Napakunot ang noo ko, ang Ethan ba na tinutukoy nila ay ang Ethan na nakasalubong ko kanina? Anong nagawang kasalanan nito sa kanila? Ngunit gayon pa man, nanganganib siya.

Napabuntong hininga ako at napailing-iling, ang mga kalalakihan nga naman, mahilig makipag-basag ulo akala mo ay doon nasusukat ang lakas. Tsk, hindi nila ito kakantihin kung wala itong nagawang mali.

Ethan, tatandaan ko 'yan. Konsensiya ko na lang kung hindi kita tutulungan. Tsk.

Hinintay ko munang makaalis ang mga ito bago lumabas sa pinagtataguan at parang walang nangyaring naglakad pabalik ng building namin at pumasok nang classroom.

Nang magsimula ang klase ay nakinig na ako, nakatingin ako sa teacher at sa kung ano ang itinuturo nito ngunit ang utak ko ay hindi nakikisama sa ginagawa ko dahil lumilipad ito at iniisip kung dapat ko bang pansinin ang narinig ko kanina o ipag sa walang bahala na lang.

Napabuntong hininga ako ng dalawang beses ng marinig ang anunsyo ng guro na may long quiz daw kami. Kinuha ko ang long pad ko sa bag at inalabas. Isinulat ko ang pangalan ko sa itaas.

Shero May C. Manzon

Napangiwi ako sa sariling pangalan, ayaw na ayaw kong marinig na tinatawag akong Shero ng kung sino. Dahil tanging isang tao lang ang may karapatang tumawag no'n sa akin at mahalaga 'yon para sa akin.

Kung kaya ang lahat ng nakakakilala sa akin ay May ang tawag.

Umayos ako ng upo at pinakinggan ang tanong bago nag-sagot. Lumipas ang dalawampung minuto ay sa wakas natapos na rin ang quiz, at ipinasa na namin sa harapan.

Lumipas pa ang ilang oras nang sa wakas ay uwian na. Tumayo na ako at inayos ang bag.

Paglabas ko ng school hindi ko alam kung papara na ba ako ng traysikel para makauwi na o pupunta ng kanto at magtatago upang hintayin ang mga kalalakihan at maging ang target nila upang manood.

Napabuntong hininga ako, dahil ang huli ang napili ko. Tsk, nilakad ko hanggang sa makarating ako ng kanto na malapit lang sa paaralan.

Bumuntong hininga ako at tumago sa likod ng pader na siguradong hindi nila ako makikita. Kinuha ko ang isang v-fresh sa bulsa ko at binuksan iyon at nginuya. Napatingin ako sa relong pambisig ko, hindi naman ako malalate sa trabaho kung gugulin ko ang ilang minuto dito.

Mas nauna pa akong dumating kesa sa mga taong haharang sa kaniya. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin ang pangalan ng lalaki, narinig ko na ang pangalan niya ngunit hindi ko lang maalala kung saan ko ito narinig.

Ethan.

Ilang saglit na paghihintay ay nakarinig na ako ng mga yabag at nag-uusap na kalalakihan. Bahagya akong sumilip upang makita sila, napailing na lang ako ng makita kung ilan ang mga ito.

Tsk, alanganin. Bumalik ako sa pagkakatago at prenting sumandal sa pader habang nginunguya ang bubble gum. Kailangan kong mag-isip ng plano.

Dapat ay nilapitan ko na lang ang lalaking nag-ngangalang Ethan kanina sa school, ang kaso ay hindi ko naman ito kilala at hindi ko alam kung saang parte ng school ang kinarorounan nito.

Konsensiya ko na lang kung ipagsasawalang bahala ko ito. Napapailing na lang ako sa mga naririnig na pinag-uusapan ng mga kalalakiha na nah-aabang.

Muli, ilang minuto ang lumipas rinig ko ang malakas na pag-busina ng isang sasakyan.

"Hey, tumabi nga kayo riyan!" rinig kong wika ng isang lalaki, baritono at pamilyar ang kaniyang boses.

Siya ito at sigurado ako.

Narinig ko ang tawanan ng mga kalalakihan. "Hindi kami tatabi, bumaba ka riyan kung ayaw mong pukpukin namin itong sasakyan mo, gamit ito-," anang isang lalaki at nakita kong iniangat nito ang hawak hawak na kahoy.

You Are My Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon