"Anak." tinignan ko lang si Donya Ilaura dahil kita ko ang pag-aalala niya.




"Ayos lang, ina."




"Per─."




"Kaya ko po, paano natin malalaman kung hindi ko po susubukan?" alam kong tinuturuan ni Donya Ilaura si Isabella sa pag pi-piano.




Pero hindi talaga matuto si Isabella, hindi hilig ni Isabella ang pag piano, pero ako mahilig ako mag piano.




May dahilan ako kung bakit gagawin ko 'to, alam kong gusto akong pahiyain nito. Hindi ko siya hahayaang pahiyain ako dahil siya ang papahiyain ko.




Kita ko ang pag bulong sakaniya ni Ej, kita ko bigla ang gulat sa mukha niya na parang sinadya niya kahit alam naman talaga niya.




"W-wag─."




"G-gagawin ko." putol kong saad, pinaramdam ko sakaniya ang kaba ko kahit hindi naman talaga ako kinakabahan.




"P-pe─."




"Ayos lang, binibini. Wag kang mag-alala. Gagawin ko 'to para sa 'yo. Para maging kaibigan mo." mahinhin kong sagot na parang totoong totoo ang sinasabi ko.




Natigilan naman siya kahit ang mga tao rin sa table. Umalis ako sa upuan ko, kitang-kita ko kung paano ngumisi sa akin si Hannah.





Iniwas ko nalang ang tingin ko sakaniya at umaktong natakot, pinahalata ko ring kinakabahan ako. Para sulit yung pag papanggap ko.




Pumunta ako sa piano kung nasaan nasa pinaka gitna iyon, umupo ako ron.




"Attention! Si Binibining Isabella ay tutugtog ng piyano." pag pukaw ni Hannah sa attention.




Tsk tsk, halata namang gusto niya ang nangyayari! Palihim akong ngumisi, sinisigurado kong walang nakakita nang pag ngisi ko.




Hindi ko hahayaang mapahiya ang pamilyang Montenegro nang dahil lang sa kagustuhan mong pahiyain ako Hannah.




May magiging dahilan ako pag tinugtog ko na ang piano.




Hindi ako sasabak sa gyera kung walang akong sandata.




Pero pwede ko naman siyang suntukin...




Tinignan ko ang mga pyesa bago bumuntong hininga.




Imbis na ako ang papahiyain mo, ikaw ang pahihiyain ko. This is my sweetest revenge for you, my dear sister.




Huminga muna ako nang malalim, inilagay ko ang isa kong kamay bago tipain ang pyesa, lumikha ito nang hindi magandang tunog.




Kita ko sa peripheral vision ko ang nakangising mukha ni Hannah, kita ko rin ang pag-aalala ng iba sa table.




Inulit ko ulit iyon, dalawang kamay na ang ginamit ko, sinadya kong pangitan ang pag-tipa, don na ako nakarinig nang bulong-bulungan sa paligid.




Tsk! Mapang-husga ang mga tao! Tinigil ko muna iyon, hindi ko rin alam kung ano ang patutugtogin ko, dahil kung kanta sa kasalukuyan ang ipa-piyano ko, baka makahalata siya.




Hinawakan ko ang mga pyesa at tinipa ulit ito, pinangitan ko na talaga. Mas lalong lumakas ang bulong-bulungan sa paligid.




Sige lang, pag-usapan niyo lang ako.




Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now