Heir 47: The Last Time
Ayah Lynn’s POV
“Paanong?” Hanggang ngayon walang nag-sasalita sa’min, matapos umalis ni Kurt. Nagpakita lang s’ya sa’min at umalis din agad. Ramdam na ramdam ko ang tens’yon sa buong headquarters, bagamat walang nag-sasalita, alam kong nag-aalala ang mga lalaki sa’min, dahil nanatili kaming nakatulala.
Kanina pa din akong bulong ng bulong sa sarili ko, kung paano napadpad o paano kami natunton ni Kurt, hindi naman sa nagtatago kami. Hindi lang namin akalain na makikita namin s’ya. Nagulat na lang ako ng bigla bigla na lang s’ya magpapakita.
Inaamin ko, natakot at kinabahan ako kanina. Pakiramdam ko, tinggalan ako ng kaluluwa sa sobrang kaba. Napatingin na lang ako bigla kayna Alyx, mukang hindi din talaga sila makapaniwala sa nakita nila.
“Kurt?” Mahinang usal ni Lian, sabay taklob ng muka. Mukang na-iistress din s’ya sa nangyayari. Ano bang nagyayari ngayon? Bakit parang tuloy tuloy ang problema? Aish! Mababaliw na ako dito eh!
Napatakip na lang din ako ng kamay sa muka. Matapos noon naramdaman ko na may biglang humigit sa kamay ko. Gusto ko sana sigawan ‘yung humamblot sa’kin, ngunit tila wala na akong enerhiya para gawin iyon kaya’t nagpadala na lamang ako.
Lumabas kami ng headquarters at dumiretso sa soccer field at umupo sa bench doon. Dahil pagabi na din, may mga ilaw na ang mga light posts dito. “Okay ka lang ?” Napalingon ako kay Evans noong tanungin n’ya ako.
Nagbuntong hininga ako bago sumagot. “Ikaw dapat tinatanong ko n’yan. Okay ka na ba?” Evans smiled at me in return. We both stared at the starry night sky above us. Tahimik ang paligid at presko ang ihip ng hangin. Hawak ni Evans ang kamay ko hinayaan ko na lamang ito. Mas’yadong madaming nangyayari ngayon.
“Sino s’ya?” Biglang tanong n’ya noong tumagal ang katahimikan namin.
“He who came from the past.” I answered.
I heard him sighed. “What’s with the past?” He queried. Ngumiti muna ako bago sumagot. “He came from Korea, but he’s a half Filipino, marunong magtagalog at iba pa. Naging ka close ko s’ya. He treated me like a sister, but a tragedy interfered, he was devastated and I’m the one to blame.” Simpleng paliwanag ko.
Hindi ko alam kung nagets ba ni Evans. Pero matalino naman s’ya, alam kong magegets n’ya. At saka hindi ko pa kaya ikwento ng buo eh, masakit pa din. Kailan kaya ako sasaya ng tuluyan? Aish, ang drama. Sumaya naman ako ng sobra dito eh, habang kasama ang gang, that was my happiest moment of all time.
“Ikaw kamusta ka na?” I asked.
“Eto gwapo pa din.” Walangyang ‘yan! Seryoso usapan eh! Napa-poker face na lang ako bigla sa sagot ni Evans eh. Nakita ko namang tumingin s’ya sa langit matapos noon.
“Ang mga tao, natural instinct nan ang mag-bintang ‘pag wala na silang mapagbintangan. Minsan sarili, minsan iba. Galit ka syempre, gusto mo ng may mapapaglabasan ng galit mo. Oo, merong tahimik lang at nagkikimkim meron din namang sobra magalit talaga. Don’t get swayed sa sinasabi ng nila. Basta may tiwala ka sa sarili mo. Minsan sapat na ‘yun.” Tahimik akong napatango sa sinabi ni Evans.
***
Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom namin, kasama ko sina Alyx, Lian, Shana at Annicka. Tahimik pa din sina Lian. Si Annicka naman, mukang tumahimik lang dahil wala kami sa mood. Aish. Inis si Kurt. Ba’t ba kasi nagpakita ulit ‘yun eh. Joke lang, para namang masisi ko s’ya.
Malapit na kami sa room, noong bigla akong napatigil. “Riyah!” I was startled by the voice that called me by that name. Napapikit na lang ako, saka ko naramdaman na may umakbay sa’kin. “Kamusta, Riyah?” Nakangiting tanong n’ya, ngunit ang mga ngiting ‘yun may bahid ng kinikimkim na panghuhusga at galit.
YOU ARE READING
The Gangster Heirs
Action[PUBLISHED UNDER PSICOM] BOOK 1 of IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Behind those smiles are playful lies, and behind those lies, the horror of the past awaits."
