CHAPTER 11: ( Seats )

897 44 1
                                    

CHAPTER 11: ( Seats )

Ashlen POV.

AGAD akong napaatras ng makita ang itsurang nakatagilid na si Drake. Napaharap lamang siya sa akin ng may natapakan akong bagay na naglikha ng pagtunog. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin na mas lalong ikinakaba at ikina-atras ko pa, hanggang sa wala na akong maatrasan.

Kitang-kita ko kung gaano katalas ang mga pangil na lumalabas sa kaniya at ang mga kuko niya na kung gaano kahaba. Kahit naka-maskara ito ay klaro ko ang pamumula ng mga mata niya dahilan na ikinataas ng balahibo ko.

May nakikita din akong mga itim na abo na nasa sahig at mga basag na gamit.

"D-drake, huwag kang lalapit sa'kin," banta ko dito ngunit nagpatuloy lamang ito sa paghakbang kaya ang tanging nagawa ko lamang ay ang mapapikit ng mata.

"Wifey..." I heard his heavy breath whispering on me. Saka ko ramdam ang pagpulupot ng mga bisig niya sa beywang ko dahilan na ikinamulat ng dalawa kong mata at binalingan siya ng tingin na ngayo'y yakap-yakap ako ng mahigpit. Nakasubsob pa ng bahagya ang mukha niya sa leegan ko.

Ramdam ko ang mabibigat na paghinga niya na tumatama sa leegn ko, kaya naman nakahinga ako ng maluwang ng naging komportable ako.

I really thought that he'll going to hurt me. I'm scared kapag nakikita ko siyang ganon.

"Drake, a-anong nangyari dito?" tanong ko dito na ikinaharap niya sa akin at binalingan niya lamang ako ng tingin, saka naman bumalik sa pagyakap sa akin bago ay hinawakan ang dalawa kong braso at pilit niya na pinapayakap sa kaniya pabalik.

Napatawa na lang ako at niyakap na lamang siya pabalik. Agad naman akong napakunot noo ng makita ang sugat niya sa braso na ikinakalas ko sa yakap sa kaniya.

"Anong nangyari diyan?" tanong ko sa kaniya na ikinailingan lamang niya ng ulo.

Agad ko siyang hinila at pumunta sa kama niya, saka ko siya pinaupo roon na agad namang sinunod niya.

Akmang lalakad na sana ako ng bigla niya na lamang hinawakan ang kamay ko na para bang ayaw niya akong paalisin. "Dito ka lang. Kukuha lang ako ng first aid kit para sa sugat mo."

Napatango naman siya na parang bata bago ay marahan na binitawan ang kamay ko.

Mabilis akong nagtungo sa first aid box at agad kinuha ang mga kakailanganin ko. Bumalik din agad ako sa kinaroroonan kung saan siya ngayon na nakatingin lang ito sa akin. And this time, bumalik na ang dating kulay ng mga mata niya. Ang pagtaas ng kuko din ay wala na, pati na din ang mga pangil nito.

Lumapit ako sa kaniya saka ako umupo sa kama at hinawakan ang braso niya at sinimulan ang paglinis ng sugat. Bahagya pa akong napatalon ng muli na naman niya akong yakapin. Siniksik ang sarili sa maliit kong katawan.

"Wifey..."

"Anong nangyari Drake?" I asked him again but he just tightened his hug like he's afraid of something.

"Y-you don't like Supremo, right?" his voice was cracked that made me whined.

Hanggang ngayon pa ba ay yan pa rin ang nasa isipan niya?

"W-wifey, you don't like him right? You see those ashes recently on the floor? He wants you to get away from me, wife... K-kukunin ka niya sa'kin..."

Natigilan ako sa sinabi niya. 'Yun ba ang nangyari kanina? Oh, gosh! Pati ako kinabahan. Tama ang mahal na reyna, I need to be protected by Drake!

"W-wife, pls answer me..."

"Shh, I don't like Supremo. Narinig ko lang siya sa reyna na napadaan non," marahan na hinaplos ko ang buhok niya matapos magamot ang sugat niya. For sure it will heal tommorow since he's a Vampire.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now