CHAPTER 1: ( Situation )

1.3K 77 0
                                    

CHAPTER 1: ( Situation )

Third person.

NAGISING si Ashlen dahil sa lakas ng katok sa pintuan ng kaniyang kuwarto. Walang tigil iyon sa pagkatok.

'Hayst si mama talaga! Ang aga-aga pa, manggii-gising na naman. Putik talaga!'

Lantang gulay siyang napaupo at napainat ng mga kamay at ng mga braso bago ay napahikab. She get her morning star at the sides of her sleepy both eyes kasabay ng pagkusot niya sa kaniyang mga mata.

"Bakit, Ma?" inaantok na tanong niya dito. Hindi niya man lang magawang magdilat ng mga mata, natatamad.

"Mahal na prinsesa, bumaba na po kayo para sa umagahan."

Nagtaka siya sa magalang na boses nito. As far as she remembered, mala-machine gun ang bibig ng mama niya. At kapag huli na siyang magising. Rarat-ratan siya nito ng napakadaming salitang bala.

"Sinong Prinsesa, Ma?" muli niyang tanong habang nakapikit bago ay bumalik sa pagkakahiga.

'Hmm... Ang lambot. Teka? Kailan pa ako nagkaroon ng malambot na kama?'

"Ikaw po mahal na prinsesa. Darating na din mamaya ang Prinsipe dito sa palasyo."

Awtumatikong napadilat siya ng mata sa narinig. 'Prinsipe? Prinsesa? Darating? Sa palasyo?'

"Wahhh! No! Hindi 'to puwede!" napahawak siya sa kaniyang dibdib na nagtataas-baba dahil sa huling naalala.

Nasa isla pala siya at wala sa bahay nila! Dinakip siya ng mga bampirang 'yon!

"My gosh! Lord, help me!"

"Mahal na prinsesa, ano pong nangyayari sa'yo?"

"Kaya pala ang lambot ng kama, hindi ko naman pala 'to kuwarto!"

Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid na iyon. It was too big for a one person like her. The room was too cleaned. Wala ka man lang makikitang alikabok. May sariling banyo at closet. And not in a meter away, there's a mini table there. Malaki ang ispasyo. Ang silid ay talagang para sa prinsesa. May mga pink curtains pa na nasa bawat gilid. May sarili din siyang makeup area. At sa mga nakikita niya ay hindi siya makapaniwala.

Problemadong napahilamos si Ashlen ng mukha gamit ang palad niya. Muli niyang nilibot ang kaniyang paningin.

"H-hindi 'to puwede! K-kailangan kong makalabas... Kailangan kong makatakas..." nanghihina niyang sabi.

She sighed again and again. Parang ayaw na niya. Hindi na niya kaya. Gusto na niyang...







'KUMAIN!'

"Nagugutom ako," bulalas niya sabay haplos sa kaniyang tiyan.

"Mahal na prinsesa, okay lang po ba kayo?" boses babae iyon.

Napatango siya kahit hindi iyon nakikita. "O-okay lang ako."

'Very okay talaga, kabaliktaran. I'm not sure if I can still get out from this situation I have. Parang fell na feel ko na si kamatayan na naghahabol sa'kin.'

Hindi niya kailan man naisip na maggiging ganito ang kalagayan niya. Sino ba namang gustong mapunta sa Isla na iyon na kung saan naninirahan ang iba't-ibang kakaibang nilalang na makakasalamuha niya? Pagkatapos siya lang pala ang naiiba at tao? Mamatay siya ng wala sa oras!

Napailing siya bago ay dali-daling bumaba sa kama bago pumasok sa banyo. And she was even surprised of what she'd been seen.

'Kahit sa banyo ang engrande!'

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now