Prologue:

8K 134 8
                                    

Basahin at tandaan dahil dito magsisimula ang kwento sa buhay ni Xavier San Diego, our DEVIL PRINCE...

****
Inlove with the Devil
(ILYMG Series)

---

Halos lahat ng tao ay napalingon ng rumaragasang pumarada ang isang Black Ducati. Tumigil ito sa mismong tapat ng limang kotseng nakaparada pabilog sa madilim at malawak na bakanteng lote na iyon sa isang bahagi ng syudad ng New York.

Napangisi naman ang mga kalalakihang nagsilabasan sa kanilang kotse ng makita kung sino ang dumating.

"You really amazed us for having guts in coming here alone, Viper!" nakangising saad ng lalaking itim. Nakasuot ito ng purong itim kaya kung di lang sa liwanag na nagmula sa headlights ng mga kotse at sa blingbling na suot nito ay tyak na di mo ito gaanong maaaninag.

"Where is Victoria?" matapang sa sambit ng tinawag na Viper at bumaba ito ng motor saka hinubad ang suot na helmet.

Naghalakhakan naman ang mga lalaki na nasa halos bente katao ang bilang.

"Oh! The Knight in shining armor is here.." sabat ng isang boses mula sa loob ng kotseng nasa pinakagitna. Bumukas ang drivers side nito at lumabas mula roon ang isa pang lalaking amerikano. Puno ng tattoo ang katawan nito.

"F*** you Cove! I told you not to touch Victoria!" sigaw ni Viper at mabilis na sinugod ang amerikano.

Kaagad namang nakaharang sa kanya ang mga tauhan nito. Ang iba ay bumanat ng suntok at sipa pero mabilis naman itong nailagan ni Viper at saka bumwelo ng counter attack.

May nag amba ng palo sa kanya ng baseball bat pero kaagad naman niya itong nasalo at hinila papalapit saka sinalubong ng kamao ang mukha ng kalaban.

Ilang minuto lang ay napatumba na niya ang labinlimang tauhan nito. Natigil lang siya ng wala ng umaataki sa kanya at nakarinig ng palakpak mula kay Cove.

"Such a strenght! Now i know why Victoria chose you over me Viper.. You make her fall with your guts.." nakangisi nitong saad.

Madilim ang mukhang tinaliman ng tingin ni Viper si Cove.

"Where is Victoria?" mariing tanong niya.

Humalakhak lang si Cove at pinitik ang mga daliri sa isang kamay. Saglit pa ay lumabas ang dalawa pa niyang tauhan hila hila ang lupaypay na si Victoria.

Halos di na ito makilala sa gulong gulo nitong buhok at gula gulanit na damit. Puno din ng pasa ang katawan at mukha nito maging ang mga braso at binti ay may sugat din.

Nagdilim ang anyo ni Viper at muling sinugod ang mga kalaban. Pero magaling ang mga ito at bihasa sa labanan kaya nabugbog nila si Viper.

Pero di rin pahuhuli ito sa mga kalaban dahil sinigurado talaga niyang babalian ang makakaharap.

Tanging nasa isipan niya ay patayin si Cove dahil sa ginawa nito kay Victoria.

"I' ll kill you! F*cking bastards!" sigaw niya at binalian ng braso ang isa na nahawakan niya. Basta nalang niya itong ibinalibag at sinugod naman ang iba.

Pero di niya napansin na nagbunot ng baril si Cove. Huli na upang iwasan ang bala nito at tinamaan siya sa tagiliran. Napaluhod sa sakit si Viper.

Sinamantala naman ito ng mga tauhan ni Cove at ginulpi nila ng husto si Viper hanggang sa gumapang nalang ito sa lupa. Papalapit kay Victoria.

Pilit niyang inunat ang braso upang abutin ang naghihingalong si Victoria.

Nakangisi namang lumapit si Cove sa kanya at inapakan ang kamay niya. Napahiyaw si Viper sa sakit. Hinila ni Cove ang buhok nito upang iangat ang ulo ni Viper.

"Its your fault that Victoria had to come to her end. You messed up with the King.. But to tell you, Victoria really taste good and im satisfied with her in bed. Tsk.. Such a waste that i would kill her.." bulong nito kay Viper.

Nanlaki ang mata ni Viper ng makitang iniumang na ni Cove ang baril patutok sa katawan ni Victoria.

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid kasunod ng pagsigaw ni Viper sa pangalan ng kasintahan.

"Victoriaaaaaaaaa!!!!!" hiyaw niya.

Iniwan naman siya nina Cove at nagsialisan ang mga ito gamit ang kanikanilang kotse. Naiwan din ang bangkay ng mga tauhan nito.

Pagapang na nilapitan ni Viper ang kasintahan pero namanhid na din ang katawan niya dahil sa dami ng dugo na nawala dagdag pa ang pambubugbog ng mga ito sa kanya.

Tanging dulo lang ng daliri ang nahawakan niya sa kasintahan bago unti unti na rin siyang nawalan ng malay.

I swear, i will hunt them down and make them pay, my love...

---

A/N: patikim lang po yan.. Hehehe.
Sali na kayo sa ating group sa fb mga fans ng ilymg.

Just search MALDITANG_NURZ STORIES (ILYMG TRILOGY).

If nahihirapan po kayong hanapin ang group just add me on my Fb acct. @MAUREEN.NURZ
and pm me, ill be the one to add you in the group.

Baka may interesadong maging Operator ni Xavier just pm me..

XOXO malditang_nurz


Inlove with the DEVIL [ILYMG series 2]Where stories live. Discover now