TOS : 01

5 0 0
                                    




TOS : 01


[ First Person's PoV ]

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Isang hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa akin.

Inilibot ko ang aking mga mata sa buong lugar, mukha nang luma ang mga kagamitan at mahahalata ang pagka antigo ng mga ito.

Sinubukan kong tumayo at lumabas upang makahanap ng taong maaari kong mapag tanungan.

Dahan-dahan kong tinungo ang daan palabas ng silid. May mga sulo sa bawat poste ng pasilyo.

" Gising kana pala, aking binibini "

A-Aking binibini?

Agad kong nilingon ang lalaking nagsalita sa aking likuran.

" A-Ano muli ang iyong itinawag saakin? " narinig ko ang mahina nitong pagtawa.

" May masama ba doon, Aking binibini? " naka ngiti nitong saad.

Ngayon ko lamang natitigan ng ayos ang kanyang mukha.

May mapupungay na mga mata at mahabang mga pilik. Matangos ang kanyang ilong. Mapula ang kanyang mga labi at lumalabas ang kanyang mapuputi at pantay na mga ngipin sa tuwing siyay ngingiti. Halos perpekto na ang itsura nito. Hindi kapani-paniwala.

Maya-maya pa ay tumalikod na siya. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang lihim niyang pag ngisi bago niya ako tinalikuran. Mahina rin itong tumatawa habang nag lalakad palayo.

" Wag mo akong ka titigan, baka matunaw ako, aking binibini, Sumama ka saakin "

Saglit pa akong nag dalawang isip kung sasama ba ako o hindi ngunit sa bandang huli, napilitan din ako ng bigla siyang bumalik upang hawakan ang aking kamay at saka hinila.

Habang hinihila niya ako, hindi ko maiwasang mamangha sa paligid

Maya maya pa ay dinala niya ako sa isang kwarto, pagka pasok na pagkapasok ko pa lamang sa malaking pintuan ay bumungad na kaagad ang isang mahabang lamesa na gawa sa kahoy, mga upuan at iba pang muwebles. kapansin pansin rin ang malalaking bintana na may mahahaba at makakapal na kurtina.

Pinaupo niya ako sa isa sa mga upuan roon at saka siya nagsimulang mag hain ng pagkain.

" Ikaw lamang ba ang tao rito? " bigla kong tanong. Nginitian naman niya ako bago siya sumagot.

" Sa buong buhay ko, tanging pag pipinta lamang at pag gagawa ng mga iskultura ( sculptures ) ang aking ginagawa. Ang lagi ko lamang kasama ay ang aking mga obra "

Napatango naman ako. Nang matapos siyang mag handa ng pagkain ay umupo siya sa aking tapat

" Saluhan mo akong kumain aking binibini, Marahil ay gutom ka na " nginitian ko naman siya at saka nagsimulang kumain

" Ang aking pangalan ay Romeo, Isa akong iskultor at pintor " pakilala niya saakin

Romeo, kay gandang pangalan. Bagay na bagay sa kanya.

" Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan, aking binibini? "

Napahinto ako sa pagkain.

Oo nga pala, wala akong maalalang kahit ano..

Sino nga ba ako?

Bakit ako narito sa lugar na ito?

Sandali pa akong natigilan bago nakapag salita.

" Victoria, Victoria na lamang ang itawag mo sa akin " Hindi ko alam kung bakit iyon ang pangalang aking nasambit. Kusa na lamang itong lumabas sa aking bibig.

Victoria..

" Victoria, ang iyong ngalan ay sing ganda ng isang bulaklak, isang karangalan para saakin na makilala ka, aking binibini " Hinawakan niya ang aking kamay at idinampi ang kanyang mga labi doon. Agad akong pinamulahan ng pisngi sa kanyang ginawa kung kayat binawi ko ito sa kanya. Tumawa naman ito ng bahagya.








<< end of chapter one >>

Hello, my fellow readers! Thank you for reading this book. I love you all!

ENJOY READING!!!

Follow for more upcoming stories!

Tale Of Shakespeare [ COMPLETE ]Where stories live. Discover now