REVISION: PROLOGUE.

0 1 1
                                    

GAANO mo kakilala ang mga taong nakapaligid sa'yo? Gaano mo kakilala ang nobyo mo? Gaano mo kakilala ang bff mo?- kagandahan ba'y biyaya, o ito'y sumpa?

-----------------------

COLD VICTIM:

.
-------------
.

NAGMADALING Pumasok ang binata sa isang maluwag na swimming pool sa area ng School Campus nito't napalinga-linga sa paligid.

“Rachel! Rachel!”

Hinanap ng binata ang dalagang nagngangalang Rachel sa buong sulok.

Pagkarating nito sa locker area ay nakita nito ang isang kasuotan pang babae. Doon sa may mahabang upuan.

Kinuha ng binata ang damit at inaamoy-amoy. Nababatid nito na pagmamay-ari ng magandang babaeng pinagnanasahan at kinababaliwan niya ang kasuotang iyon.

Pagkatapos ay tinago ng binata ang nakitang underware sa kanyang bulsa, saka ito nagtungo muli sa labas.

Kinuha din nito ang sariling phone at nagtipan ng numero saka inihilig sa kanyang tainga.

Tinatawagan niya ang numero ng dalagang hinahanap niya.

Nagri-ring lang ito’t naririnig niyang nasa malapit lamang ito.

Sinundan niya ang ingay at hinanap iyon. Kasalukuyang naglalakad siya ngayon sa gilid ng pool, habang nakapilig padin ang phone nito sa tainga.

Hindi nagtagal ay nahanap niya ang tunog ng phone na tinatawagan niya.

Nakita niya ito sa may gilid ng pool na katabi ang isang roba na kulay pink. Kinuha niya ito't tsenek.

Pagkatapos ay nakita niya ang sariling numero sa dialled number sa screen.

Ilang minutong nakatunganga ang binata sa gilid ng pool.

Nang may mapansin sa ilalim ng tubig na katawan ng isang babae. Nakalubog ito sa ilalim na tila hindi na humihinga.

Napalunok ang binata sa nakita't nabitawan ang sariling phone pati ang phone na pagmamay-ari ng tinatawagan niya‘t saka nalaglag sa loob ng pool.

“Rachel?” bulong na sambit niya‘t sabay atras ng binata.

Hinubad muna nito ang suot na sapatos saka nagpasyang sumisid sa pool.

Batid ng binata na hindi siya magaling lumangoy pero sinubukan niya paring iligtas ang dalagang matagal niya ng kinahuhumalingan.

Pagkasisid niya’y sinimulan niyang ikawig ang dalawang paa’t bumaliktad sa tubig.

Nakikita niya lamang ito sa pelikula kung paano magsimulang lumangoy ang bida.

Ikinawag niya rin ang dalawang kamay at nagsimulang sumisid sa pinakailalim, hanggang sa makalapit na siya sa katawan ng dalaga.

Inangkla niya agad ang katawan nito sa kanyang mga braso't binuhat ito't sinamang makaahon sa pinakaitaas.

Doble ang bigat na nagpapahirap sa kanya habang kumakawag siya sa tubig, kaya halos hilain niya na ang dalaga.

Hindi naman nagtagal ay nakaahon din siya kasama ang katawan ng dalaga.

Nahihirapan pa siya dahil sa bigat ng katawan ng babae. Ngunit nakarating din sila sa gilid ng pool.

Ngunit ilang sandali pa’y natigilan siya't napaangat ang tingin nang makita ang imahe ng isa pang binata na nakatayo roon sa gilid ng pool.

Pinilit niya paring magpalutang-lutang dala ang walang malay na katawan ni Rachel.

Ang imahe din na nakaabang sa itaas ay nakatingin sa kanya't masamang nakatitig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KILLER WHU: SOME-ONE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon