EPILOGUE (part 2)

Start from the beginning
                                    

"Ma,  Pa!!"

"Magpagaling ka,  at ako mismo ang magdadala sayo kung nasaan man ngayon si Ashton."

Muli akong napahagulhol ng sabihin. iyon ni mama.

Isang linggo ang lumipas ng bahagya ng umayos ang pakiramdam ko.

"Anak.. Gusto mong lumabas muna?"

Nasa Hospital pa rin ako at patuloy na nagpagaling.

"S'an tayo pupunta, Ma?" Tanong ko habang umuupo sa wheel chair.

Itinutulak ako ni mama sa may hallway ng mapadaan kami sa ICU.

Hindi ko alam kung bakit huminto kami sa tapat ng pinto niyon.

"Ang Lalaking pinaka mamahal mo,  ay nasa loob ng pintong iyan, Anak."

Si hon...

"Ma??"

"Kritikal pa rin hanggang ngayon ang nobyo mo. Patuloy syang nakikipag laban para lang mabuhay anak."

"Hon— Gusto ko syang makita, Ma." Hawak ko ang kamay ni mama.

Gusto ko syang makita.

Baka sakaling gumising na sya kapag narinig nya ang boses ko..

Baka hinihintay nya lang ako, para ako mismo ang gumising sa kanya.

"Ma, Please..." Pagmamakaawa ko.

"Ipagpapalam natin sa doktor nya, Anak. Mahigpit kasi ang mga doktor dito."

"Gawan nyo po ng paraan.. Hindi ako aalis dito hanggat di ko sya nakikita, Ma! Please"

Tulad ng ipinangako ni mama, Ay pinayagan ako ng doktor na makapasok sa loob.

Mas lalo akong naiyak ng makita kung gaano kadaming bagay ang naka kabit sa kanya.

Hon..

Inilapit ako ng doktor sa tabi nya,  saka ako iniwan sa loob.

Nanginginig ang kamay ko ng hawakan ang kamay nya.

"Hon.. Gising ka na please.."

"Labas ka na dito. Hindi magandang kwarto ang ICU, Please.."

"Kakantahan mo pa ako di'ba?"

Kahit pa may tubong nakakabit sa bibig nya ay pilit ko pa ring hinaplos ang mukha nya.

May benda rin sya sa ulo nya dahil sa tama ng bala..

"Hon, Nandito na ako. Buhay, kaya gumising ka dyan."

"Hindi ka cool kung nakahiga ka lang."

"Bangon ka na aking mahal."

"Gumising ka para sakin please.."

"Yung mga nanakit sa atin,  nahuli na sila. Nakakulong na sila,  kaya ikaw bumangon ka na dyan kasi miss na miss na kita."

"Namimiss ko na yung pag kanta mo,  namimiss ko na yung pag yakap mo. Namimiss ko na yung pag halik mo. Bumalik ka na sakin, Please.."

Nagulat na lamamg ako ng bigla nyang pisilin ang kamay ko.

Kumabog ng malakas ang puso ko ng makita mismo ng mata ko ang pag pisil nya don.

Ngunit ganon kabilis nawala ang ngiti ko ng makitang nag paflat line ang pulso nya.

Malakas ng boses na tinawag ko ang doktor nya..

Nag kukumbulsyon na sya at natatakot ako sa susunod na pwede pang mangyare.

"Dok, Anong nangyayare sa kanya?"

I fell Inlove with A Man Named ZERO=COMPLETED=Where stories live. Discover now