18---II

3.2K 231 11
                                    

A/N: Sorry sa sabaw na update sa last kung update nitong nakaraan. Wala kasi ako sa sarili. Pero matanong lang may isa akong reader na nagbigay ng hugot. May ano ba? Mukha ba'kong may ka Love Triangle?. Hayss. Happy Holy Week. Saranghamnida🖤.

T: Okay class? What is Jealousy?,

S: Jealousy is a glass Ma'am!, It can be put on your Window.



Jeremiah's P.O.V

Nataranta lang kami ng umahon si Jastin Mahal habang bitbit si KD na walang malay. Napatakbo kami kaagad papunta sa direksyon nila.

"Anong nangyare sa kaniya?." Nagmamadaling tanong na salubong sa kaniya ni John. Hindi ko nga alam kung bakit andito tung isang to. Ha! Alam ko! Naamoy ko pinopormahan nito si Jastin ko! Baka nakakalimutan niyong ako ang fiancè!

"Nalunod. Halata diba?." Parang cool pang sagot ni Jastin sa kaniya. Lihim akong napangite. Ganyan nga mahal *evil smirked* tarayan mo'yan.

"Anong gagawin?." Natatarantang tanong ni John. Ibinaba ni Jastin si KD na parang walang bigat.

"CPR" sagot niya at lumuhod. Napalunok pa kami dahil sa suot niya . Kalma! Kalma kalang self. Pagsubok lang 'yan. Hindi pa oras ngayon. Maghintay kalang friend.

Pero----Teka! CPR?. Ano? Hindi pwede. Mababasa mo sa mukha naming tatlo nila Winston na hindi kami sumasang-ayon sa gusto niyang gawin.

"Cardiopulmonary Resuscitation ang kailangan niya. Hindi ang mga ganyang tingin niyo." Naasiwang sabi niya saamin habang hindi niya naman kami tinitignan.Napakamot ako sa batok ko. Recitation lang alam ko.

Dumukwang siya papalapit kay KD at ready na sana siyang i-CPR ng,

"Damn it!"

Sigaw ni Winston na parang ang init kaagad ng ulo at mabilis na hinawi si Jastin at hinampas sa dibdib si KD na kaagad namang napabuga ng tubig sa mismong mukha ni Winston.

Napasipol ako, Si John nagpipigil bg tawa

Napatayo bigla si KD. "Hala Jas!, Pangarap ko talagang kainin ng pating!" Sigaw niya.

Napailing nalang ako. "Naalog siguro yang utak mo o napasukan ng tubig." Komento ko at napalingon kay Jastin.

"Bakit naisipan mong lumangoy papuntang pusod ng dagat?." Maamong tanong ko dito. Malay ko ba! Baka mamaya bigla nalang may balang tumama dito sa bungo ko kapag hindi ako nag-ingat sa mga sasabihin ko sa kaniya.

Nag kibit balikat siya at ngumise sabay buklat niyang naglalaman ng shell. Napakunot ang noo naming lahat at siya naman ngayon ay ngiteng aso.

"Seryoso, Jas. Pumunta ba talaga tayo dito para mang-hunting o magpapayaman dahil kumuha ka ng shell at siguradong ang laman niyan ay perlas." Nagtatakang sabi ko sa kaniya.

"Let's See, kung perlas nga ang laman nito." Ngise-ngiseng sabi niya at mabilis na dinurog ang shell gamit ang kamay niya. Muntik na akong mapasigaw dahil sa gulat. Mabuti nalang at hindi siya nasugatan.

Pero unti-unting lumaki ang mga mata namin ng makita kung ano ang hawak ni Jastin at kung ano ang nasa loob ng shell.

"A key?." Nagtatakang tanong ni Winston. Bumaling sa kaniya si Jas at marahang tumango.

"A key to open the gate of hell." Ngite-ngiteng sabi niya at may kumikislap na mga mata.

"A key to find my brother." Dugtong niya pa at sigurado akong madugo ang mangyayare.

Pero ano ba talaga ang totoong nangyare kay Jax at ganito nalang ang ginagawa ni Jas?.

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now