Napabuntong hininga ako at mahinang tinapik tapik ang pader gamit ang daliri ko, sana naman ay hindi siya sira ulo para bumaba ng sasakyan.

Ngunit dahil sira ulo siya, ilang segundo ang lumipas lumabas siya ng sasakyan. "Ano bang kailangan niyo?" tanong nito at bahagyang nakakunot ang noo.

Nakaharap siya sa deriksyon ko, at doon ko lang natitigan ng maayos ang mukha niya. Pamilyar nga talaga siya, dahil siya ang nakita kong lalaki noon malapit sa lugar namin, nagpakilala pa nga ito.

Tumingin ang isang lalaki sa kasamahan at tumango, kinuha ng isang lalaki ang cellphone at may tinawagan. Mukhang tinatawagan na ang leader nila.

Pagkatapos no'n ay humarap ang lalaki sa mga kasamahan. "On the way na raw si boss."

"Nagtatanong ako, ano bang kailangan niyo?" muling tanong niya, ni Ethan.

"Wala kaming kailangan sa'yo. Sumusubra ka na at kailangan mong matuto ng leksyon," sagot ng isang lalaki.

Napakunot ulit ang noo niya. "Wala akong natatandaang may ginawa akong mali sa inyo, ni hindi ko nga kayo kilala."

Muli ay nag-tawanan ang mga kalalakihan. "Sa amin wala pero sa boss namin meron. Inagaw mo lang naman ang kasintahan nito. Kung kaya ito ang kabayaran ng ginawa mo."

Mas lalong nangunot ang noo nito. "What? I didn't know what are you talking about. Kaya padaanin niyo na ako."

"Hindi ka namin padadaanin," nakangising aso na sabi ng isa sa mga kalalakihan.

"Napaka-babaero mo. Maging ang kasintahan ng boss namin ay nasulot mo." dagdag ng isa.

Hindi ko napigilan ang mahinang pagtawa na lumabas sa bibig ko, hindi ko maiwasang hindi matawa dahil sa senaryong nakikita ko.

Hinarang nang grupo ng mga kalalakihan ang isang lalaki dahil sa isang babae. Pag-ibig nga naman o.

Napailing ang lalaki, akmang tatalikod na ito at babalik na ng sasakyan nang harangin siya ng dalawang lalaki at marahas na hinawakan sa magkabilaang balikat. "Hindi ka pweding umalis."

"Let go of me or else, I'll call a police," may bagbabantang wika nito.

Nagtawanan ang mga kalalakihan. "Hindi mo 'yun magagawa Ramirez."

Matalim ang mga titig na ipinukol niya sa mga kalalakihan at nagpumiglas ngunit dalawang magkasunod na suntok sa sikmura ang natamo niya.

Napa-iling na lang ako nang magsimula na ang mga lalaking saktan siya. Kawawang Ethan, hindi man lang makalaban. Tsk.

Umalis ako sa pagkakasandal sa pader at lumabas sa pinagtataguan. Malakas akong tumikhim upang kuhanin ang atensyon nila, lihim akong napangisi ng ilang segundo ay sabay sabay silang napatignin sa akin at napatigil sa pananakit sa lalaki.

"Sino ka at anong ginagawa mo rito?" tanong ng isang lalaki, ito ang sumuntok ng dalawang beses kay Ethan.

Napatingin ako sa kaniya, kay Ethan. Napailing-iling ako nang makitang may putok na ang gilid ng labi nito, isang suntok lang wasak na agad?

"Ako si May, napadaan lang ako. At kayo anong ginagawa niyo rito?" seryoso at walang emosyon kong tanong.

Nagkatinginan ang mga ito. "Hawakan niyo 'yang babae at baka tumakas at magsumbong," utos ng lalaki, tinutukoy ako.

"Tsk," mabilis kong sinalag ang parehong kamay ng lalaki na akmang hahawakan rin ako sa balikat. Marahas kong hinawakan at hinigpitan ang pagkakahawak sa parehong pulso nito.

Malakas itong napasinghap at napadaing. "Arghh! Ang sakit, bitiwan mo ang kamay ko!" umiling ako at ngumisi bago inikot ang parehong parteng pulso nito.

"Maayos akong nagtanong, iba ang isinagot ni'yo." walang buhay na boses kong sabi bago inilibot ang tingin, isa-isa ko silang tinignan at huling dumako ang tingin ko kay Ethan dahilan upang magkasalubong ang mga mata naming pareho, umiwas ako ng tingin at tumingin sa taong may hawak sa kaniya. "Bitiwan niyo siya."

"At bakit ka namin susundin?" galit na tanong ng isa, ngumisi ako.

"Gusto niyong malaman ang sagot?" nakangisi kong tanong, mabilis kong tinuhod ang lalaking hawak ko at sinipa sa tiyan.

Umabante ako ng iwinasiwas nang isa ang hawak na kahoy, naging mabilis ang bawat pag-ilang ko upang hindi matamaan at ng makahanap ako nang tiyempo ay sinalag ko ang hawak nitong kahoy, kagaya ng ginawa ko sa isang lalaki kanina marahas kong hinawakan ang pulso nito, gamit ang isang kamay kinuha ko ang kahoy na hawak niya at pagkatapos ay inilagay ko ang parehong kamay niya sa sariling likuran nito at gamit ang isang paa itinulak ko ang likuran niya padapa sa semento dahilan para mamilpit ito sa sakit.

"Ano? Pakakawalan niyo siya o aabutin niyo isa-isa ang ganito?" matalim ang mga matang ipinukol ko sa kanilang lahat at diniinan ang pagkakatapak sa likod ng lalaki na hanggang ngayon ay namimilipit sa sakit.

Lahat sila ay napalunok at nag-aalangan kung susundin ba ako o hindi. Pinulot ko ang nahulog na kahoy at itinuro sila. "Sagot?"

Walang pag-aalinlangan na pinakawalan ng dalawa ang balikat ni Ethan, takot na magaya sa nangyari sa kasamahan. Napangisi ako bago tinanggal ang paa sa pagkakatapak sa likuran ng lalaki, at binitawan ang pagkakahawak sa kamay nito bago lumapit kay Ethan at walang pasabing hinila ito papasok sa sasakyan niya.

Nanghihina ito at rinig ko ang mahihinang daing nito sa natamong pasa at sugat mula sa pagkakabugbog sa kaniya. Ako naman ay mabilis ring pumasok sa loob at umupo sa passenger seat.

"Dalian mo, magmaneho ka na," utos ko at tumingin sa bintana, naglalakad na ang mga lalaki palapit sa sasakyan na kinarorounan namin.

"Masakit ang katawan ko," rinig kong reklamo nito.

"Kamay mo ang magmamaneho hindi ang buong katawan. Dalian mo kung ayaw mong itulak kita palabas at hayaang pag-piyestahan ulit ng mga lalaking iyon," seryosong sabi ko, napatingin siya sa labas kung nasaan ang mga lalaki.

Walang pag-aalinlangan niyang binuhay ang makina ng sasakyan at nag-maniobra at pinaharurut ito paalis. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

You Are My Everything (COMPLETED)Where stories live. Discover now