Natawa ulit siya. "Grabe ka. Ah basta, maswerte ako hindi lang sa kanya kundi pati din sayo. Salamat dahil dumating kayong dalawa ni Keiv sa buhay ko."

"Ikaw talaga. Sige ganito nalang. Maswerte tayong lahat dahil nakilala natin ang isa't isa."

"Tama!"

"Halika, I'll treat you fishball." Tumayo kami at naglakad-lakad. "Dito ka lang. Ako na ang bibili." Pinaupo ko muna siya sa isang bench na nandun sa tapat lang ng isang condominium building.

Hinahanap ko yung fishball vendor na palagi naming pinagbibilhan ni Zares.

Nang makita ko yun, agad akong lumapit. Dahil may nakaharang na babaeng sobrang nag-eenjoy sa kinakain niya, nag-excuse lang ako kaya napatabi siya.

Di ko maiwasang tingnan yung babae dahil pamilyar ang pigura niya. Kumakain parin siya na bahagyang nakatalikod sakin.

"Kuya, dalawang stick ulit." Agad akong napalingon sa kanya dahil sa boses niyang pamilyar din.

Nanlaki pa ang mata ko nang makilala ko siya. Hanggang dito ba naman sinusundan niya ako?

Wait, nauna pala siya sakin dito kaya imposibleng sinusundan niya ako. Bat siya andito? Para bumili ng fishball?

Napatitig ako sa kanya dahil sa naisip na mahilig din pala siya sa fishball. Akala ko, maarte siya at hindi kumakain ng ganitong klaseng pagkain.

Siguro naramdaman niya ang titig ko dahil napalingon siya sakin at nanlaki pa ang mata niya. At sa pagkakataong yun, inaasahan ko na ang gagawin niya kasi nga 'stalker' ko daw siya.

Pero ganun nalang ang pagkadismaya ko ng wala siyang ginawa.

"Um, kuya hehe.. sa next time nalang po yung dalawang stick. Nakalimutan kong may gagawin pa pala ako. Sige po." aniya na mukhang nagmamadali.

May sinabi pa si kuyang nagtitinda bago siya umalis at nagmamadaling naglakad papalayo. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa condo. Wait, jan siya nakatira?

"Kilala niyo ba siya, boss?" Napabaling ako ng tingin sa harapan.

"No." Nararamdaman ko ang pagkadismaya sa boses ko. Wait, bakitt ba ako nadismaya? Dahil ba wala siyang ginawang nakakahiya? Diba dapat maging masaya ako kasi hindi niya ako ginalit? Hayst! Kinakausap ko na ang sarili ko. "Ikaw ba, kilala mo siya?" Balik tanong ko.

Napakamot naman si kuya ng ulo. "Hindi boss eh. Pero nabanggit niya kanina na paborito niya ang Fishball at sobra niyang na-miss ito dahil walang ganito sa Australia. Tingin ko, boss mestisa yun."

Australia? So Taga dun siya. Kaya pala may pagkakaiba sa kanya. Parang hindi siya full Filipino.

Teka, bakit ko ba siya iniisip! "Eto na boss."

Binayaran ko agad yung fishball. "Thanks. Keep the change."

"Naku, salamat boss." Tumango lang ako bago naglakad pabalik sa gawi ni Kaede.

"Daren, parang nakita ko yung stalker mo na papasok sa building. O kaya naman namamalik-mata lang ako."

"Siya yun. Nagkasabay kaming bumili ng fishball." Sabi ko.

Nanlaki ang mata niya. "Ows? Tama nga ako. Wait, kung nagkasabay kayo, I'm sure may ginawa na naman siya."

Bumuntong-hininga ako. "Wala siyang ginawa. Pagkakita niya sakin, agad siyang umalis. Pero nagpapasalamat ako na wala siyang ginawa na ikapahiya sakin."

"Ayt." Inilapag ko ang Fishball at pinagsaluhan namin yun.

Pagkatapos, nagkwentuhan lang kami ni Kaede hanggang sa dumating si Zares.

"Daren, lilipat ka pala?" Tanong ni Zares.

"Huh? Pinagsasabi mo?"

"Your mommy told me earlier. Gusto mo na daw magkaroon ng sariling condo unit kaya naman, binilhan ka niya. Dito pa nga yun eh." Aniya at tinuro ang building.

Napatingin ako kay kaede na nakatingin sakin na may panunudyo.

"Si mommy talaga. Matagal ko ng hiniling yun at kinalimutan ko na dahil akala ko hindi ko na itutuloy." Sabi ko nalang para itago ang kakaibang pakiramdam na naramdaman ko. Weird..

"Okay. Kaede, let's go. May pasok ka pa bukas sa mall. Bro, thanks for accompanying her."

"Sus wala yun. Anything for Kaede." Kinindatan ko pa si Kaede kaya nakatanggap na naman ako ng matalim na tingin ni Zares. "Hahaha! Possessive as always. Sige na, bro. Uuwi na din ako para makausap si mommy."

Nagkahiwalay kami ng landas. Ako, deretso sa bahay para makompirma ang sinabi ni Zares kanina.

****

"Of course, totoo yun. Diba matagal mo ng sinasabi samin ng daddy mo na gusto mo ng sariling condo unit kaya naman iga-grant ko ang wish mo." Sabi ni mommy.

"Talaga, mom?" Gulat pa ako sa sinabi niya.

"Yup. Bakit, ayaw mo ba? Nagbago na ba ang isip mo?"

"No, of course not, mom. Gusto ko syempre. Alam mo namang matagal ko nang gusto yun. Kahit nga lumipat agad ako dun eh."

"Sobrang excited ka na ah." Ewan ko ba, nakaramdam agad ako ng excitement at tuwa. Parang gusto ko ng lumipat dun. "Pero, bukas ka na lumipat dahil kasalukuyan pang inaayos at nilinis yung unit."

"Okay, mom. Thank you so much. You're the best." Niyakap ko siya.

"Baka naman magselos si Kaerelle niyan." Pagbanggit ni mommy sa totoong mommy ko na namatay nang isilang ang baby sister ko. Peor unfortunately, Parehas silang nawala sa buhay namin ni dad.

Pero nang dumating naman ang stepmom ko, ni minsan hindi ko naramdaman hindi niya ako tunay na anak. In fact, minahal at inaalagaan niya ako na parang kanyang sariling anak. So I'm thankful to her.

"The best kayo pareho at mahal ko." Niyakap naman ako pabalik ni mommy.



*
A/N: Sa mga hindi nakabasa sa HE'S MY BADASS GUY | BADASS DUOLOGY #1, explain ko sa inyo kung ano ang katauhan ni Daren. Daren and Zares are both part of an organization, ang pangalan ng hideout nila ay UH (Underground Hideout). Actually, marami silang hideout pero ang UH ang main hideout nila. Ang daddy naman ni Daren ay nakakulong sa ibang bansa dahil na-frame up. Ang mommy naman niy, well malalaman niyo pag pinagpatuloy niyong basahin to. Yun lang, happy reading!

Vote & Comment :)

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Kde žijí příběhy. Začni objevovat