44- Khent Davia (KD)

6K 411 88
                                    

[CHAPTER FORTY-FOUR]
-
-
-
-
-

KD's P.O.V

Lutang akong naglalakad papuntang room habang inaalala ang bawat sulok kung saan lagi kung nakikita si Jas.

Napanguso ako. Miss ko na siyaaaa!

Pumasok ako sa room kahit parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ko. Pinagtitinginan ako ng iba pa naming classmates. Matatalim ang tingin nila saakin na lagi naman simula ng nagkabistuhan na.

Sila pa ang may ganang magalit. Eh sila naman ang gustong pumatay kay Jas. Bangasan ko sila isa-isa eh.

Umupo ako kung saan naka-upo dati si Jastin. Magkakatabi naman kaming tatlo. Ako si Winston at si Jeremiah.

Nahati ang buong section Z, tatlo kami habang madami naman sila. Pero ah! Kaya namin sila no!. Tinignan ko si Fritz na tahimik lang habang walang emosyong naka-tingin sa blackboard na green.

*bzzttt!* *bzzt!*

Nakapa ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan ang text message.

Lumake ang mata ko ng makita ko kung sino ang nasa I.D.

Si Jastin!

Tinakpan ko ang bunganga ko para hindi makasigaw na labis na saya at tuwa.

Patago ko itong binasa.

From: Jastin Mahal

'Wer r u?'

Napanguso pa ako sa tipid niyang mag-text.

Reply To : Jastin Mahal

'School is me mahalll,'

Nakangite pa ako bago ko isend 'yon. Wala pang 10 seconds nag reply na siya... Textmate kami ni Jassssss!.

Napangite ako ng malake bago buksan ang message.

From: Jastin Mahal

'Boys comfort room'

Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng room pero hinarangan ako ni Fredd ng nasa pintuan na'ko.

"Where are you going?" Maangas na tanong nito!. Tarantado to! Isumbong ko'to kay Matthew eh!.

"Banyo, sama ka?" Kunot noong sagot at tanong ko.

"Tss" nilampasan ko na siya at tumakbo papuntang c.r

Hingal akong nakarating doon nasa mataas na bahagi pa ito ng room eh. Bago mag rooftop ewan ko kung anong trip ng engineer at architect at ganito ang ginawang design. At isa pa walang naglilinis sa building namin.

Pumasok ako sa loob. Luminga linga pa ako sa paligid pero walang anino ni Jastin o kahit amoy manlang niya.

"Gino-good ata ako ni Jastin eh" nanangusong sabi ko at napakamot pa sa batok ko.

"AHHH!" Napahiyaw ako ng may tumulak saakin at dinikit ako sa pader. May naramdaman akong malamig na bagay na nakatutok sa leeg ko. Kutsilyo.

Wahuhuhu! Mommy!!

"Subukan mong sumigaw, hindi ako magdadalawang isip na itarak 'to sa lalamunan mo" banta ng kung sino.

Napapikit ako sa kaba. "H'wag naman po. Marami pa po akong pangarap sa buhay, gusto ko pa pong mahanap si Jastin, Mag s-sorry pa po ako sa kanya dahil hindi ko siya naligtas. Wag niyo po akong patayin, holdapin, kidnapin. Maawa po kayo" Nakapikit kung paki-usap habang garalgal ang boses ko. Kunti nalang tutulo na ang luha kl dahil sa bigat ng nasa loob ko.

*sob*

Taena! Ang bakla ko. Huhuhu.

"Tss. Bakla ang punyeta" binitawan na ako ng tao at humalakhak napatingin ako sa tumulak saakin sa pader si Jastin!.

Kuminang ang mata ko dahil nakita ko siya.

Para siyang WIB, Woman In Black. At parang may lamay dahil sa suot niya, hinubad niya ang cap niya st sinuklay ang buhok.

"HAHAHA, tangInang 'yan!, ang bakla mong gago ka!" Tawa parin siya ng tawa.

Marami akong napansing bago sa kanya, Mas mahaba ang buhok niya, dati kulay itim, ngayon naman ay may highlight na ito ng pula ay violet.

Mas pumuti siya. Mas gumanda.

Pumayat siya pero tumama lang sa kanya. At ang HOT NIYAAA!.

"Jas" naiusal ko nalang bago siya yakapin. Ramdam ko rin ang pag ganti niya ng yakap.

"Ang tagal mong nawala" mahinang bulong ko.

Humiwalay siya ng yakap nago ngumise. Ngumunguya pa nga siya ng bubble gum.

"Tsk. Tatlong linggo lang 'yon" Nakangiseng ani niya.

"Kamusta kana?" Tanong ko. Sumandal siya sa dingding bago nag-crossed arm at nag pa-x pa ang paa niya.

"Okay lang ready to kick" tumango ako.

"Halata naman, muntik mo na nga akong tuluyan eh" nakangusong sabi ko. Humalakhak sya ulit bago nag seryoso.

"Wanna come with me?" Pang-aaya niya. Walang alinlangan akong tumango at ngumite ng matamis.

"Oo naman kahit saan pa 'yan" sagot ko.

"It's dangerous there. Kunting galaw maaring mamatay, maling salita ang sabihin maaring mamatay" malalim na sabi niya habang deretso ang tingin niya saakin.

Napalunok ako. "Kahit ano pa'yan, I'll come with you" Disedidong sabi ko at ngumite.

...

"SAAN tayo pupunta?" Takhang tanong ko kay Jastin. Hindi naman siya sumagot. At binigay lang saakin ang helmet bago sumakay sa motor niya. Sheeytt ang astig niyaa. Sinuot ko ang helmet.

"I'll show you the real me" sagot niya. Wala akong nagawa kundi ang umangkas sa kanya at humawak sa hulihan ng motor.

"Kumapit ka sa'kin" sabi niya. Nakabukas kasi ang salamin ng helmet niya. Nagpapigil naman ako ng ngite bago humawak sa bewang niya.


"WAAAAAHHH!"

Malakas kung hiyaw ng humarurot ang motor niya.

"Slow down!, slow down!" Sigaw ko. Humina naman ang pagpapatakbo niya nainis ako dahil ang bagal niyang magpatakbo.

"Bilisan mo kunti mahal hehe, para tayong maglilibing" nguso ko.

"Tss. Dumikit ka kase, kung maka-iwas ka sa'kin kala mo para akong may nakakahawang sakit" alam kung nakataas na ang kilay nito ngayon.

Lihim naman akong napahagikhik.

Ang Mutya Ng Section Z (COMPLETED S1-S2)Where stories live. Discover now