CHAPTER 16 ☘️

298 28 2
                                    

Sorry for typos and grammatical error.





ALEXANDER'S POV

Hindi ko akalain na may nararamdaman din pala si Sheena kay Josh, masakit para sakin dahil madali nalng ang pakikipagrelasyon nila dahil gusto nila ang isa't-isa, isa pa matagal narin palang gusto ni Sheena si Josh noong mga highschool pa kami hindi ko halata kay Sheena na may gusto na pala sya kay Josh dahil parang wala syang interesado sa mga manliligaw nya noon, hinihintay nya lang pala si Josh.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Alam kong apektado akong sobra dahil titiisin ko lahat ng mga sakit na makikita ko ngayong nililigawan na talaga ni josh si Sheena.

Wala akong magagawa kung hindi suportahan si Josh, dahil wala namn akong karapatan na pigilan sya dahil hindi ko namn kapit ang nararamdaman nya.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kwarto, dahil kauuwi kolng.

Hindi mawala sa isip ko ang mga narinig ko kanina.

Kaya itong mga mata ko hindi na tumigil kakaluha iniisip ko kasi kung anong mga mangyayari kung maging sila na.

Isa pa nalaman din ni Jake ang matagal ko nang sikreto, nagulat din ako kanina dahil hindi nya manlang ako ininis o inasar habang umiiyak ako.

Nag-abot pa sya sakin ng panyo kanina ngunit hindi ko tinanggap.

Concern ba sya sakin?

Gaga pano magiging concern yun eh mortal na magkaaway kami nun hahaha.

Lagi nga nakakunot nuo nun kapag makikita nya palang ako, kaya nginingisian ko nalng na mapangasar na mas Lalo kinanuot ng nuo nya at ang mga kilay magkakasalubong na haha.

~~~

Habang nakahiga at iniisip ang mga nangyari kanina ay biglang nag ring ang phone ko kaya kinuha ko ito at sinagot.

📞ON CALL

"/Hello Alex?/"may galak na wika ni josh nung sinagot ko ang tawag nya.

"Bakit Josh?"sagot ko.

"/May sasabihin ako sayo/"saad nya.

Alam kong sasabihin nya ang mga nangyari kanina kaya nagbabadya nanamn ang nga luha ko.

"A-no y-yun"utal-utal kong wika dahil pinipigilan kong umiyak.

"/May problema ba Alex? Umiiyak kaba bakit ganyan boses mo?/"sunod sunod na tanong nya sakin na ikinangiti ko ng mapakla.

Ang concern parin tlaga ng bestfriend ko.

"Huh? Hindi ah, uminom kasi ako ng malamig kanina kaya ganito"masigla at pagdedeny na saad ko.

"/Ahh ganun ba? Kala ko umiyak ang bestfriend ko/"sagot nya.

"Ano pala sasabihin mo?"tanong ko.

KAHIT DI MO NA ALAM (bxb) [On-Hold]Where stories live. Discover now