"So, see you later." Makahulugang tingin sakin ni Gavin.

Weird. May something kasi sa timgin nya na hindi ko ma-identify.

Pagkalabas palang ni Gavin ay agad akong inayusan gaya ng sabi ng make up artist ko.

---

20 minutes passed. 5 minutes nalang before the event starts pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita si Aiden. Alam kong aattend sya dahil sinabi nya yun kagabi nung magkita kami pero nagsisimula na akong magduda kung talaga bang seryoso sya sa mga sinabi nya kagabi.

Mag-isa nalang ako sa loob ng kwarto habang kanina pa rin akong panay lakad dahil sa kaba.

Alam ko naman na ang mga gagawin ko pero sa hindi ko malamang dahilan ay kinakabahan ako. Feeling ko may mangyayaring wala sa plano.

Hayss! Adreanne Lairah! Come on! There's nothing to be bothered! Aayon ang lahat sa plano kung hindi ka magkakamali! So, fix yourself!

Ilang buntong hininga pa ang ginawa ako bago ako makarinig ng katok sa pinto.

"Ma'am Lairah, tara na po! Magsisimula na ang event!" Sabi ng main organizer sa labas ng pinto.

Humarap ako sa salamin. Nakita ko ang reflection ko. Nakasuot ako ng dark purple off-shoulder dress at silver na 4 inches heels habang nakalugay ang kinulot kong buhok. Ang make up ko ay light lang but it makes me look elegant and sophisticated. No doubt. I'm a Medrano. It runs on our blood.

Ginawa ko pa ang huling buntong hininga ko bago naglakad palabas mg kwarto. Bahala na kung wala si Aiden. Haharapin ko na mag-isa ang mga bisita. Hindi ko rin naman sya kailangan.

Nginitian ako ng main organizer nang makita na akong lumabas.

"Tara na po, Ma'am."

Tumango nalang ako bilang tugon. Nauna syang naglakad kaya sinundan ko nalang ito.

Rinig na rinig sa tahimik na hallway ang takong ko sa bawat hakbang ko. And it makes me smile. Starting for today, as an adult, alam ko na maraming bagong bagay akong makikita at malalaman. In short, makikita ko na kung ano talaga ang real world behind the world of minors. And I'll be honest, I am scared to face it. Hindi pa akong handang harapin ang mga pagbabago na maaaring mangyari.

Huminto kami sa tapat ng magarbong hagdan ng mansion. Dito gaganapin ang entrance ko pero sa garden ang event.

Tumingin ako sa mga bisita. Mostly, businessmen or businesswomen. For sure, mga kaalyado ng mga Medrano. Nakita ko din ang ilan sa mga schoolmates at classmates ko, mga school teachers, mga pinsan ko at marami pang iba na sigurado akong sina Mommy ang nag-imbita.

Wala akong inimbita dahil sina Mommy na ang gumawa noon. Mabuti na rin iyon dahil wala naman akong maiimbitahan. Wala akong ibang kaibigan bukod sa mga pinsan ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa dulong ibaba ng hagdan.

Nandito sya.

"And to welcome our debutante.. please give a warm of applause to the one ang only, Adreanne Lairah Medrano!" anunsyo ng MC.

Dahil sa dala ng pagkagulat na makita si Aiden sa dulo ng hagdan ay hindi ako agad nakakilos kaya tinawag pa ako ng mga organizer para pabalikin sa wisyo.

Agad naman akong lumakad pababa para hindi mapansin ang gulat sa mukha ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingin din sya sa akin ng seryoso.

He is wearing a black tuxedo while his tie has a touch of dark purple on it checkered lines, matching with my gown. Naka-brush up din ang buhok nya na may iilang bangs na nakalaglag.

Married To A Billionaire Where stories live. Discover now