CHAPTER 27 ☘️

428 33 10
                                    

ALEXANDER'S POV

Makalipas ang insidenteng naghabulan kami ng mga ballfrog at kasama na don si besh Ay maslalo nag hirap ang buhay ko.

Sa loob ng isang linggo doon ako pinahirapan ng weirdo nayun. Grabe sya parang wala syang awa at puso sa mga pinapagawa nya sakin nakakaiyak dahil sa sobrang nakakapagod.

Noong pagkatapos nyang bugbugin ang tatlong ballfrog ay hinila nya ako papunta sa parking lot at pinasakay. Pumunta kami sa condo nya doon nya ako pinagawa ng mga utos nya.

Pinaglaba nya ako ng dalawang basket na puro uniform at mga damit nya. Halos hindi pa ako nakapagpalit ng uniform at nakauwi sa bahay ay ayun kaagad ang pinagawa nya.

The next day ay tatlong subject na notes ang pinagawa nya sakin halos mabali na ang kamay ko nun sa sobrang dami kong sinulat dahil sinama ko narin sa akin dahil wala akong pang re-review kung sakali mang magpa surprise quiz isa sa mga prof.

Halos isang linggo ako nag dusa sa mga pinapagawa ni weirdo. Pinalinis nya ako ng buong condo nya, pinagdilig ng mga tanim na hindi nmn sakanya. Magrereklamo pa nga sana ako bakit ako magdidilig eh pagmamay ari yun ng building? pero sa isang masamang tingin palang ni weirdo ay gumalaw na ko. Mahirap na dahil isang baliw yan

Sa pagdudusa ko sa pagpapahirap ni weirdo ay natapos na ang kontrata.

Kontrata?

Gaga, syempre sa isang linggo ay natapos na ang pagiging #Alipin for 1 week ni Mr. Vergara. At natutuwa ako dahil na tapos narin ang ganap na pagiging alipin ko kay weirdo.

Sa buong linggo nadin yun ay hindi mawawala ang demonyo, mayabang, at unggoy na si Jake. Walang araw na lagi nya akong pinipikon at inuutusan ng kung ano-ano.

Diba dalawang tao ang pinagsisilbihan ko?

Sa mga pinaguutos ni Jake anjan na ang pinabibili nya ako sa canteen ng pagkain nya, pinapasagutan sa akin ang mga assignment nya at pinapasulat ako ng mga notes.

Wala namn ako magawa kung hindi sundin dahil lagi nya ako binablock mail.

Na kesyo daw sasabihin nya kay Josh yung nararamdaman ko, at doon ako na inis sa sinabi nyang " Isasabi ko tlga kay Josh na pinagnanasaan sya ng bestfriend nya" at ngumisi pa ang unggoy.

Diba napaka demonyo?

Kaya ayun sa badtrip ko padabog akong gumagawa ng mga pinapagawa nya sakin.

About naman pala kila Josh?

Hindi ko maiwasan ang lumungkot.

Gabi gabi ay nararamdaman ko pa ang lungkot at sakit. Tuwing gabi ay nilalabas ko lahat ng luha ko sa kwarto tahimik na humihikbi dahil sa kalungkutan.

Di korin maiwasan na sisihin ang sarili.

Nasasabi ko na "Bakit sa lahat ng gugustuhin ko bakit sa bestfriend ko pa?"
Gayun din nagsabi kami sa isat isa na hanggang kaibigan lang tlga.

Eh ako itong si tanga na hindi tumutupad sa pangako.

Hindi ko talaga maiwasan na mahulog sa kanya, dahil sa mga pinapakita nya sakin.
Ako yung feelingera na nagsasabi na special ako kay Josh.

Mahalaga nga ba ako kay Josh?

Dahil kung para sakin sya ang prinsipe ng buhay ko. Mahalaga sya para sakin, he's treasure for me.

"You're like a star, I can see you, but i can't reach you"

Sa katagang yan tamang tama ako, dahil nakikita ko man sya pero mahirap syang abutin.

KAHIT DI MO NA ALAM (bxb) [On-Hold]Where stories live. Discover now