatayo ako sa pagkakaupo ng makita ang babaeng masungit na nakabangga ko.



Naglalakad ito sa labas habang may binuhat na box, may kakwentohan at kasama syang babae.

Kailangan nya pa bayaran yung sasakyan ko.


Natauhan ako ng hinawakan ni mama ang aking kamay. Nagtatakang napatingin naman sa akin si Pacifico.


"Andy, okay ka lang ba? may kakilala ka bang nakita?" tanong ni Mama.



"Oo nga Kuya, it's like you've seen a ghost."

Napatikhim ako at umupo ulit.


"Ahh--w-wala, tapos na ba kayo kumain? Ako na magbayad." sabi ko at deretso namang napangiti si Pacifico, unggoy na 'to.



My DestinyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz