Time Machine (2)

178 10 0
                                        


Terrence

Nasa rooftop ako ng hospital ngayon. Hindi para mapakamatay, para magpahangin. Iniisip ko parin yung nangyari. Ni hindi ko man lang na protektahan ang babaeng mahal ko. Bakit kung kailan ako nag propose tsaka naman nangyari yun. Malas talaga ako "Sana ako nalang yung namatay eh" sabe ko "Wag mong sabihin yan" napalingon naman ako at nakita ko ang isang pasyente na may bitbit ding dextrose. Lumapit sya sakin habang nakangiti "Bakit mo ba nasabe yun ha?" Tanong nya "Its because I love her so much" sagot ko "Wala narin naman tayong magagawa kahit sabihin mo yan eh. Di sya mabubuhay ulet. Kailangan nalang tanggapin kasi kung yung na talaga ang huling araw nga sa mundo, hindi na natin mababago yun. Yun ang plano ng Diyos eh" napatingin ulet ako sa kanya "You can say that kasi hindi ikaw yung nawalan, hindi nasaktan" aalis na sana ako pero bigla syang nagsalita "Yan nga yung kinakatakot eh. Na baka pag nawala ako sa mundo, sino na lang ang matitira para alagaan ang mama ko?" Napahinto ako sa sinabe nya kaya tumabi ako ulet sa kanya. Ngumiti naman sya sakin "Swerte ka pa nga dahil nabuhay ka at marami pang nagmamahal sayo. Pero ako? Pag namatay ako, mama ko nalang ang matitira. Wala ng mag aalaga sa kanya" nakangiti parin sya habang sinasabe yun "Pano mo nagagawang ngumiti sa sitwasyon mo?" Tanong ko "Kasi yun ang sabe ni papa bago sya namatay. Na kahit ano mang problema ang dumating, wag kakalimutang ngumiti para naman kahit saglit makalimutan mo lahat ng sakit" I sighed "Im sorry" sabe ko. Tumingin sya sakin at ngumiti ulet "Okay lang. Sana nga maging successful yung operasyon ko eh" sabe nya sakin tsaka naglakad paalis "Tandaan mo, kahit wala na sya, lage parin syang nanjan para sayo" nag wave sya sakin. Nag wave din ako "Good luck!" Sigaw ko.

Lauren

"Bukas na yung libing ng donor mo. Sayang nga dahil di tayo makakapunta kasi operasyon mo rin bukas" sabe ni mama sakin "Di bale mama, pag galing na pag galing ko, pupuntahan natin ang pamilya at puntod nya. Magpapasalamat talaga ako" niyakap ako ni mama "Ipagdadasal ko na sana gabayan ng papa mo at ng Diyos bukas" umiyak na naman sya "Mama naman, magiging successful yan. Ako pa! Di ako sumusuko diba?" Tumawa nalang kaming dalawa.

**
Kinakabahan ako. Sana magising pa ako "Anak, nandito lang si mama sa labas" ang higpit ng pagkakahawak ni mama sa kamay ko "Mag promise ka na gigising ka ha?" Nagsimula na syang umiyak "Promise" ngumiti ako. Ayaw kong ipakita sa kanya na mahina ako. Kaya mo to Lauren! Pinasok na ako sa operating room "Okay, Lauren. Pagsinaksak ko na ang pangpatulog, count backwards" sabe ng doctor. Tumango naman ako. Kinabit na sakin ang oxygen tapos pinunasan na ng alcohol ang kanang braso ko "Here we go" sabe ng doctor. Napapikit ako nung maramdaman ko ang karayom. Nagsimula narin akong magbilang backwards hanggang sa nakutulog na ako.

Time Machine [✔️] OSWhere stories live. Discover now