CHAPTER 31: ( Can't ignore him )

608 36 0
                                    

CHAPTER 31: ( Can't ignore him )

Ashlen POV.

NAPAMULAT ako ng mata ng maramdaman ang init ng araw na dumapo sa mukha ko. Dahan-dahan akong napaupo habang pikit mata at nag-inat bago napahikab.

"Alien! Huhu... Wifey!"

Putik! Mabilis na napahawak ako sa bandang dibdib ko. Ano ba yan, kay aga-aga!

Tumayo ako sa pagkakahiga at mabilis na nagtungo sa banyo. I want refreshing mind, a heart and soul. Napangiti ako habang nakatingin sa salamin. Ang ganda ko. I wear a simple pink dress. A simple beauty for a simple m—

"Alien!"

Napabuga ako ng hangin at tiningnan ang pintuan na kanina pa kalabog ng kalabog. Itong isip batang 'to!

Muli ay napabuntong hininga ako at naglakad patungo sa pinto bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Agad bumungad sa akin ang Drake na umiiyak. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa namamaga niyang mata.

Pfft—Still cute pa rin.

"O? Anong ginagawa mo dito? Ang ingay mo ha!" kunyaring singhal ko dito at tinaasan siya ng kilay.

Napayuko naman ito at kita ko ang pagbasa ng sahig. Ito na naman, paawa effect.

"Hindi mo kasi ako *hik* pinapansin *sob*"

Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla itong kumulo. Tiningnan ko muna siya bago nilagpasan at hindi pinansin. Narinig ko naman ang lalong paghagulhol at mas lalong pag-iyak niya.

Tsk. Gutom ako!

"Good morning, iha, are you both settled already? Okay na ba kayo?" tanong agad ng reyna ng makapunta ako sa hapagkainan. Nandito silang lahat.

Nginitian ko muna ito bago umupo kaharap nila. "Ahm... O-okay naman po," pagsisinungaling ko at kumuha ng kanin at karne na nakahain lamang para sa akin. Gulay lang kasi sa kanila. They are vegetarian.

"Alien! Pansinin mo naman ako. *hik* W-wifey... hindi naman ako yung lumandi... *sob*"

Natahimik ako sa sigaw niya. Putik mo Drake! Nandito ang reyna at hari! Nagmukha tuloy akong sinungaling!

"I thought okay na kayo?" anas ng hari at kumuha ng gulay.

Napayuko ako at mahinhin na kumain. "Sorry po. Ang totoo hindi pa."

Bumuntong hininga naman ito. "Forgive him, iha. Kagabi pa yan umiiyak."

"The King is right," biglang napahikab ang mga kaibigan ni Drake. "Kagabi pa din kami hindi makatulog ng maayos," sabay muling hikab nilang apat.

Kagabi pa umiiyak?

"Mabuti tinurukan namin ng pampapatulog, pero you know... pagkagising at pagkagising na naman niya umiiyak na naman siya. Hayst! He's so childish!" aniya naman Zeke. Pati tuloy sila nadamay.

Ikaw naman kasi Ashlen! Pero kasi 'yung babaeng 'yun, nakakainis!

"Grabe ka naman magselos, iha. You look like just my wife too, parang dragon."

Namula ako sa sinabi ng hari. Selos? Nagseselos ako? Kita ko ang paghampas ng reyna sa braso nito at muli ay natawa sila.

"Alien *hik* Wifey..."

Napapikit ako ng mariin. Napabuntong hininga ako bilang pagsuko. Nilingon ko siya sa gilid ko na nakayukong umiiyak.

Kita ko ang magulo pa niyang buhok. Naliligo na din siya sa sarili niyang pawis. Bigla tuloy akong nakonsensya sa paggawang hindi pagpansin sa kaniya. Ngumiti ako dito kaya bigla siyang natigil sa pag-iyak at pinunasan iyon.

"Okay, maligo ka muna—" hindi pa ako nakatapos magsalita ng mabilis na nawala ito na parang bola sa harapan ko. Putik! Napabalik ako sa pagkain ng marinig ang tawa nila. Inismiran ko silang apat.

"Tawa-tawa niyo, ha?" sabay subo ko ng pagkain.

"You can't endur Drake, right?" tanong ni Xian sakin.

Napahinto ako at hindi ko na namalayan na nakangiti na pala ako. They look at me amaze. Ang totoo, hindi...

"Halatang hindi, how great! Nilalanggam tuloy ako," natatawang anas naman ni Syl at ininom ang dugo na nasa baso.

Yucks! Napailing ako sa sinabi niya.

"By the way, Ashlen. When you're unconscious, tumawag ang mama mo noong nakaraang araw."

"Ha? Pa'no na y—"

"But dont worry, I'll found some excuses to say para matakpan ka. Your mom is also fine. Pinapadalhan ko din siya ng pera and ang alam niya... suweldo mo 'yun sa pagtratrabaho kay Drake," sabay smirk niya sakin.

Napangiti ako sa mahabang paliwanag ni Zeke. Maaasahan talaga siya.

"Salamat," tanging nasabi ko.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now