Time Machine (3)

134 10 0
                                    

Terrence

After ng libing, biglang bumuhos ang malakas na ulan. I guess, malungkot din ang langit sa pagkawala ni Madison "Kuya magpayong ka!" Pinayungan ako ng kapatid ko tsaka kami naglakad papuntang kotse "Terrence" tinawag ako ni tita "Ngayon ooperahan ang nakatanggap ng puso ni Madison. We will go and check if successful ba ang operation. Di ka ba sasama?" Tanong nya "Maybe sa ibang araw nalang po. Hindi ko pa kaya" sabe ko at bahagyang ngumiti "Okay, go home and rest" sabe naman ni tito "Just send them my regards. Sana okay lang sya" sabe ko before pumasok ng kotse.

Author

Agad namang dumeretso ang parents ni Madison sa hospital. Kinakabahan sa maaring resulta ng operasyon "Mrs. Mendoza" tinawag ni Edgar ang nanay ni Lauren na kanina pa naghihintay sa labas ng operation room "Mr and Mrs Santiago" bati naman nito "Ano kamusta naman?" Tanong ni Karmela "Heto naghihintay parin ako. Halos 1/2 oras na silang nasa loob eh. Nag aalala na ako" nanginginig na sagot naman ni Lita. Hinawakan nalang ni Karmela ang mga kamay nito para kumalma. Bigla namang lumabas ang doctor na may ngiti sa mukha "The operation was successful" masayang saad nito. Nakahinga naman ng maluwag ang mama ni Lauren "Lauren is a strong girl. Lumalaban talaga sya. Ililipat na sya mamaya sa kwarto nya at baka mamaya or bukas magising na sya pero dito muna sya sa hospital for 2 weeks kasi oobserbahan pa namin sya" dagdag ng doctor "Maraming salamat po" naiiyak na saad ni Lita sa doctor "Walang anuman" sabe ng doctor bago umalis "I knew it magiging maayos din ang lahat. Salamat sa diyos" sabe ni Karmela tsaka niyakap ang asawa pati si Lita "Marami talagang salamat sa inyo" umiiyak parin si Lita "Its our daughter's choice. Simula bata palang si Madison puro healthy foods na ang kinakain nya kasi ang gusto nya pagnamatay sya, idodonate nya ang puso nya dahil naniniwala syang may pag asa pang mabuhay ang mga may sakit sa puso" napangiti naman si Lita "Maraming maraming salamat talaga" muli nyang saad.

Lauren

"Nak, gising na" naririnig ko si mama pero nakapikit parin ako. Pinilit kong dunilat at ang una kong nakita ay si mama na nakangiti "Mama" bulong ko "Salamat sa Diyos" sabe nya sabay halik sakin sa ulo "Tinuoad mo ang pangako mo. Proud na proud ako sayo anak dahil lumaban ka" sabe nya sakin. Nginitian ko si mama at hinawakan ang kamay nya "Ayaw pa kasi ni papa na iwan kita" niyakap nya ako ulet. Thank you so much Lord. Salamat din papa sa pag gabay lalo na sayo Madison. Aalagaan ko ang puso mo, wag kang mag alala.

Time Machine [✔️] OSWhere stories live. Discover now