CHAPTER 47: ( Hell of suffer )

Magsimula sa umpisa
                                    

"Clean all this mess. Don't you dare to  escape and runaway. I might kill you in no time."

Napalunok ako sa sinabi niya kasabay ng marahas na naman na pagbitaw niya sa buhok ko.

Paglabas na naman niya sa pinto ay wala sa oras na napatakip ako ng bibig at napahagulhol ng mahina. Kakayanin ko 'to. Titiisin ko lahat ng sakit at nang hindi na ako humantong sa kamatayan. Gusto ko pang makita si Drake na alam kong imposible ng mangyari, pero kahit ganon ayaw kong isipin 'yon.

Nilibot ko muli ang paningin ko. May mga nakikita akong basag na gamit at mga paso. Lahat din ng mga papeles ay may mga nagsikalat at may iilan din na mga punit. Nagkalat ang basurahan, as in lahat. Pero alam ko namang lahat ng ito ay sinasadya niya. At alam ko ding may mas mahigit pa siyang gagawin dito na mas lalong magpapahirap sa'kin.

Simula pa lang, simula pa lang ito ng paghihirap ko sa impyerno. Simula pa lang ito na pagdudrusa ko sa kamay ng d*m*nyong Supremo na 'yon.

Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago ay nagsimulang pulutin at linisin ang kalat. Linis doon at linis dito. Nakailang kalahating oras na din ako ay pansin kong hindi pa lahat lubos na nalinisan ko.

Umupo muna ako saglit sa pang-isahang stool na kinauupuan kanina ng Supremong 'yon, pero ganon na lamang ako napalinga-linga ng marinig ko ang boses niya.

"Did I tell you to take a rest?"

Napatayo ako ng mabilis sa lamig at lalim ng boses niya. Napakunot noo na din ako. Paano niya nalaman na saglit lang akong nagpahinga?

"You still had 10 mins, weak."

Napakagat labi ako sa sinabi niya. Parang nakikita niya ako. Siguro may hidden camera dito sa office niya. Oo, parang office niya kasi, dahil lahat ng nakikita ko ay mga papeles, document at iba pa.

Nakikita niya lahat ng galaw ko. Kung ganon, kanina pa talaga niya ako pinapanood? Walanghiya siya! Pati ba naman paglilinis kailangan pang panoorin at orasan?! Wala talaga siyang awa!

Mabilis kong sinunod ang utos niya dahil wala din naman akong magagawa. Para ding bumibigat na ang talukilap ng mga mata ko na gustong magpahinga, humiga muna at umidlip, pero pinilit ko pa ding panatalihin ng gising ang diwa ko dahil baka wala sa oras na singhalan at sasaktan na naman ako ng Supremo. Binabantayan pa naman niya ang bawat galaw ko.

Pinulot ko ang lahat ng kalat, pinunasan ko na din ang bawat alikabok ng buong silid na ito. Alam ko talagang lahat ng ito ay sinadya. Sariwa pa kasi ang alikabok, parang ginawa niya lang kanina.

Napatigil ako ng biglang kumulo ang tiyan ko. Mabilis akong napahawak don. Gutom na gutom na ako. Kahapon pa din kasi ako hindi nakakain dahil dinukot ako ng Supremong 'yon, pero hanggang ngayon ay hindi pinapakain.

Muli ko na namang naalala si Drake. Hindi ko mapigilang maiyak na pilit ngumiti. Sobrang alaga sakin si Drake na kahit anong gusto kong kainin ay sinisikap niyang bilhin, pero ngayon ginaganito ako ng Supremong 'yon.

Namiss ko 'yung kakulitan ni Drake, 'yung pang-iinis niya sa'kin at panglalamabing at pagtatampo niya. Namiss ko siya sobra. Kahit isang araw pa nga lang akong nandito sa puder ng Supremo ay sobrang namiss ko na siya. Paano pa kaya kapag nagtagal pa?

"Faster, b*tch. May gagawin ka pa."

Napamaang ako sa sinabi na naman ng Supremo. Tinuyo ko na lang ang luha ko at pinagpatuloy ang gawa at mas binilisan pa dahil malapit ng matapos ang ilang minuto na sinasabi niya.

Huli kong niligpit ang mga nabasag na mga mamahaling paso at inilagay iyon sa basurahan. Hindi ko pinansin ang tumutulong pawis sa noo at katawan ko. Medyo nakaramdam na ako ng pagod pero wala din naman akong magagawa.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon