Chapter 2

3.1K 143 3
                                    

Louve Rieka Morrighan

Isa sa mga bagay na ipinapagpasalamat ko kahit papaano ay hindi ko naging kaklase ni isang beses sila Mac mula ng grade school kami hanggang ngayon. Kaya naman nakakapag focus ako sa pag aaral gaya ngayon. Taimtim akong nakikinig kay Sir Dylan, siya yung unang teacher namin sa umaga. He was just having a brief summary of today's topic dahil ilang minuto na lang ay matatapos na ang oras for first period. Di rin nagtagal ay narinig na naming tumunog ang bell, senyales na oras na para sa susunod na subject. Tumayo si Sir Dylan mula sa pagkakasandal niya sa edge ng lamesa at saka inalis din yung eyeglasses niya.

"Dont forget to review our past lessons guys, tomorrow we will conduct a long quiz for this week topics. You guys know the drill right?" He reminded us.

Oo nga pala at Biyernes na bukas, every end of weekdays ay laging nagpapa quiz si Sir ng mga naging topic namin for the week. Sabi niya. It is his way to know if we really learn.

"And oh, Morrighan." Nagulat ako ng biglang tawagin ni Sir yung apelyido ko. Dahan dahan akong tumingin sa kanya. Hawak niya sa isang kamay yung markers niya at sa isa ay yung librong ginamit namin kanina. He uses that book to point at me.

"I just noticed that you are kind of sleepy kanina. I just want to say that you should take enough rest. Actually, all of you." Nahihiyang tumango na lang ako. My classmates also nod thier heads.

Ng makuntento ay tuluyan ng nagpaalam si Sir. Nilabas ko na rin yung notes ko at tahimik na naghintay para sa susunod na teacher.

I lean on my chair and just enjoy the view of the clear blue sky that can be seen outside the window. It's so calm.

"Hoy mga gago, andyan na si Maam, may kasamang chix." Sigaw ng isa sa mga classmate namin na nakatayo sa may pinto.

Dali daling nagsibalikan sa kani kanilang pwesto yung iba samin. Samantalang ako ay umayos lang sa pagkakaupo.

Naunang pumasok si Maam at halos lahat ata kami ay nakatingin at naka abangang sa pinto dahil nag eexpect kaming lahat na may papasok pa.

Kaso agad din akong napayuko when I feel something kick in inside of me. Parang may kung anong nagwawala sa loob ko. Bigla rin akong nakaramdam ng kakaibang excitement which makes my hear beats go faster. I shut my eyes tightly. I feel like my eyes are glowing, which is unusual. My eyes only glows sa twing tinatamaan ako ng sinag ng bilog na buwan.

Umagang umaga ngayon, and its not full moon yet.

What is happening?

"Good morning class" i heard Mrs Crisostomo's voice, our history teacher.

My classmates greeted back except me because im trying to calm myself.

" I have an announcement to make. It was short notice but starting today. Ms. Nadeline Busch here, will be your new History Teacher. Naikwento ko na sa inyo na this is going to be my last year teaching and I will soon retire. But some things happened at napa aga ang retirement ko. So everyone, i want you to welcome her and treat her good just like how you guys treated me." Dahil sa sinabi ni Maam Crisostomo ay naramdaman kong nagsipagtayuan yung mga kaklase ko. Para hindi ako mapansin ay tumayo na lang din ako. But I remain my head low and eyes close.

"Good morning Miss Nadeline and welcome po." They said in choir.

Ng umupo sila ay nakigaya ulit ako.

Hindi ko na masyadong napag tuunan ng pansin yung mga sinabi ni Maam Crisostomo. All I just heard ay ang pamamaalam nito. I can hear some of my classmates stood up. Actually, parang ang dami ng tumayo at tumakbo paharap.

Sandali akong sumilip at tama nga ako. They are all embracing Maam Crisostomo and bidding thier goodbye's. Lahat sila teary eyed kahit si Maam. Kahit ako ay gusto ko ring yumakap kay Maam, she was a good adviser and second mother for all of us. I also want to hug her kaso natatakot ako eh. Hindi pa rin kasi ako kumakalma. Mas lalo pa ngang nagwawala yung nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag kung ano.

Moon and SunflowerWhere stories live. Discover now