"Uy, boss, kayo pala. Ilang stick gusto niyo, boss?" Ani kuya sa bagong dating na lalaki.

"Limang stick."

"Sige, boss." Boss? Parang amo lang.

Nang maubos ko ang kinain ko ay binalingan ko ulit si Kuya. "Kuya, dalawang stick ulit."

"Sige, 'neng. Uunahin ko muna kay boss ha?"

"Sige, kuya." Sagot ko. Naramdaman ko ang titig ng nasa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya. Ganun nalang ang panlaki ng mata ko ng makilala yun.

Siya? B-Bakit siya andito?

Tila na-estatwa ako sa uri ng tingin niya. Nakakunot-noo din siya habang walang emosyong nakatingin sakin.

"Magkakilala ba kayo ni boss, 'neng?" Tanong ni Kuya kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Boss?" Takang tanong ko.

"Oo, pinakyaw kasi ni boss at ng kaibigan niya ang paninda ko nung isang araw kaya mula noon ay boss na ang tawag ko sa kanya pati dun sa kaibigan niya." Paliwanag pa ni kuya.

Tumango nalang ako dahil parang hindi ko alam ang gagawin ko. Lalo nang naramdaman ko parin ang tingin ni Daren sakin.

"Ahm, Kuya hehe.. sa next time nalang po yung dalawang stick. Nakalimutan kong may gagawin pa pala ako. Sige po."

"Sige, ineng. Salamat sa pagbili. Next time ulit!" Pagkatapos kong bayaran yung nakain ko, agad akong tumalikod at nagmamadaling umalis.

"My god, ano bang nangyayari sakin?" Pinagpapawisan pa ako ng matindi. "Diba stalker niya ako? Dapat pi-nursue ko siya hindi yung nag-walk out ako, tsk!"

Daren

"Daren, kumakain ka ba ng mga street foods?" Tanong ni Kaede.

"Oo naman. Actually, kaming dalawa ni Zares kumakain niyan. Especially, fishball, kwek kwek at kikiam."

"Wow, talaga? Ako rin eh, since hindi ko afford ang kumain sa mga restaurant. Hanggang karenderya at street foods lang ako."

"Hahaha! Next time, treat kita."

"Naku, wag na. Treat mo nalang ako ng fishball hehe.." nandito kasi kami ngayon sa park.

Ako ang ipinasama ni Zares kay Kaede na pumunta dito dahil daw may gagawin siya.

"Kaede, pasensya ka na kay Zares ha? Sobrang busy niya lang talaga eh."

"Daren, naiintindihan ko naman kaya no worries." Ngumiti pa siya. Napansin ko ring parang may pagkakahawig ang ngiti namin.

"Ang swerte talaga ng kaibigan ko sayo haha. Kaya sabihin mo sakin kapag sinaktan ka niya. Kahit kaibigan ko siya, hindi ako magdadalawang-isip na pektusan yun." Sabi ko na ikinatawa niya.

"Hahaha! Mabait naman ang kaibigan mo. Kaya nga napaisip ako na ako ang maswerte dahil naging boyfriend ko siya. Noon iniisip ko na wala talagang lalaking magkagusto sakin dahil bukod sa mahirap lang ako, hindi pa ako kagandahan at sexy katulad ng ibang babae."

"Kaede, wag mo nang sabihin yan. Ang ganda mo kaya. Saka yun nga ang tipo naming babae ni Zares eh, yung simple lang sa pananamit. Hindi kagaya ng iba na halos makita na ang singit sa sobrang ikli ng suot, akala naman nila maputi ang singit nila."

Natawa ulit siya. "Grabe ka. Ah basta, maswerte ako hindi lang sa kanya kundi pati din sayo. Salamat dahil dumating kayong dalawa ni Keiv sa buhay ko."

"Ikaw talaga. Sige ganito nalang. Maswerte tayong lahat dahil nakilala natin ang isa't isa."

"Tama!"

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now